What's new

Internet cafe negosyo

ugoku

Forum Veteran
Joined
Feb 7, 2018
Posts
3,458
Reaction
1,159
Points
906
ito mga kaphc
post tips ng mga may negosyong internet cafe nakita ko lang sa google

nikko guibelondo

9yrs in the business eto yung tips sa pag start ng comshop business. #1.FEASIBILTY STUDY- google nyo na lng. #2.GOOD LOCATION- eto po yung pinaka crucial na part yung location ng itatayo nyong comshop business. #3.DIFFERENT TYPES OF CUSTOMERS- may mga customer na pa fb fb lng at meron din mga hardcore players.(dota2,PUBG etc) YøùTùbérs and 5peso gaming. alagaan nyo yung mga hardcore gamers. VIP yan sila, sila ang mag dadala ng fortune sa business nyo. treat them like a VIP. #4.MARKETING- mag pa promo kayo like 2hrs+1hr. any pakulo para may bago na wala sa ibang shop. WAG LANG FREE. #5.MAINTENANCE- bago kayo mag start ng business maghanap kayo ng com.technician na mag memaintain ng shop nyo. (yung iba marunong sa computer ok na ok sa business) #6.GOLDEN TIP- every 8 months or less, ibenta nyo yung old units nyo for upgrade. WHY? kasi under warranty pa yung mga yung mga units nyo. meaning, mataas pa market value. ex: 1unit cost 15k. after 8months, pwede pa yan mga 9-10k depende sa maintenance. so nabenta mo ng 10k, yung kinita ng unit mo for 8months, dagdag mo for the bnew upgraded unit. WHY DO U NEED TO UPGRADE? kasi para makasabay ka sa demanding requirements ng mga bagong games and apps etc. advantage din yan sayo dahil mas mabilis at less lag ang units mo compare to ur competitors. para tumagal ka sa business at di ka ma iwanan ng mga kakompetensya mo. I HOPE NAKA TULONG AKO..


Squall leonhart
nag work ako sa comp shop as bantay b4 and i worked for 5 years i think, 10 units sya. at first akala ko malakas ung shop nya. then nung nakita ko ung daily income nya , kulang pa pra sa sahod ko for a day. nung pinagaralan ko pano tumatakbo ung shop at income nya doon ko nakita na puro utang ung mga customer. now dahil ako na ang nging bantay at hindi na ung owner binago ko ung dating kalakaran sa shop nya. karamihan sa customer nya nka away ko pa kesyo bakit daw pag c kuya gn2 bantay ok lang bat daw saken hindi pde eh bantay lang daw ako. so gnon nga nwala na ung mga utang at balik oras thing na yon. next thing na ginawa ko sinurvey ko ung buong lugar kung anong meron sa ibang shop na wala samen. doon ko nkita na lahat cla nka pldt that time pldt ang smooth at madaming nag hhost ng dota 1 games sa garena , wala pa LOL that time. now sabi ko sa owner mag palit kame ng ISP. so nakinig naman sya saken. pero nag sabi sya saken na pag e2 hindi daw nag work balik kami sa globe. which i doubt na hindi kami mag cclick at kkita. well negative lng cguro sya mag isip at kulang sya sa knowledge pag dating sa comp shop. although wala nmn ako sariling shop pra mag ka knowledge haha! all u need is a common sense. well i was a gamer b4 din kase kaya alam ko kung ano ang gs2 ng tao sa shop,. so ayun nga dumami bgla ung mga customer namen thanks to me. naging 20 ung pc nya. nkabli sya ng printer at sabi ko gwin ntin P1 per page which is i recommend also.. so nag x5 ung customer namen. ang mali lng sa gnwa nya kaya nag sara ung shop nya.. those years na tiba tiba sya sa income na 2k+ a day hindi na naisip mag upgrade ng mga unit nya at mag lagay man lng ng aircon. kase by that time dumadami ung mga nagbbukas na shop sa place namen na may aircon. sa madaling salita npagiwanan kame hanggang sa isa isa na nwala ung mga customer namen. humina ung income nging below 1k nalang hanggang sa naging pahirapan na namen kitain ung P500. tapos nakkialam pa ung tatay nyang iliiterate ewan ko all of sudden bgla nalang sya nanghhimasok sa pamamalakad sa shop, hanggang sa nag away kame nung tatay nya kase binastos nya ung isang customer ko na babae. after all those trouble. i told the owner that i want quit. not bcoz of his father but the income.. now i work in a call center for 7 years now and thinking of putting up a business which i worked b4. pero nag ddalawang isip pko dahl mas maganda mag tyo ng gn2ng business if u owned the place mabigat kase ang rent lalo na sa commercial mababa ang 12k. but anyway thats my experience..all i can say is may pera sa comp shop if u know how to manage it well and number 1 na kelangan mo is bantay na pang 4ever. hehe

ALviN DoMinGo
Heto naman po ang tips ko sa mga gustong magtayo or kahit dun sa meron ng sariling computer shop. Ako 9 lang yung computer ko pero nakaka 1,200 ako per day 7am-9pm. Alam niyo kung bakit? Ganito lang ang diskarte diyan, PLDT Fibr ang ipakabit niyong internet connection. mas okay kung 50 to 100mbps yung speed kasi mababa lang yung ping nun 1 to 3 lang yung ping at saka hindi nagla-lag yung mga online games kahit maraming nanonood ng video sa YøùTùbé at facebook. Pagdating naman sa specs ng cpu dapat yung matataas ang ikabit niyo halimbawa sa RAM - 4 to 8 GB VIDEOCARD - at least GT730 2 to 4GB 128 to 256 bit, PROCESSOR - at least Core i3 2nd generation and up. MOUSE - dapat yung hindi gaanong malaki at hindi sumasablay sa gameplay. may mga mouse kasing hindi sumusunod sa mga games lalo na sa crossfire kahit niliko mo na, di parin sumusunod. KEYBOARD - dapat yung keyboard na malalambot lang yung mga keys, mas maganda kung may LED light para kahit madilim kitang kita parin ng mga costumer yung pipindutin nila. WEBCAM - dapat yung malinaw at maliwanag ang video at least 30 fps. Magandang brand A4Tech. HEADSET - dapat yung malakas at comportable sa tenga. Kung mapapansin niyo INTEL at GEFORCE lang ang sinabi ko kasi yun ang ginagamit ko kaya yun lang ang sinabi ko tested ko na yan sa 7 years nitong shop ko. Tandaan niyo ang gustong gusto ng mga costumer ay yung smooth gameplay, mabilis, hindi nadidisconnect, at walang lag na computer shop. Dadayuhin at babalik balikan nila kayo dahil sulit na sulit yung binabayad nila sa pagrerenta

Ken BurstCC

para sakin 8am to 12am ang maganda para sulit ang isang araw nyo. 200K ang puhunan ko. 10K inuupahan ko. 5k sa internet ko. 5k den ang bills. so bale 20k ang a month ko. ngayon 15pesos an hour ako. 8am to 12am bale 16Hours akong open. 15x16= 240 pag i times sa 30 days. 240*30 = 7200 ang profit ko. sa isang PC pa lng yan. kung i times 10 mo pa kasi 10 PC ako. 72000 ang kinikita ko less 20k sa expenses may 50k akong profit a month. sa first 3 months ko wala akong bantay. ako lang mismo ung nag sacrifice para lng kumita ung shop ko. oo kulang ka sa tulog dahil 16 hours kang gising pero tiniis ko un kasi that time takot na takot ako mag fail ang shop ko. palagay na nating di laging puno ung shop so let say sa 16hours akong open 10 hours lng ung nagagamit. 15x10 = 150 isang pc lng per day. 150x30 = 4500 isang pc per month kung i times 10 natin yan kasi 10 units 45000. minus na natin ung 20K na expenses. may 25K parin ako. so after kong makita ung kita kong ganto sa 3 months kumuha na ako ng tao na kapalitan ko para di ako laging puyat. pinapasahod ko lng sya ng 2500 kinsenas katapusan bale 5k den. so far boom parin ang business ko hanggang ngayon kahit na may malapit na internet shop den kaming katabi. tip ko lng pagandahin nyo ung shop nyo para dun sa inyo lagi piliin. naka Led fan, Led Keyboard and mouse ang mga PC ko. kaya ang mga players ko tuwang tuwa sa pag lalaro samin. basta diskarte nyo na lng yan kung pano nyo hahakutin ang customer nyo kasi sa totoo lng kapag maganda ang PC mo kahit malayo ung mag lalaro dadayo at dadayo talaga makalaro lng. by the way 22 lng ako nung nag start ako mag tayo neto at ang capital ko galing sa papa ko which unti unti ko namang binabayaran para makabawi.

Angeli Quilinderino

We have been in this business for 11 years we have 10 units and nakakatulong talaga sa pang arawaraw namin and di ko na nagagastos ang sweldo ko kumbaga savings ko nalang yun. Pero I would say this business is not for everyone, dapat talaga strategic yung location and as much as possible di ka umuupa ng pwesto...
 
Ako naman ang tip ko is try mo mag converge na internet pldt medyo mabagal bagal e yun sulit ang converge and sa p.c syempre dapat halimaw ang specs
Sa mga school ka mag planno na lugar ba kung saan marame nagaaral dun kasi sa mga school madalas marame nag cocomputer or kaya sa mga lugar na crowded like dito saamen medyo squater yung area pero ang daming tao rito na naglalaro tsaka okey yang pakulo para mas ganahan sila mag online
 
Ako naman ang tip ko is try mo mag converge na internet pldt medyo mabagal bagal e yun sulit ang converge and sa p.c syempre dapat halimaw ang specs
Sa mga school ka mag planno na lugar ba kung saan marame nagaaral dun kasi sa mga school madalas marame nag cocomputer or kaya sa mga lugar na crowded like dito saamen medyo squater yung area pero ang daming tao rito na naglalaro tsaka okey yang pakulo para mas ganahan sila mag online
Hehe katulad sa comment mo ate my halu tagbis ":)
 

Similar threads

Back
Top