- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 25,877
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,211
- Points
- 18,248
Naghihintay na mamahalin ka din ng taong mahal mo
Madalas na idinadahilan ng isang taong naghihintay sa minamahal niya. Yung motto niyang "Alam kong mamahalin niya rin ako, konting tiis at hintay lang", "Kami ang naka-tadhana, kailangan ko lang maghintay","Kung mahal mo ang isang tao, dapat marunong kang maghintay" at kung anu-ano pang ka-echosan na may kinalaman sa tadhana. Gustuhin mo mang bumitaw at magpatuloy nalang sa buhay pero ang puso mo. Di na natutong mag-move on sa buhay. Sinasabi man ng isip mo na "Tama na, wala ng pag-asa" pero itong puso mo still fighting.
May mahal na siya pero hinihintay mo pa.
Ito naman yung para sa mga taong martir at nagmamartir-martiran. Alam mo na nga sa sarili mo na may iba na sya, masaya at may mahal nang iba pero ikaw 'tong hindi maka-move on at naghihintay nalang na mag-break sila, Abangers lang? Para magkaroon ng pagkakataon na magkatuluyan kayong dalawa kahit ang sakit-sakit na, kahit ang puso mo basag na basag na, motto mo ba yung ” Parte ng pagmamahal ang masaktan? O yung Mamahalin ko nalang sya kahit sa malayo? Baka naman yung Kung ang mag-asawa nga naghihiwalay pa e, yun pa kayang mag-boypren/girlpren lang?” Hindi naman masama na ipaglaban mo kahit wala nang pag-asa, ang akin lang nagiging ***** kana kahit alam mong hindi naman ikaw yung gusto niyo. Gumising ka at mamulat sa katotohanana .Marami pa jan.Naghihintay sa taong di mo pa Nakikilala at di pa Dumarating sa buhay mo.
Ito naman yung tipo ng naghihintay sa pangarap. Nabuo sa isip mo ang concept na mayroong "The One" kaya hindi ka pumapasok sa isang relasyon dahil feeling mo hindi sya si Mr or Ms.The One mo. May mahal ka pero hindi ka kilala, mahal mo pero artista pala.Minamahal mo pero magkalayo mundo ninyong dalawa at sa dinami-daming taong nakapaligid sa kanya alam mo sa sariling malabong mapansin o magkakilala kayong dalawa, pero hayan ka at sinasabi mo naman sa sarili mong “Walang imposible sa mundo.
Single Ako, Single siya. Hihintayin ko.
Hinihintay mo sya dahil single parin sya at pakiramdam mo na kayo ang para sa isa’t-isa pero di pa tama ang pagkakataon kaya di pa sya nagpaparamdam sa’yo o dahil iniisip mong di pa sya ready, kaya tiis lang muna. At alam mong hanggang nananatiling single sya, ikaw maghihintay parin dahil malay mo nga naman kayo talaga pagdating sa dulo. Wala nga naman nakaka-alam diba?
Naghihintayan kayong dalawa.
Mahal mo, mahal ka, pero naghihintayan kayong dalawa. Nagpapakiramdaman kumbaga. Nanjan ang mga sweet words, sweet gestures at lahat na ata ng kasweetan sa mundo pero pagkatapos ng buong maghapon friends lang kayo. At dahil nga naman ikaw ang babae syempre maghihintay kana lang ng isang na magtatapat sya sa’yo, ampangit nga naman kasing tignan kung ikaw 'tong unang magtapat diba?
Anyways, Ka-martiran man sa mata ng iba o kahibangan man para sa kanila, naghihintay ka dahil alam mong nagmamahal ka.
Sa paghihintay mong yan nakakaramdam ka nang satisfaction kumbaga, nakakapagod man, nahihirapan ka man at nasasaktan pero di matatawaran ng anupaman ang nararamdaman mong pagmamahal. Pagmamahal na patuloy mong pinanghahawakan, pagmamahal na nagpaparamdam sa’yo kung gaano kasarap mabuhay at magmahal. Pagmamahal na kahit di man masuklian ngayon, nagbibigay parin sa’yo ng pag-asa sa lahat ng panahon. Hindi masama ang maghintay, masakit at mahirap lang talaga. Pero sana hindi lang tayo puro paghihintay. Gumawa din tayo ng mga hakbang. Masaktan man tayo atleast we’ve tried. Maghintay ka pero mas maganda rin kung may gagawin ka. Take the risk. Dahil dun lang natin malalaman kung paghihintay mo ay may naghihintayin na kasiyahan.
excerpt and paraphrase from Marlupet