What's new

Im so lost..

Joined
Jul 30, 2022
Posts
3
Reaction
5
Points
5
Kamusta mga lods. Newbie here, I used to love forums alot when I was younger ngayon wala na masyadong time pero thankfully just a quick google search ng "ph forums" ito na agad ang unang result. Pasensya na in advance for this long post, mejo may pagka papa dudot theme to, wala nakasi ako masyado nakakausap these days so I just want to share and hopefully find someone in a similiar situation na makakapag bigay ng advice.

1992 ako pinanganak so I gues you could say I was in between the final moments of the Batang 90s era and the transition towards the Millenials era. Tubong bataan ako, probinsyano, although I've always been so fascinated with alot of things growing up specially tech, I loved tech so much na BS-IT ang kinuhang kong course during college. Ironically, pagka graduate ko, wala din akong mapasukang work na tugma sa pinag aralan ko kasi hindi pa naman ganun kadeveloped ang lugar namin sa bataan that time. Karamihan ng available na work lang sa amin noon ay either fastfood crew or factory worker.

Not that theres anything wrong with those type of jobs, syempre I have a passion for technology at ayoko naman masayang lang ang 5yrs na inaral ko. So I have this uncle na nagwowork dito sa manila that time kaya kinausap kosya at tinanong ko kung meron ba syang alam na trabaho na mapapasukan ko na IT related. Unfortunately, wala daw pero pwede naman daw nya ko ipasok sa work nya kasi kakapromote nya lang at madali nalang daw nya ko marerefer. Massage therapist ang uncle ko sa isang malaking Spa sa pasay. Syempre being so bored sa probinsya namin, just the idea of working in manila really got me interested kasi ang inisip ko, if ever na tumagal naman ako sa work ng uncle ko, pwedeng ako nalang ang maghanap doon ng dream job ko kasi nasa manila naman nako.

The year was 2013, I have to say, sobrang hirap pala talaga ng buhay ng isang masahista. Siguro nasanay lang ang mga kamay ko sa keyboard at mouse kaya nanibago talaga ko noong puro katawan na ng tao ang hinahawakan ko. Take note, before I took this job eh sobrang iritang irita talaga ako sa oil tuwing nalalagyan ang kamay ko. Ewan koba, yung texture na malagkit sa kamay tapos ayaw mahugasan ng tubig, nag aaral palang talaga ko ayaw na ayaw konang nalalagyan ako ng oil. Ironically (ulit), massage therapist pala ang unang magiging trabaho ko.

Tumagal din naman ako ng more than a year sa work na yun, at ang pinaka kinagustuhan ko dun is yung ibat ibang tao ang nakikilala at nakakausap ko araw araw, mula sa mga Politicians, Judge, Pulis, Artista, Athletes hanggang sa mga OFW at mga average na mga taong tulad ko lang din. Nakakatuwa yung mga nakkwento ng mga tao when their in a place na hindi naman kayo magkakilala and they know na kahit anong ikwento nila ay walang kahit anong judgement. I guess in a way, parang open forums din ang isang massage session. Ibat iba din ang mga naging kasamahan ko sa work na yun, at tulad ko karamihan sakanila ay galing din ng ibat ibang probinsya.

Isa sa mga naging kasamahan ko noon ay si Dens, sobrang naging mag kavibes kami ni Dens at naging kasama kopa sya maging kashare sa inuupahan kong room for rent noon sa pasay. 1day dayoff namin pareho tapos nakatambay kami sa MOA at napagusapan namin kung anong plano namin para sa future namin, mga binata pakami noon kaya wala pa talaga sa isip namin ang pagpapamilya more on ipon lang tulong sa mga kapatid etc. kakakwentuhan namin ay bigla nalang nya nakwento na kung andun pa daw sana sya sa dati nyang pinapasukang Spa mas malaki daw sana ang kinikita nya. May home service daw kasi yung Spa na yun at mas malaki ang commission, pero 1time na nag home service daw sya eh nireklamo daw sya nung customer kasi tinangay daw nya ang cellphone, tinanggal daw sya ng amo pero just after a few days tumawag daw ulit yung customer para sabihin na namisplace lang pala yung phone at pinapabalik nasya ulit. Syempre ikaw banaman na pagkatapos ka pagsalitaan ng masasakit na salita kahit wala kanaman ginawang masama eh hindi mona talaga gugustuhin bumalik dun.

Pero may contact padin naman daw sya sa amo nya doon at kaya nya daw ako irefer, siguro sa kagustuhan din daw ng amo nya nayun na makabawi sakanya kahit sinong irefer nya eh tatanggapin agad. TLDR, inisang tabi ko namuna ang plano kong mahanap ang dream job ko para subukan naman yung sinasabi ni Dens na Spa na may home service. So from pasay, lumipat naman ako ng san juan. Ewan koba, siguro gusto kolang din mabago yung araw araw na routine ko, makakita ng ibang parts ng manila etc. So ayun, after a few months ko sa nilipatan kong Spa eh may mga sumunod din saken na mga bagong applicants. Isa sa mga applicants nayun ay si Marie.

TLDR (ulit) si Marie ang naging partner ko ngayon at may dalawa na kaming anak. To this day, mahal na mahal ko padin ang asawa ko, hindi panaman kami kasal pero alam nyo naman parang naging norm na saten ang kahit hindi naman kasal basta nagsasama na at may mga anak na eh asawa nadin ang turingan. Shes also the reason that I'm posting this here now, yes intro palang yung nabasa nyo and sad to say papunta palang tayo sa exciting na part, but I'm gonna have to cut this short.

Abangan ang part 2..
 
Parang yun tagalog six stories na binabasa ko noon online. Galing mo magkwento ts. Gusto ko rin maging masahista with ES
 
Kailan part 2 nito, lods? I wanna know what happened.
 
Waiting sa part 2 paps HAHAHA

Pero huhulaan konato yayaman kayo sa bandang huli neto tas tatakbo ka bilang presidente joke lang HAHAHAHA
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top