What's new

Trivia Is Jesus Christ God?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,552
Reaction
7,213
Points
2,569
Many people regard Jesus as the most influential person in history. But is he Almighty God himself?

Or was he simply a good man?



Many people personally met Jesus, and some of their accounts are found in the Bible, revealing who Jesus really is.



For instance, an angel spoke to Jesus’ mother about her unborn son and said:



“This one will be great and will be called Son of the Most High.”

—Luke 1:32

When Jesus was being baptized, God’s own voice confirmed Jesus’ identity:



“This is my Son, the beloved, whom I have approved.”

—Matthew 3:17



What did his followers believe? When Jesus asked who they thought he was, Peter responded:



“You are the Christ, the Son of the living God.”

—Matthew 16:16



What did Jesus’ enemies say? Those wanting to kill him explained why:



“According to the law he ought to die, because he made himself God’s son.”

—John 19:7



What did Jesus himself say about his identity and relationship to God? He told his followers:



“The Father is greater than I am.”

—John 14:28



Even after his death and resurrection, Jesus said this about his future:



“I am ascending to my Father and your Father and to my God and your God.”

—John 20:17



The Biblical record makes it clear that Jesus is a distinct person, separate from God Almighty.



In fact, the Bible teaches that although Jesus is a powerful spirit creature in heaven, he is still subject to his God and Father.



Still, God has given a special assignment to his Son:



“To bring everlasting life and happiness to all humankind, just as God originally purposed.”



What else does the Bible say about Jesus?



Did Jesus really perform miracles?

Why did Jesus die?

Will Jesus return?
 
According to the Holy Bible and the Trinity, yes.
According to Jesus's followers, yes.
According to eye-witnesses of His resurrection, yes.

What else does the Bible say about Jesus?
Jesus was prophesied in the Old Testament.

Did Jesus really perform miracles?
Eye-witnesses and followers believed so.

Why did Jesus die?
Jesus died for the sins of mankind in order for mankind to have a fresh start to do what is good and right.

Will Jesus return?
I don't know but that's something to look forward to.
 
obvious naman na si Jesus at isang propeta..pero paniniwala ng karamihan siya na talaga ang god. always remember..God don't have any weaknesses Hindi katulad nating mga tao.
 
yes, according to the holy trinity, that there is one God, the Father, the Son, and the Holy Spirit.
 
ang dios nga may kamangmangan at kahinaan eh.

corinto 1:25

Sapagka't ang kamangmangan ng Dios ay lalong marunong kay sa mga tao; at ang kahinaan ng Dios ay lalong malakas kay sa mga tao.
 
Jesus is just a human like us.
Mga kapatid sa aklat po ng awit sa bentedos sais sabi ay ganito..

Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan.

Awit 22:6
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Kita niyo kapatid dyan uod naman siya hindi tao.. eh bakit sinabing uod? Sa desisais po ganito sabi..

Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.

Awit 22:16
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Sa desi otso..

Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.

Awit 22:18
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan mga kapatid si cristo po yan eh.. sabi niya ako ay uod at hindi tao hinapak nila ang aking kasuutan, niligid ako ng mga aso.. oh dyan uod siya.. sa iba naman eto sabi..

Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.

Juan 8:12
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Oh dyan ilaw naman siya dyan mga kapatid.. dito naman po ang sabi sa sais..

Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan.

Juan 6:51
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ah tinapay naman po siya dyan..meron pa nga po bato naman siya eh.. Marami pong simboliko si cristo sa biblia.. pag pinagsama-sama mo po mga sinabi ni cristo at dimo po alam kahulugan eh maliligaw ka po..

Eh dun po sa otso kuarenta ng juan bakit tao? Basahin natin..

Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.

Juan 8:40
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ang sabi po taong pinagsisikapan patayin na sa inyo'y nagsasaysay ng katotohanan.. eh alin po ba yung tao dyan?, yung taong pinagsisikapang patayin ng mga judio po.. eto po basahin natin sa dies benteotso ng mateo..

At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa't hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo'y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno.

Mateo 10:28
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun pala..yung pinagpipilitang patawin eh yung katawan.. ang tao po kasi kung pumatay ang napapatay lang naman po eh yung katawan.. eh talagang tao yun, laman yun.. Eh si cristo nagkatawang-tao..hindi po talagang tao.. dipo talaga tao si cristo, eh alin yung tao?, Edi yun pong katawan na gusto nilang mapatay..



Mga kapatid ganito po ano..lohika po muna tayo.. halimbawa yun bayabas po.. yung ugat ng bayabas, bayabas yun..yung puno ng bayabas, bayabas yun..yung dahon ng bayabas, bayabas yun..yung bunga ng bayabas..bayabas yun.. Ang salita po ng Dios ay Dios..yan po ang nasa biblia..yung salita, ang verbo ay Dios..

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.

Juan 1:1
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun pong verbo sa salitang griego ay logos na ibig sabihin ay "something said" or reasoning..o salita ay bahagi po ng isang malaking-malaking kapangyarihan.. basahin po natin ang aklat ni isaias sa singkuentay tres uno gang singko..

Sinong naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang bisig ng Panginoon?

Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.

Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.

Tunay na kaniyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.

Nguni't siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.

Isaias 53:1-5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yung salita na yan mula uno gang singko ay tinutukoy niya ay si kristo..
Dun po sa uno ang may balita po ay ang mga apostol..hula po kasi yan na magaganap sa panahon ng mga apostol..
Sinong naniwala sa aming balita? At kanino nahayag ang "bisig" ng Panginoon?” Yung bisig na ‘yon, sabi sa dos ay “Sapagka’t siya’y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya. Siya’y hinamak..” Sa madaling sabi ito’y si Kristo. Ang Kristo ay bisig ng Dios.. ngayon po kung yung salita ng Dios,yung verbo ay Dios..at yung bisig ay bisig ng Dios.. eh lahat po sila parte ng Dios eh.. kaya po si cristo ay Dios.. wala naman pong parte ng Dios ang hindi Dios.. parang yung bayabas..lahat ng parte niya ay bayabas..dipo ba?


Ngayon po, basahin po ulit natin yung uno uno ng juan..

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.

Juan 1:1
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yung verbo ay Dios ayon po kay juan.. eh sino po ba yung verbo?.. tuloy natin sa katorse..

At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.

Juan 1:14
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayon malinaw..eh si kristo lang naman po ang nagkatawang-tao eh.. kaya nga po hindi talaga tao kasi po nagkatawang-tao lang.. basahin po natin ang sabi ng Ama, tungkol sa Anak..eto po mababasa..

Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.

Hebreo 1:8
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Sa ingles ang sabi..

But unto the Son he saith, Thy throne, O God, is for ever and ever: a sceptre of righteousness is the sceptre of thy kingdom.

Hebrews 1:8
King James Version (KJV)

Kita niyo? malinaw po sabi ng Dios Ama.. si kristo ay Dios.. ang iyong lulukan, oh Dios ay magpakailanman..Thy throne, O God, is for ever and ever..

Ang tao po ay yung dinala ni maria sa sinapupunan niya.. nakahanda na yun pagpasok ng Anak sa sanglibutan..basahin natin sa dies singko ng hebreo..

Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;

Hebreo 10:5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po, kaya po hindi talaga tao eh dahil hindi siya talaga taga sanglibutan, pumasok lang po eh.. pagpasok po niya sa sanglibutan nanahan po siya, nanahan dun sa katawang iniluwal ni maria.. basahin natin sa colosas dos otso at nuebe..

Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:

Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,

Colosas 2:8-9
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun, napakalinaw mga kapatid..nananahan ika sabi sa nuebe ang buong kapuspusan ng pagka-Dios sa kahayagan ayon sa laman..hindi naman sinabing nananahan ang buong kapuspusan ng pagka-tao.."Pagka Dios" ang sinabi ni san pablo..kaya di talaga tao eh.. yun laman, anong laman yun? Edi yung katawang-tao na ipinanganak ni maria..nanahan nga Siya dun eh..

Sa katunayan po mga kapatid, ang panginoong Jesucristo po ay umiiral na bago pa lalangin ang sanglibutan.. basahin po natin ang sabi sa kawikaan otso bentedos gang trenta..

Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.

Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa.

Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig.

Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas:

Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.

Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman:

Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:

Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa:

Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya;

Kawikaan 8:22-30
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yan po mga kapatid..ang nagsasalita po dyan sa mga talatang yan ay ang Karunungan ng Dios.. Ngayon, sino po ba itong Karunungan ng Dios?..Basahin po natin ang sabi ni apostol pablo sa uno bentekuatro ng unang corinto..

Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios.

1 Corinto 1:24
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po si cristo po pala ang karunungan ng Dios..na ang sabi dun sa aklat ng kawikaan na binasa po natin kanina ay.."Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa".. aba talaga palang si cristo umiral na bago pa ang sanglibutan..eh wala pang lupa panong tao yun? Eh wala pa ngang lupa eh, ang tao ay galing sa alabok.. Ngayon, talaga po bang ang Karunungan, na siyang cristo ay nauna pa sa sanglibutan? Eto po sabi ni apostol pablo..

Gayon man, ay nangagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagaman hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa wala:

Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin:

1 Corinto 2:7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun napakalinaw po dipo ba?..yung Karunugan na siyang cristo ay yaong ika itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin.. ayun po. Eh kaya pano magiging tao eh wala pa ngang sanlibutan kasama na ng Ama..kita niyo?

Siya ay pumaritong nasa laman, hindi pumaritong laman.. magkaiba yun.. basahin natin sa unang juan kuatro dos..

Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios:

1 Juan 4:2
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ang hindi po nagpapahayag na si cristo ay napariritong nasa laman ay anti-cristo..eto po sinabi sa tres..

At ang bawa't espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na.

1 Juan 4:3
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ang Ama po ang nanganak sa kanya eh..nanggaling at nagmula siya sa Ama eh..basahin natin sa otso kuarentaydos ng juan..

Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.

Juan 8:42
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun po ang sabi..sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios, galing siya sa Ama.. Eh saan sa Ama ba siya nanggaling?.. basahin po natin sa uno desiotso ng juan..

Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.

Juan 1:18
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Aba nasa sinapupunan pala ng Ama..dun siya galing..
Basahin po natin sa dos siete ng awit..

Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; sa araw na ito ay ipinanganak kita.

Awit 2:7
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun po..si kristo po nagsasalita dyan..aba pinanganak pala siya ng Ama.. eh kailan po yun? Basahin po natin ang juan desisiete bentekuatro..

Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.

Juan 17:24
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Yun pala bago pa pala nalikha ang sanglibutan inibig na siya ng Ama at tumanggap na ng kaluwalhatian.. Sa singko ang sabi..

At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.

Juan 17:5
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Si kristo po ay Dios na nagkatawang-tao.. puede ba naman maging tao eh bago pa nalalang ang sanlibutan eh umiiral na siya tumanggap na ng kaluwalhatiang galing sa Ama.. at puede ba nman po yung tao na eh magkakatawang-tao pa..HINDI po.. wala po sa tamang lohika yun..parang yung kambing, puede ba namang manganak ng baka yun..HINDI.. at komo pinanganak siya ng Ama, eh Dios ang Ama naturalmente Dios ang Anak..

Ganito nga ng ipakilala siya ng mga apostol..ang sabi ni juan ganito mababasa..

At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.

1 Juan 5:20
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Napakalinaw po, tunay na tunay.. ang sabi ni apostol juan..upang ating makilala siya na totoo, at tayo'y nasa kaniya na totoo..sino? Sa makatuwid ay sa kanyang Anak na si Jesucristo.. na ano?.. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.. basahin natin ang unang juan uno uno gang dos..

Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay;

(At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);

1 Juan 1:2
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun, sabi ni juan.. yun buhat sa pasimula na kanilang narinig, nakita, namasdan at nahipo ng kanilang mga kamay.. yung buhay na nahayag at sa atin nama'y ibinabalita nila.. ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama.. eh sino ba yun kasama ng Ama na tinatawag na buhay na walang hanggan? Walang iba kundi ang panginoong Jesucristo.. at kung babalikan natin yun sa singko bente ng unang juan, ang sabi.. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan.. bakit tunay na Dios? Ituloy po natin sa bente uno..

Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.

1 Juan 5:21
Tagalog (Ang Dating Biblia) (1905) (TAB)

Ayun, kaya pala sinabi na.. Ito ang tunay na Dios, maraming dinatnan si cristo na mga diosdiosan dito sa sanglibutan eh..

Ngayon malinaw, kung ang Ama, tunay na Dios..naturalmente ang Anak ay tunay na Dios..

Ingatan nawa kayo ng Dios..

To God be the glory!

Million thanks to God..
 
Kapatid alam mo ang biblia may sentido, ang biblia may lohika, ang biblia may konteksto.. biblical truth yan, ayaw niyo lang tanggapin.. kagaya ng sinabi ko, si cristo maraming simboliko sa biblia, kung dimo alam ang kahulugan maliligaw ka.. si cristo ay Dios.. imposibleng tao lang talaga, ang posible siya ay nagkatawang-tao.. magsuri tayo kapatid habang may panahon pa..

Samahan ka nawa ng Panginoon

To God be the glory!

Salamat sa Dios..
 
Last edited:
Alam mo dapat tigilan mo na yang paniniwala sa isang pabula.
Kapatid alam mo ang biblia may sentido, ang biblia may lohika, ang biblia may konteksto.. biblical truth yan, ayaw niyo lang tanggapin.. kagaya ng sinabi ko, si cristo maraming simboliko sa biblia, kung dimo alam ang kahulugan maliligaw ka.. si cristo ay Dios.. imposibleng tao lang talaga, ang posible siya ay nagkatawang-tao.. magsuri tayo kapatid habang may panahon pa..

Samahan ka nawa ng Panginoon

To God be the glory!

Salamat sa Dios..
 
It's all in your head, you don't even have a clue about what you're saying, you're so far far away for enlightenment. Jesus(Issa) was just a metaphor of higher self.
 
Hi sir, curious lang po, ano po religion mo?

When you say si Jesus ay Diyos, what do you mean by that? Na siya din po yung Ama gaya ng paniniwala po ng mga trinitarian? Curious lang ako sir, pwede mo sagutin pwede ring hindi, no problem :)
 

Similar threads

Back
Top