What's new

I'm back!

arsenal1205

Intel® Xeon® Gold
Contributor
Joined
Mar 13, 2018
Posts
35,147
Solutions
330
Reaction
129,184
Points
22,158
Kamusta mga PHCians! halos one week na ako hindi nakapagbukas muli dito sa PHCORNER. Sa haba at tagal ko hindi nakapagbukas anong bagong ganap?

Share ko lang sa inyo experience ko sa bakasyon ko:

nag stay sa hotel sa Glorietta Makati muna mga 3 days. nakakapag bukas naman here pero focus muna bilang bakasyunista. hehe.

Then after that pumunta na ng Bulacan for "pailaw" sa prusisyon. Matagal tagal na rin hindi ako nakakapag prusisyon doon. mga HS pa ata ako noon noong last kong pailaw doon. At saka 2 years nang hindi nakakapag ganoon sila kaya parang balik ulit sa dating gawi ang holy week ngayong taon.

Hindi rin ako nakakapag bukas ng PHC doon. Sobrang bagal dahil sobrang hina ng signal ng smart doon lalo na sa area ng bahay ng aunt ko. Parang ala dial up ang speed. Sabi ng uncle ko malakas signal ng globe. kaso walang unlidata ang globe. Dati din kasi mahina signal ng globe at malakas ang smart sa kanila. eh kaso nag baligtaran na ngayon.

Nakauwi din ng maaga. nandito ulit ako sa amin na ngayon since this thursday. kapagod din pagkauwi kasi ako nag drive. buti hindi ako nakapagsapalaran sa traffic na mararanasan ngayon ng mga pauwi na sa kani kanilang bahay.

at iyan ang katapusan ng shinare ko sa inyong experience itong nag daang holy week. BTW.. HAPPY EASTER din sa inyo! Kaso walang easter eggs na mahanap. Farm fresh eggs lang nakikita ko doon sa ref. :ROFLMAO:
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top