Yung Illuminati noon ay nabuwag na at yung tsismis na yan ay walang kaugnayan sa orihinal na grupo daang mga taon nang lumipas. Kung meron mang gumamit ng pangalang yan ay para lang ordinaryong sekta o organisasyon sa lipunan tulad ng simbahan atbp. na may kani-kanilang layunin. Kung common sense ang gagamitin natin, sa totoo po, ingay lang yan na balita at walang aktwal na impluwensiya sa mundo kahit ano pang mabasa natin tungkol dyan. Maraming lumalabas sa media na totoo at hindi. Kung mahina ang pundasyon ng kaalaman at isipan ng makakabasa o makaririnig ay madadala ka nga sa pagtangkilik ng karamihan sa ayaw man at gusto mo.
Mas maraming mga organisasyon ngayon sa mundo na kumikilos at nagdidikta ng kanilang gustong mangyari gamit ang legal na pamamaraan na lantad sa publiko, pero may ibang layunin o agenda. Pera, yaman, impluwensiya at kapangyarihan ang laging nakadikit dyan. Yan yung punahin ninyo sa "mainstream media", hindi kung saan lang napulot na walang matibay na ebidensiya. kundi sabi-sabi lamang.