May partner ako and nagsama na kami for almost a year. Ok naman kami masaya but syempre may times na nag aaway and nagtatalo. Nasa iisang bahay na lang kami and madalas magkasama. Hanggang na busy ako sa work and minsan pati sa Games. Kung san ikinatampo nya ng todo. at dumating sa point na iniwanan nya ako at umuwi sakanila. Wala pang 1 month ng iwan nya ako, nagpapaligaw na sya and nag eentertain na sya ng iba. Sobra akong nalungkot at nasaktan sa mga nalaman ko. Sobra ko syang mahal kaya kahit ganun ang nangyari gumagawa pa din ako ng way para tulungan sya. (Since nawalan sya ng work and nasira CP nya, binilhan ko sya new CP and pinadadalhan dalhan minsan ng pera) Mahirap and masakit pero di ko kayang makitang nahihirapan sya sa sitwasyon nya. Alam kong katangahan na to pero mahal ko kasi eh and lahat gagawen ko para saknya kahit wala ng kapalit na pagmamahal na kaya nya pang ibigay sakin.