- Joined
- Nov 17, 2021
- Posts
- 1,890
- Reaction
- 856
- Points
- 528
Ilan tao ba gumagawa sa freelance vitual assistant online job? Marami ba or isa Lang? Nag te training ako sa course ng virtual assistant. Gumagawa ako ng portfolio at maraming iba pa at kasama ang paggawa ng website na zero knowledge naman ako. Based on personal experience ko, feel ko parang ang ginagawa ko ay hindi pang isang tao e. Parang maramihan tao ang gagawa sa pagiging role ng virtual assistant. Hindi ko alam kung tama ako o hindi. Meron rin kase ako nakita na napaka ganda ng portfolio na ginawa ng isang virtual assistant which is trainee din pero isang araw lang niya natapos at ang bilis-bilis niya tapusin ang lahat while ako, umaabot ako ng one week para matapos ko ang portfolio ko which is hindi ko gets kung bakit nagkaganun. Feel ko na kaya niya natatapos ang lahat dahil meron siyang kasama na taga gawa ng portfolio, e ang portfolio ay meron halong pag create ng website.
Pagkatapos ang nakakainis, meron deadline. Literally pang one week ang deadline. Ang akin, minsan one week o two weeks ko na natatapos ang akin pero ang isang virtual assistant na trainee na nakita kong portfolio na ginagawa niya ay ang bilis matapos. Minsan pang one day lang siya, minsan pang two days lang- mga ganun. Sa loob-loob ko na ano ba iyon? Hindi na ba kumakain ang ganun? Ni hindi na naliligo o ano? Or sadyang meron lang siya kasama o katulong sa paggawa ng portfolio as a virtual assistant or sabihin natin projects kung baga?
Hindi ako matahimik sa self ko dahil ako lahat ang gumagawa pagkatapos hirap na hirap ako habulin ang deadline, samantala ang isa ay tapos agad. E ang type ng freelance virtual assitant online job is a business daw. Hindi naman siya employee at employer type at ang iniisip ko na kapag business, diba? May mga katulong ang isang tao sa business na iyon? Iyon ang alam ko but yet, gusto ko lang malaman kung ilan tao ba gumagawa kapag virtual assistant? Or halimbawa, ilan tao ang gumagawa ng projects or portfolio kapag nag aalok ng service as virtual assistant?