What's new

Trivia Ibat ibang uri ng pasahero sa Jeep

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,947
Solutions
6
Reaction
66,385
Points
16,628
The Shampoo Commercial Model:
ang mga pasaherong feel na feel ang
hangin sa jeep habang humahampas
ang kanilang buhok sa mukha ng
kanilang katabi. Ang sarap kalbuhin.

The Snorlax:
ang mga pasaherong
mahilig matulog, kala mo pagod na
pagod. Ginagawa nilang kama ang
katabi nila. Kung makasandal wagas,
sige sige parin sa pagtulog. Mabilis ang karma sa kanila dahil madalas silang lumalampas sa bababaan nila.

The Uchiha Clan:
Sila ang mga
pasaherong may matang hindi
mapigilang makibasa sa text ng katabi
nila. Ang sarap tusukin ng mata.


The VIP:
Sila ang mga pasaherong hindi
alam ang upong otso, kung makaupo
sakop ang pangdalawang tao.kala mo ang binayad dalawang otso.

The Kris Aquino & Friends:
Sila ang mga pasaherong ubod ng arte. Ang daming reklamo, kesyo mainit... kesyo masikip,maputek etc.

The Bottomline with Boy Abunda:
Sila ang mga pasaherong makakwento feeling may talk show. Sa lakas ng bunganga rinig ng lahat ng pasareho.Ang sarap pakainin ng siling labuyo.

The CD-R King:
Sila yung mga
pasaherong naglalabas ng mga gadgets para lang ipagmayabang, yung kunwari nagtetext mailabas lang yung cellphone

The Voice:
Sila yung mga pasaherong
naka-earphone na kanta ng kanta na
walang care sa ibang pasahero basta
makakanta lang sya.

The Deadma:
Sila yung mga
pasaherong ayaw mag-abot ng bayad,kunyari may kukunin sa bag, ayaw lang talagang iabot ang bayad mo


The Love birds.
Dito talaga ako allergic. Hindi ko maintindihan bakit kailangang super sweet sa isang napaka-pampublikong lugar (o sasakyan).

The uber jealous bf/gf.
.Mapatingin ka lang sa jowa nila ay talagang kulang na lang kalmutin ang mukha mo, o ibulsa ang jowa nila nang di mo na makita. In extreme cases, aawayin pa ang jowa dahil natingin sayo. Hay, kasalanan talaga ang maging maganda.

Extended family.
Sila naman yung more than 2 ang kasamang anak, pagkatapos ay ikakandong lahat. Lima silang pumasok ng jeep pero dalawa lang ibabayad. Luging-May instance pa na pag lumuwag, pauupuin lahat ng mga bata, tas pag may sasakay na ulit, deadma Ay, bayad lahat? Lagi kong sinasabi, mag-anak ka lang ng kaya mong ibayad sa jeep.



Pang MMK.
Sila naman yung mga taong tahimik na parang may pinagdadaanan sa buhay. Madalas ay nakadungaw sa labas ng jeep, inaabsorb ang alikabok at usok sa labas. Malungkot na parang may malalim na iniisip. Feel na feel nila ang madramang sounds ni manong drayber.



-ctto-
 
Last edited:
Natawa ako sa Uchiha Clan😂
pero prof nasan si spidey, yung mahilig sumabit,
or si runaway na tinatakbuhan lang si manong drayber🤣
dagdag nalang yan hahaha yan lang naalala ko

Iwas talaga sa natutulog tapos yung tatama pa sa kapwa pasahero nila. 🤣
oo nga naman 😆 parang feel at home lang eh
 
Last edited:
The Pervert po Mam, Yung makasiko sa ded* mo wagas, tas nanghihipo pa ng hita. O Kaya nman po naglalabas ng t*t*. Na Experience ko na po yan Mam. Tapos Pag Sinita mo, Magagalit pa Kesyo na Sagi lng daw😒
 
Back
Top