What's new

Im so lost.. Part 2

Joined
Jul 30, 2022
Posts
3
Reaction
5
Points
5
Probinsyana din si Marie, lumaki sya sa isang rural na area na lagpas pa ng aparri, cagayan valley. Lagpas pa kasi after a 15hr bus ride from manila to aparri, sasakay kapa ng bangka papunta naman ng isang isla kung saan nandoon ang brgy nila. I still remember the 1st time I went there, sanay naman ako sa byahe kasi constant din ako umuwi ng bataan from manila pagka wala akong pasok pero grabe, 1st time kolang naexperience yung 15hrs na bus ride as in lahat na ng posisyon nagawa kona sa upuan ko, ilang beses nadin akong nakatulog at nagising pero hindi padin kami nakakarating sa terminal ng aparri. Sobrang liblib at underdeveloped ng lugar nila Marie, karamihan ng mga bahay sakanila ay mga kubo pa at wala din silang kuryente, puro gasera at kandila lang ang ilaw nila tuwing gabi, then isang poso lang ang shineshare ng kada isang zone (purok) sakanila at ang wala din silang maayos na banyo, to top it off wala din cell service sa isla nila needless to say, wala din internet.

Karamihan ng mga residente ng brgy nila ay may sariling bangka, ginagamit nila ito either pang transpo sa kabihasnan nila or panghuli ng isda. Sobrang bait at hospitable naman ng mga kamag anak ni Marie lalo na ang mga magulang nya na even though 1st time palang kami nagkakila kilala eh parang anak nadin nila ko tratuhin. Nakakatuwa kasi kahit na may pagka semi primitive ang pamumuhay sa lugar nila, kuntentong kuntento naman silang lahat. Naaalala kopa yung 1st na hapunan namin noong kadadating palang namin sakanila, maliit lang ang kubo nila pero pagdating ng gabi, sama sama sila sa isang malaking lamesa kumain at kitang kita sa muka nila ang happiness of merely just eating food. Kung hindi nga lang walang kuryente at internet baka mas piliin ko nalang magstay sakanila kaysa dito sa manila. Highschool graduate lang si Marie, bukod padun eh wala din syang masyadong naging points of interest growing up ie. music, movies, tech, kasi wala nga namang gaanong pwedeng gawin sakanila.

I guess nung nag uumpisa palang kami as boyfriend girlfriend, this wasnt a big deal kasi karamihan naman ng pinag uusapan namin that time puro lang about sa mga naging buhay namin growing up at mga pangarap namin in the future saka syempre being alone in such a big city, anything can be considered fun. Natural andun na din yung mga occasional overnight sa mga hotel at talagang pag dina kaya ng gigil kahit sa cr nalang ng mismong work namin sumasalisi kami. Ofcourse, it didnt take long for our coworkers to notice saka syempre that was very wrong for us to do in the 1st place. Naturally, umabot ang balita sa amo namin at dahil doon ay gustong tanggalin ng amo namin si Marie, nauna daw kasi ako sakanya na nagwork doon at saka mejo marami nadin akong regular clients kaysa sakanya. For those who cant relate, sa mga therapist kasi pagka may regular client ka ibig sabihin everytime na pupunta sila sa Spa ikaw lang ang irerequest nila na therapist, depende nalang siguro kung gano kagusto nung client ang masahe mo kung magpapamasahe pa sya iba o hihintayin ka talaga nya. In my case, karamihan kasi ng mga clients ko saken lang talaga nila gusto magpamassage. So I guess, this left an impression sa amo namin na mejo malaki din ang loses nya pag ako ang nawala.

But still, hindi ako pumayag, ako ang nagresign para hindi matanggal si Marie. Inassure ko naman ang boss ko na ieencourage ko padin ang mga clients ko na magpunta padin sa Spa nya kahit wala nako, saka isa pa college grad naman ako, may konting ipon, and at that point mejo matagal nadin ako sa manila kaya alam kong kaya ko naman sarili ko. Siguro blessing in disguise nadin yung pagresign ko na yun or sabi nga nila pag gumawa ka ng kabutihan ay yun din ang babalik kasi this made way for me to start a career in the BPO industry. Yes, if you still havent noticed may pagka conyo nga ko magkwento kasi sa callcenter ako nagttrabaho. Hindi naman dahil pinagyayabang ko ito pero it helps kasi to still speak english even if your not at work para masanay ka talaga, I'm sure kahit sinong callcenter agent na tanungin nyo would agree. Anyway, during my time in BPO, regular padin naman kami nagkikita ni Marie, pagka nagkatapat ng off or pagka may pwede magamit na leave go lang ng go, in a way parang mas minahal panga namin ng sobra ang isat isa dahil dito, siguro yung miss factor added up to it kasi grabe yung gigil namin sa isat isa pagka nag oovernight kami sa hotel.

Eventually, nadisgrasya ko si Marie. Nagsabi nalang sya saken na halos 1month na daw syang hindi nagkakaron at nung nag PT daw sya ay positive nanga yung result, sorry mga lods pero I'm gonna have to cut this short again. Nasa jeep ako ngayon habang tinatype ko to sa phone at malapit nako sa work ko. Thank you nga pala for everyone na nakabasa nung part 1.

Abangan ang part 3..
 
Oh, hi! BPO employee here! I have been in the industry for quite some time now... since 2018.
 

Similar threads

Back
Top