What's new

Stories Invitation

kepzie

Addict
Joined
Jan 23, 2021
Posts
31
Reaction
25
Points
86
-Invitation-

"Aray ko po Sir!" ang nasabi ko nalang sa Open mic ng nilalaro kong Barilan na online games. Ganito ang palagi kong ginagawa sa araw-araw, sa mag hapon at sa magdamag ang maglaro. sa iba ay ginagawa itong libangan, pangtanggal stress sa "bad day" nila at pag hahanap ng mga bagong kakilala. Hindi ko alam kung bakit ako nahilig bigla sa mga ganitong laro, siguro boring lang ako o naglilibang para maka move on..

"Kung nag move on kana sana nakalayo kana!" yan ang paulit ulit na naglalaro sa isipan ko, Oo nga naman nasa ibang kalawakan na sana ako kung nag umpisa na akong lumipad, dahil madalas ko paring binibisita ang profile at mga posts ng "EX" ko sa Social Media, hindi ko alam kung bakit interesado parin akong malaman ang mga kaganapan nito sa buhay nya, minsan ay nagkakausap parin kami nito na dapat ay hindi na. Marahil siguro nga kaya hindi ako makamove on dahil hindi ako sumusunod sa tamang proseso nito. hindi ko maalala kung kaninong salita ko yan narinig, pero parang kakaiba ang dating sakin ng salitang yan, hindi ko alam kung concerned ba sya o naiirita lang sa kadaldalan ko. Sa dami dami ko ba namang nakakusap sa laro hindi ko na matandaan kung sino sa kanila ang may sabi sakin nyan. sa dami ng nagadvice sakin yan lang ang tumatak sa isipan ko.

"Hello Kamusta kana?" Ang tanong sakin ng stranger na naginvite sakin sa game, wala naman akong pinipili na samahan kung sino sino nalang para lang malibang at maidaldal ko narin sa iba ang sakit na aking nararamdaman, ang sabi nga nila mas madaling magsabi sa taong hindi mo kakilala dahil hindi ka huhusgahan nito dahil hindi naman nila kilala ang tunay mong pagkatao. Sumagot nalang ako ng "Okay lang po kuya" sa tanong nito at nagumpisa na akong dumaldal ng dumaldal habang naglalaro. Mabilis kong napapalipas ang mga oras ko habang naglalaro at hindi ko naiisip masyado ang sakit na nararamdaman ko, marahil siguro dahil sa iba nakatuon ang atensyon ko at hindi ko na naiisip na iniwan na ako sa ere ng taong pinakamamahal ko.

Magdamag na at wala narin akong makalarong matino, wala narin akong natatanggap na random invite sa game, maglologout na sana ako nang may biglang naginvite sakin na hindi pamilyar sa akin ang Ingame name, hindi ko alam kung i-accept ko ba o maglologout nalang ako, maya maya pa'y nag send ulit ito ng invitation at hindi na ako nagdalawang isip at inaccept ko narin ito dahil hindi rin naman ako makakatulog agad kung sakali mang humiga ako. Habang naglalaro kami ay hindi ito nagsasalita, nakaopen Mic ito pero background noise lang ang naririnig ko, naisip ko na siguro seryoso lang talaga ito sa paglalaro, hindi narin ako makadaldal dahil pagod narin ang bibig ko sa maghapong pagsasalita.

"Ang tahimik mo ata ngaun Pechie?" ang basag nito sa katahimikan, nagsasalita rin pala ito akala ko ay matatapos nalang kaming maglaro na walang usap-usap, bigla akong napaisip dahil parang pamilyar ang boses nito sa akin na para bang matagal ko naring nakakausap. "Kanina pa kasi ako nagsasalita kuya PePe." ang nasagot ko sa kanya. "Ah kaya pala, nalolowbat rin pala yang bibig mo Pechie ano?" Ang pabirong sabi nito, agad ko namang sinagot na "Oo pero mga 5 minutes lang recharge na naman bunganga ko" hindi ko alam pero parang ang komportable nya kausap, nakakaaliw din itong kalaro at hindi ito katulad ng iba na pilit aalamin ang mga personal na detalye ng buhay mo, minsan lang sya magsalita pero parang may laman ang mga sinasabi. Nakakaramdam tuloy ako ng hiwaga sa kanya na parang gusto kong malaman ng kaunti ang personalidad nya. "Kamusta kana pala Pechie mukhang nakamove on kana siguro?" ang tanong nito sa akin. "Hindi parin kuya Pepe, medyo masakit parin pero OK lang naman ako." ang pabulong kong nasabi, marahil ay nahalata nito ang lungkot sa aking boses kaya bigla nalang itong napatahimik at hindi na muling nagsalita. Bigla kong naalala na sa kanya pala galing ang mga salitang paulit ulit sa isipan ko. parang gusto ko pa sana syang kausapin pero bigla akong nakaramdam ng hiya na dahil baka iba na ang isipin nito sa akin. Maya maya pa'y hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang kami ay naglalaro..

Kinabukasan. Maghapon ko syang hinintay na mag online pero wala parin ito marahil ay sa madaling araw lang talaga ito naglalaro. Hindi ko alam pero parang merong excitement akong nararamdaman na para bang gusto ko pa syang makilala ng lubusan. Siguro nga dahil komportable ang pakiramdam ko na kausap sya at nararamdaman ko rin na concerned sya sa akin na hindi ko naramdaman sa ibang player na nakakausap ko rin. maya maya pa'y nakita ko na syang online..invitation sent!
Madalas ko na syang nakakalaro, araw araw ko syang inaabangan para hindi na sya makasali sa ibang grupo pa, kung pwede lang sana ay ako lang ang kalaro nya para sa akin lang ang atensyon nito. Madalas kaming magkwentuhan at palagi din itong nagaadvice sa akin sa mga pwede kong gawin at sa mga sitwasyon na pwede pang dumating, pero hindi ko rin naman sinusunod ang iba dahil siguro nga maganda lang pakinggan ang advice nya pero ang pag sunod dito ay hay naku bahala na. Hindi rin nagtagal ay nagkaron narin kami ng komunikasyon sa social media, madalas na kaming magkachat at minsan ay nagtatawagan din. parang nakasanayan ko na kasama sya sa aking daily routine.

Unti unti na ata akong nakakamove on..ang nasabi ko sa sarili ko, siguro dahil sumusunod na siguro ako sa tamang proseso? o siguro dahil meron ng iba na umaagaw ng atensyon ko? ganun pa man hindi na ganun kasakit ang nakaraan kung sakaling maalala ko man. Minsan naisip ko na sana kung magkakaron man ulit ako ng karelasyon ay maspipiliin ko na sana ay sya nalang.. pero hindi naman ako sigurado kung pareho nga kami ng nararamdaman. May mga sandali na parang may gusto itong sabihin sa akin na hindi nya masabi pero kung pipilitin ko naman ay ibabaling naman nya ito sa ibang topic. Masaya syang kausap, Minsan hindi ko na naalala ang nakaraan ko dahil napupunuan nya ito ng kasiyahan. Nagpapasalamat narin ako dahil hindi ko aakalain na meron akong nakilala na tulad nya, hindi man "kami" siguro sa ngaun pero alam ko na andyan lang sya para sa akin.

Dumating ang araw na hindi na ito madalas maglaro, bihira narin itong magchat sakin, minsan naisip ko na baka umiiwas na sya o siguro wala lang talaga itong pagtingin, mahirap lang para sakin dahil nasanay na ako sa kanya. may mga araw na na mimiss ko sya ng sobra, pero wala naman siguro akong karapatan para maramdaman at wala din akong magagawa dahil kaibigan lang naman siguro ang tingin nya sakin, hindi rin ako nagkaron ng pagkakataon na sabihin ang tunay kong nararamdaman sa kanya. Minsan naisip ko tuloy kung bakit ko pa ba sya nakilala?
Dumating ang araw na halos wala na kaming komunikasyon parang bumalik lang ulit ako sa dati, napalitan nga lang ng ibang tao ngaun, minsan naisip ko kung bakit parang paulit-ulit nalang ang nangyayari sa buhay ko. Sigurado ako sa sarili ko na Mahal ko sya pero parang hindi narin ito mahalaga, masakit sa akin dahil nawala na sya sa sitwasyon na handang handa na ako sa kanya na mahulog. minsan naisip ko na meron pala talagang tao na mawawala nalang bigla kapag minahal mo na! siguro nga na ganun nalang talaga ang Papel nya sa buhay ko. Ang mahirap lang dahil umasa ako na akala ko'y magkakaron pa ng mashigit pa sa ganito. Mahirap talaga umasa kung wala ka naman talagang aasahan, parang naglaho nalang bigla ang dati kong kasiyahan.

Isang araw ay meron akong natanggap na invitation nagulat nalang ako at nalungkot pagkatapos ko itong mabasa dahil ang nakalagay dito ay...




"Wedding Invitation" ni Kuya Pepe!
 

Similar threads

Back
Top