What's new

Impyerno: para sa masasamang tao?

loveygirl22

Enthusiast
Joined
Feb 24, 2021
Posts
14
Reaction
4
Points
36
Hell or impyerno ay lugar kung saan napupunta yung mga masasamang tao. Mga taong hindi nakahingi ng patawad bago sila namatay.
 
Sabi ng pari kahit daw mabait ka or di nanakit ng kapwa ''pero di nag sisimba impyerno padin daw ang punta". Tayong mga tao iba2 paniniwala natin pero sa sinabi ng pari di ako nagalit sahalip tinanggap ko ang impyerno na hataw sakin ng mismo kapwa ko tao.
Ano ba ang masama ano ba ang mabuti? Pano mo yun malalaman kung kahit ikaw ay nakagawa narin ng kasamaan? Pagtakas... Tayo ay tumatakas sa araw2 nating buhay ng hindi man lang natin napapansin hinarap mo ang isang bagay na ayaw mo namang harapin, yun ay pagtanggap o pwede rin namang pagtakas...Ang pagtanggap ay para sakin ay ikalawang uri ng pagtakas
 
Kung ako naman ay tatanungin, hindi basihan ang pagsimba para masabinh ikaw ay mabuting tao. Marami ang nagsisimba subalit ang ugali ay mas makasalanan pa sa mga hindi pumapasok sa simbahan. Maraming umaakong sila ay Kristyano ngunit ang pinapakita naman nila ay salungat sa kanilang pagiging relihiyoso. Naniniwala akong hindi relihiyon ang makakasagip sayo sa pagpunta sa impyerno kundi ang iyong “faith”.
 
pero saint po yung nagsabi na kaylangan po talaga mag simba kahit gaano kapa kabait o kahit di ka nanakit ng kapwa tao sa imperyo ka talaga pupunta.
Yung faith po para sa sarili ko po ba yan? Faith na mapupunta ako sa langit kahit na hindi ako nag sisimba? Para sa pari kasi lahat ng yun ay salungat sa kanila 😩👉👈
 
Ito paniniwala ko, kahit ano katayuan ng tao sa mundo, mayaman, makapangyarhan, presidente, mabait, masama, matulungin.. Kung hindi ka naniniwala sa diyos, na nagkatawang tao na si Jesus para iligtas ka niya sa kapahamakan sa impyerno ka itatapon.
Paano ba mapunta sa langit? Yan ang madalas na katanungan ng lahat, Sapat na ba magsamba? Langit na?

Di ganun yun. Yung 10 Commandments dapat masunod natin yun.. Hindi lang sa salita pati sa gawa dapat.. Walang kwenta yung pananampalataya kung walang gawa.
 
Yun lang po yung turning point kasi may kanya kanya din pong pag intindi ng salvation ang bawat relihiyon. Siguro ang mas importante ay kung natanggap natin bilang one and only Savior ang ating Panginoon. 😌
 
Ito paniniwala ko, kahit ano katayuan ng tao sa mundo, mayaman, makapangyarhan, presidente, mabait, masama, matulungin.. Kung hindi ka naniniwala sa diyos, na nagkatawang tao na si Jesus para iligtas ka niya sa kapahamakan sa impyerno ka itatapon.
Paano ba mapunta sa langit? Yan ang madalas na katanungan ng lahat, Sapat na ba magsamba? Langit na?

Di ganun yun. Yung 10 Commandments dapat masunod natin yun.. Hindi lang sa salita pati sa gawa dapat.. Walang kwenta yung pananampalataya kung walang gawa.
Tama po. Ako po ay sumasang-ayon sa inyong opinyon. Mas mabuti po na tayo ay tumingin at magbigay atensyon sa pagsunod sa 10 kautusan ng Dios sa atin. Ito ang dapat gawin at dapat hindi suwayin.
 
Kung iisipin nating maigi, nasa mundong 'to lahat ng klase ng kasamaan. Hindi kaya ito talaga ang totoong impyerno? Hahaha. Biro lang.

To be honest, naniniwala ako na ang "impyerno" o "hell" ay hindi dapat ginagawang panakot upang gawing mabait o paniwalain ang isang tao sa kung ano mang diyos. Ang paniniwala o pananampalataya na bunga lamang ng pagkatakot ay hindi maganda at kahanga-hanga.

If you only believe in a god because you are scared that you might go to hell, then you're basically just lying to yourself. If you're only doing good deeds para lang magkaro'n ng plus points sa kung saan mang langit, then your faith was never truly genuine to begin with. Walang taong totoong perpekto pero totoong marami ang ipokrito.
 
Romans 2:12 For as many as have sinned without law shall also perish without law: and as many as have sinned in the law shall be judged by the law;
 
hindi lang po sampu ang utos ng Diyos ayon sa bible scholar meron 200+ at ayon sa iba naman tao sa dalawang utos lang daw nauuwi ang buong utos na ayon naman sa pagkakaintindi ko na kung susundin mo yung dalawang utos na yun kailangan mong sundin lahat ng utos and take note dito

James 2:10 For whosoever shall keep the whole law, and yet offend in one point, he is guilty of all.
 
ang sampung utos na yun ay sa OT na ibinigay kay moses pero ayon nga sa kasulatan hindi tayo maliligtas ng batas ni moses
The Acts 13:39 And by him all that believe are justified from all things, from which ye could not be justified by the law of Moses.
 
pero sure ka ba ts tama ang tinatanong mo? makikita sa luke16:23 sa kjv nakalagay ay hell o impiyerno pero ang biblia nakalagay ay hades o libingan at nakagawian ng banggitin ng mga pilipino na yung impiyerno ay siya ding lake of fire pero magkaiba yun e

G86(G86

Original: ᾅδης

Transliteration: hadēs

Phonetic: hah'-dace

Thayer Definition:

name Hades or Pluto, the god of the lower regions
Orcus, the nether world, the realm of the dead
later use of this word: the grave, death, hell
Origin: from G1 (as negative particle) and G1492

TDNT entry: 03:26,2

Part(s) of speech: Noun Location

Strong's Definition: From G1 (as a negative particle) and G1492; properly unseen, that is, " Hades" or the place (state) of departed souls: - grave, hell.)

St. Luke 16:19
KJV: There was a certain rich man, which was clothed in purple and fine linen, and fared sumptuously every day:
ADB1905: Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana:
St. Luke 16:20
KJV: And there was a certain beggar named Lazarus, which was laid at his gate, full of sores,
ADB1905: At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan,
St. Luke 16:21
KJV: And desiring to be fed with the crumbs which fell from the rich man's table: moreover the dogs came and licked his sores.
ADB1905: At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.
St. Luke 16:22
KJV: And it came to pass, that the beggar died, and was carried by the angels into Abraham's bosom: the rich man also died, and was buried;
ADB1905: At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing.
St. Luke 16:23
KJV: And in hell he lift up his eyes, being in torments, and seeth Abraham afar off, and Lazarus in his bosom.
ADB1905: At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.
St. Luke 16:24
KJV: And he cried and said, Father Abraham, have mercy on me, and send Lazarus, that he may dip the tip of his finger in water, and cool my tongue; for I am tormented in this flame.
ADB1905: At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito.
St. Luke 16:25
KJV: But Abraham said, Son, remember that thou in thy lifetime receivedst thy good things, and likewise Lazarus evil things: but now he is comforted, and thou art tormented.
ADB1905: Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.
St. Luke 16:26
KJV: And beside all this, between us and you there is a great gulf fixed: so that they which would pass from hence to you cannot; neither can they pass to us, that would come from thence.
ADB1905: At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.
St. Luke 16:27
KJV: Then he said, I pray thee therefore, father, that thou wouldest send him to my father's house:
ADB1905: At sinabi niya, Ipinamamanhik ko nga sa iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay ng aking ama;
St. Luke 16:28
KJV: For I have five brethren; that he may testify unto them, lest they also come into this place of torment.
ADB1905: Sapagka't ako'y may limang kapatid na lalake; upang sa kanila'y patotohanan niya, baka pati sila'y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa.
St. Luke 16:29
KJV: Abraham saith unto him, They have Moses and the prophets; let them hear them.
ADB1905: Datapuwa't sinabi ni Abraham, Nasa kanila si Moises at ang mga propeta; bayaang sila'y pakinggan nila.
St. Luke 16:30
KJV: And he said, Nay, father Abraham: but if one went unto them from the dead, they will repent.
ADB1905: At sinabi niya, Hindi amang Abraham: datapuwa't kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila, sila'y mangagsisisi.
St. Luke 16:31
KJV: And he said unto him, If they hear not Moses and the prophets, neither will they be persuaded, though one rose from the dead.
ADB1905: At sinabi niya sa kaniya, Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa mga patay.
 
Agree 💪 .. Yung iba, naglilingkod sa diyos nila kasi takot sila na mapunta sa sinasabi nilang "impiyerno.”

Pero pagdating naman sa paraan ng pamumuhay, napakalayo ng ipinakikita nila, malayong-malayo sa itinuturo mismo ng Bible.
 

Similar threads

Back
Top