What's new

Tutorial Ingredients to a Successful LDR

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,933
Solutions
6
Reaction
66,347
Points
16,618
Communication.
一It is a key for good relationship lalong lalo na sa LDR.
Dapat kahit gaano ka ka-busy, may time ka pa rin sakanya. Always find a way para maka usap man lang siya kahit isang beses sa isang araw. Kahit simpleng message lang okay na'yan sa kaniya. Ang mahalaga, may communication kayong dalawa.But avoid excessive communication,overly sticky or possessive.

Presence
一Palagi mong iparamdam sa kanya na mahal na mahal mo siya kahit malayo kayo sa isa't isa. Iparamdam mo yung presence mo, yung tipong kahit malayo ka parang nasa tabi ka lang niya. Supportahan mo rin sya sa mga gagawin niya.

Pride
一Kahit mag away kayo, huwag niyong isiping bitawan ang isa't isa. Matutong mag pakumbaba. Huwag niyong palipasin ang isang araw na mag ka away kayo. Hangga't kayang ayusin, ayusin niyo na agad. Ibaba minsan ang pride. Hindi yung galit ka, galit din sya.

Effort
一Mag-effort ka sasimpleng paraan kasi hindi naman nila kailangan materyal na bagay. Mapasaya mo lang siya at mapangiti hanggang tenga ay ma-aapreciate niya yun. Time ang pinaka the best na maibibigay mo sa kanya kahit malayo siya.

Commitment
一Dapat meron kayong commitment sa bawat isa. Walang iwanan sa ere, palaging ilagay sa isip na hindi kana single dahil committed kana sa kanya. Huwag mag-papadala sa tukso. Panindigan mo ang inyong pagmamahalan kahit long distance.

Happiness
一Dapat wag mo siyang hahayaang maging malungkot palagi mo siyang pakiligin at pasayahin. Huwag na huwag mong iparamdam sa kanyan na nag-iisa siya.

Attitude
一 Kung may hindi kayo napagkakasunduan sa ugali ng bawat isa, pag usapan itong mabuti. Matuto kayong mag-adjust para sa isa't isa.

Trust
It's crucial.Its even tough lalo if malayo kayo sa isa't isa.You're mind keeps wandering on what they're doing at the moment.
一Ito ang isa sa pinaka susi sa long distance relationship. Kung walang tiwala, hindi magwo-work ang LDR. Dapat may tiwala kayo sa isa't isa. Kahit malayo kayo, kampante kayo nahindi mag loloko ang isa sa inyo. Trust is the key.

Loyalty
一Be loyal ang faithful. Kapag may lumandi sa'yo, sabihin mo sa kaniya sa ganoong paraan, maa-apreciate ka niya ng sobra. Iisipin din niya na wala kang balak na lokohing siya.

Be Contened
一 Lastly, dapat makuntento ka kung anong meron kayo. Huwag mong hanapin sa iba yung mga bagay na hindi nya kayang ibigay. Mahalin mo siya kung ano at sino siya.








~LDRmindset~
 

Similar threads

Back
Top