What's new

Trivia Iba't ibang Uri ng Teacher Part 2

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,882
Solutions
6
Reaction
66,219
Points
18,251
"The Hugot Queen”
Sila ang klase ng guro na madadrama sa buhay.
Usong uso ito sa mga panahong ito. Dinadaan ng ibang guro ang pagtuturo sa paghuhugot dahil dito karamihan nakakarelate ang mga estudyante at dahil dito mas naeenganyo silang makinig. Dahil nga sa uso ito, mas nagiging interested ang mga ito sa itinuturo ng guro kahit ang iba sa mga ito ay walang konek sa topic.

"The Motivator"
Sila ang klase ng guro na mapapa nganga ka na lang sa galing nilang magturo.
Ito ang klase ng guro na dapat tutukan lahat ng estudyante habang nagtuturo sapagkat nakakamangha sila. Sa sobrang galing nilang magturo ay makakalimutan mo na ang magsulat ng mga information na kanyang ipinapaliwanag dahil mas gugustuhin mo na lang silang pakinggan. Sila yung mga gurong nakakamotivate sa mga estudyante na mas mag-aral pa mg mabuti upang maging kagaya nila paglaki.


"The PeaceMaker"
Siya ang gurong dumarating sa klase nang maaga ngunit walang dalang kagamitan upang sabihin lamang sa mga mag-aaral na “Huwag kayong mag-iingay dahil may gagawin ako. Huwag lalabas.” Peacemaker, gusto ng tahimik habang wala sa klase.

"The Angry Bird"
Siya ang gurong dumarating sa klase na tila pasan ang daigdig na walang ibang ginawa kundi pagalitan ang mga mag-aaral at agad-agad magwo-walk out, sapul na sapul, at agad-agad lilipad na walang paalam.

"The Bookworm"
Siya ‘yung guro na may dala-dalang aklat ngunit kulang na lang ay ipasaulo ang laman ng aklat na wala namang paliwanag. Matindi pa, maglilipatan ng laman ng aklat tungo sa kuwaderno kasabay ng matinding pananakot na iinspeksyunin bago matapos ang markahan. Tila uod ang daloy ng pag-aaral, sulatan lang walang paliwanagan.

"The Extension Wire"
Siya ‘yung gurong hindi alintana ang makapagturo lampas man sa oras. Hindi binibilang ang oras kundi ang dami ng batang kaniyang natutulungan. Kailangan mang magpahinga, extend pa rin siya ng pasensiya dahil alam niyang ulirang guro siya.


"The Enie-mini-minie-mo"
Siguro lahat naman tayo naka encounter na ng teacher na Hindi masyado nagtuturo o nagtuturo naman pero Hindi hung tipong makikinig ka talaga kasi parang pumapasok lang siya para sumahod .At ito yung tipo na paupo-upo lang, hayahay kumbaga. Tapos pay gawaan na ng grades, ayan na, hula-hula nalang. Hula dito hula doon, 80 dito, 70 soon. Diba ang husay?


"The Part time teacher,Full time clown"
Joke dito joke doon,Ganoon na lamang sila kakomedyante, kaya buong klase di na makahinnga kakatawa. Active lagi ang talakayan pag sila ang guro. Mababait naman sila kaso pag nagalit, yari ka.Makakikita ka ng killer clown. Minsan pag nagseryoso sila doon mo talga makikita ang galing nila sa pagtuturo. Madami ka talagang matutunan sa kanila. Comedy bar nga lang ang labas ng room nyo pagkatapos.




"The Cyborg"
Ito naman yung tipong sobrang effort. Ito yung mahihiya yung jowa mo dahil mas ma e effort pa yung teacher mo sa kanya hahaha. Ito yung klase na laging pak na pak ang visual with boarders pa.Kapag na powerpoint daming ganap. Ito yung tipong mas maganda pa yung visual niya sa pag tuturo niya. Kadalasan sa ganitong teacher ay mga babae, dahil babae na ang nag e effort ngayon, charr .dahil mostly ay ito yung mga teacher na kikay. Panay din ang pagpapanood nito ng mga video na may kaugnayan sa lesson Kakambal na nila yung projector at laptop na lagi nilang dala. Minsan TV pa nga eh. Gamit na gamit talga nila ang technology. May online assignments.



"The storyteller"
Ito naman yung ma kwento, yung nag di discuss siya tapos pag biglang may experience siya na connected ay magku kwento na siya tas mapupunta pa sa ibang kwento hanggang nasa EDSA na yung kwento niya sa sobrang layo na,Wala na sa topic Hahaha. Sa lahat ng guro ito ang pinakagusto ng mga estudyante dahil ito yung guro na di na halos, nag lesson nag kwento nalang siya ng buhay niya na halos umubos nang buong time kaya party party ang mga estudyante pag nagkaganito na si Maam/Sir.

"All-in-one"
Ito naman yung teacher na wala kang maisusumbat, Ikaw na yung mahihiya.Kasi ito yung teacher na magaling magturo, hindi pa upo-upo, medyo sstrict pero makakajoketime mo naman. Magaling din mag paliwanag, puro man activities ay okay lang. Di puro assignment. At nagbibigay ng pointers .kalog at tiyak na malalapitan . At tiyak na tatatak talaga sa utak mo ang mga tinuro niya.








-ctto-
 

Similar threads

Back
Top