What's new

Trivia Ibig sabihin ng pagkatakot sa Diyos

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,005
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
🌾🌾Sabi ng Makapangyarihang Diyos;

Ano ang ibig sabihin ng matakot sa Diyos? At paano makaiiwas ang isang tao sa masama?
Ang “matakot sa Diyos” ay hindi nangangahulugang walang katulad na sindak at takot, ni hindi ang umiwas, o lumayo, at hindi rin ito pagsamba sa diyos-diyosan o pamahiin. Sa halip, isa itong paghanga, pagpapahalaga, pagtitiwala, pag-unawa, pangangalaga, pagsunod, pagtatalaga, pag-ibig, at maging, walang-kundisyon at walang-pagrereklamong pagsamba, pagbabalik, at pagpapasakop. Kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na paghanga, tunay na pagtitiwala, tunay na kaunawaan, tunay na pangangalaga o pagsunod, kundi takot at pagkabalisa lamang, pagdududa lamang, di-pagkakaunawaan, pagtakas, at pag-iwas; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na pagtatalaga at pagbabalik; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi magkakaroon ng tunay na pagsamba at pagpapasakop, tanging bulag na pag-idolo lamang at pamahiin; kung walang tunay na pagkakilala sa Diyos, ang sangkatauhan ay hindi makakakilos ayon sa daan ng Diyos, o matatakot sa Diyos, o iiwas sa masama. Sa kabaligtaran, bawat aktibidad at pag-uugali ng tao ay mapupuno ng paghihimagsik at pagsuway, ng mapanirang-puring pagbibintang at hindi-totoong paghatol tungkol sa Diyos, at masamang asal na taliwas sa katotohanan at tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos.
Sa oras na magkaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagtitiwala sa Diyos, magiging tunay sila sa pagsunod sa Kanya at pag-asa sa Kanya; tanging sa pamamagitan ng tunay na pagtitiwala at pag-asa sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagkaunawa at pagkaintindi; kasama ng tunay na pagkaintindi sa Diyos ay ang tunay na pagmamalasakit sa Kanya; tanging sa tunay na pagmamalasakit sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagsunod; tanging sa tunay na pagsunod sa Diyos magkakaroon ang sangkatauhan ng tunay na pagtatalaga; tanging sa tunay na pagtatalaga sa Diyos makakapagbalik ang sangkatauhan nang walang kundisyon at walang pagrereklamo; tanging sa tunay na pagtitiwala at pag-asa, tunay na pagkaunawa at pagmamalasakit, tunay na pagsunod, tunay na pagtatalaga at pagsukli, tunay na malalaman ng sangkatauhan ang disposisyon at diwa ng Diyos, at malalaman ang pagkakakilanlan ng Lumikha; tanging kapag nakilala nila nang tunay ang Lumikha magigising ng sangkatauhan sa loob nila ang tunay na pagsamba at pagpapasakop; tanging kapag may tunay na pagsamba at pagpapasakop sa Lumikha magagawa ng sangkatauhan na isantabi ang kanilang masasamang gawi, ang ibig sabihin, umiwas sa masama.

mula sa Araw-araw na mga Salita ng Diyos

𝙎𝙝𝙖𝙧𝙚 𝙥𝙤 𝙩𝙖𝙮𝙤 𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙪𝙣𝙖𝙬𝙖𝙖𝙣 𝙥o
 
Ang pagkatakot sa Dios ay ang pagsunod sa kanyang mga utos.

Mangangaral 12:13
Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao
 
just like any other form of discipline, injecting fear has been very common to elicit respect from the targets
 
Last edited:
Back
Top