What's new

Closed Ina

Status
Not open for further replies.

KLBS

Honorary Poster
Joined
Sep 19, 2018
Posts
465
Reaction
95
Points
184
Siya ang aking takbuhan
sa oras na kailangan
sa oras na umuulan
ng luha saking mga mata

Siya ang aking taga payo
sa oras na magulo
ang isip at puso ay
hindi nagtatagpo

Siya ang aking ina
na laging handa
na magbigay ng oras at panahon
upang mapunan ang pagkukulang

Sa mundong magulo
Siya lamang ang matino
Pinapakita ang tamang angulo
Kung bakit ganito ang mundo

Siya ang aking ina
Na laging nandyan
Laging walang hiling kundi
Kabutihan namin
Siya ang aking superhero
na handang sumaklolo
sa oras na nadehado
at bugbogsarado ang katawan

Sa hirap nang buhay
saya ay laging nakaagapay
tahimik na nagmamanman
upang aking malaman

ang mali at ang pawang katotohanan
na dapat kong malaman na magisa
upang maging handa
sa buhay na magisa.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top