What's new

Closed ilabas ko lang kaysa makagawa ng mali sa asawa kong babae

Status
Not open for further replies.

MrDaks

Addict
Joined
Feb 13, 2020
Posts
14
Reaction
4
Points
65
ilabas ko lang ung nararamdaman ko now ..
my anak kami ng live-in partner ko d kami kasal at my 3 anak kami .

nagstay in sya sa work dahil sa covid at dun palasya gagawa ULIT ng kalokohan nahuli ko na sya before inulit paulit2 nagtitiis lang ako kasi ako bantay sa anak namin dahil maliliit pa .

di ko magawang makilaggiwalay dahil din sa mga bata dahil wla ako maasagan na magaalaga o kht sa kamag anak ko at sa kanya rin ..

nagtitiis ako sa sakit ng nararamdaman ko sama ng loob dahil di ako talaga deserve para sa kanyang buhay hindi sya kuntento sakin ..

labas na ung sa pamumuhay kundi sa pagsasama namin. hindi ako yung taong karapat dapat sa kanya hindi ako hindi ako .

sa totoo lang po ngaun umiiyak ako habang nagttype dito ung saloobin ko dahil sobrang bigat sa loob napakabigat sa pakiramdam . ang gusto ko lang naman sa buhay mahalin ako bilang ako bilag kasintahan o asawa hindi ko naman hangad ng ibang babae kung meron nako. saakin lang ipadama mo hindi sa kilos o sa pagttrabaho sa pamilya kundi ung pagiging maalalahanin mo sa isang live in partner mo maalaga matutong magkusang yakapin halikan paglambing .. yan po yung di ko na naranasan simula ng magloko sya nuon palng sa ibang lalaki .

paulit ulit ko syang pianatawad pero bakit ganun balewala simple lng ung gusto ko mahalin mo ako bilang nag iisang lalaki sa buhay mo at ang pamilya natin pero wla di tlga ako ung taong makakasama mk sa pagtanda

sorry po kung napakahaba sobrang bigat ng sa loobin ko
 
Magisip isip kadin paps kasi pag ang babae ang nagloloko wala na talaga yan kahit anu pang pagtitiis mo dika na talaga mahal niyan at di niya iniisip ikaw at lalo na mga anak mo.
 
ako mawala na asawa ko kahit mahal ko sya wag lang anak ko boss. kung sya ang loloko loko nsau ang karapatan sa bata at sila ang isipin mo sir.
uulitin ko mahal na mahal ko asawa ko masasaktan ako madudurog puso ko kapag nangyare saken yan

pero handa ako mawala sya wag lang ang akin anak
 
Mahirap yan. Lalo na tatlo anak nyo at maliliit pa lang.

Ang unang payo ko sa iyo. Verify it first kung talagang merong 3rd party. Kung wala, good.

Pero kung meron man talaga, magusap kayong magasawa kung anong desisyon nyo at kung ano gusto nyong mangyari, sa inyong dalawa at sa mga bata.

after that brother, kung anu man mapagusapan nyo, look for a job. Mag work from home ka like Virtual assistant.

pag ganyan na ang sitwasyon, focus na lang sa bata brad. Sila kasi mas kawawa. At Masstress ka lang kakaisip sa status nyo. Goodluck sa iyo brother.

godbless
 
Nice family po tayo dito sa phc at okay po yung pag share niyo dito niyan para di masyadong mabigat yung dinadala niyo, Mahirap yung sitwasyon niyo kuya lalo na may anak na kayo tatlo pa masyadong komplikado yung ganyan. Kawawa yung bata pag naghiwalay kayo pero kawawa ka naman kung mag titiis ka lang. Adultery ba sir? O simpleng third party lang, out of the question na siguro yun but still nagloloko yung partner mo kuya, mas lalo lang kayo mahihirapan niyan, kausapin mo nalang siya . wait alam ba niya na alam mo? nakuu sorry sa mga sinabi ko , hanggat maaari ayoko mangialam ihh kayo nalang po bahala basta wag na wag po mananakit ng babae kahit gaano pa kalaki kasalanan niyan
 
Iwan mo skanya mga bata boss tapos hanap ka bago. Syempre sustento ka lng sa totoo lang mhirap yan. Msydo kang martyr skanya .
 
brother napakahirap talaga niyang sitwasyon mo. napakahirap din ang maging broken family para sa mga bata. pero pagisipan mo ng mabuti brother nakasalalay sayo ang kinabukasan ng mga anak mo. desisyonan mo ng mabuti yan brother wag ka papadala sa sasabihin ng iba. pag may pasya ka na tsaka mo siya kausapin ng masinsinan... maganda yang inoopen mo yang bigat ng nararamdaman mo pra mejo gumaan gaan naman yang nararamdaman mo... ramdam kita brother..
 
ang hirap nyan boss nasayo padin ang desisyon kung ano susunod mong gagawin maging maingat ka
 
TS pagkakamali mo dito eh hindi kayo nagpakasal. Sobrang bigat ng dinadala mo TS, na sa sobrang bigat wala ka pang bawi. Magagawa mo na lang dito eh magdesisyon kung tutuloy mo pa ba o ititigil mo na. Para sakin kung sakin kung sayo naman mapupunta lahat ng anak nyo eh kaya naman nilang suklian yung lahat ng pagkukulang ng ka live-in mo. Focus ka na lang sa mga bata at ang isipin mo yung kinabukasan nila at pagdasal mo na lang na matauhan yung nanay nila.
 
Paps dapat mag desisyon kana kung ano yung sa tingin mong ikabubuti nyo ng anak mo. Maghanap kana rin ng iba. Mamaya magkatulo ka pa sa ginagawa ng misis mo.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top