What's new

Trivia Iba't-ibang Uri at Dahilan kung Bakit Naghihitay ang isang Tao

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
17,926
Solutions
6
Reaction
39,464

Naghihintay na mamahalin ka din ng taong mahal mo

Madalas na idinadahilan ng isang taong naghihintay sa minamahal niya. Yung motto niyang "Alam kong mamahalin niya rin ako, konting tiis at hintay lang", "Kami ang naka-tadhana, kailangan ko lang maghintay","Kung mahal mo ang isang tao, dapat marunong kang maghintay" at kung anu-ano pang ka-echosan na may kinalaman sa tadhana. Gustuhin mo mang bumitaw at magpatuloy nalang sa buhay pero ang puso mo. Di na natutong mag-move on sa buhay. Sinasabi man ng isip mo na "Tama na, wala ng pag-asa" pero itong puso mo still fighting.

May mahal na siya pero hinihintay mo pa.​

Ito naman yung para sa mga taong martir at nagmamartir-martiran. Alam mo na nga sa sarili mo na may iba na sya, masaya at may mahal nang iba pero ikaw 'tong hindi maka-move on at naghihintay nalang na mag-break sila, Abangers lang? Para magkaroon ng pagkakataon na magkatuluyan kayong dalawa kahit ang sakit-sakit na, kahit ang puso mo basag na basag na, motto mo ba yung ” Parte ng pagmamahal ang masaktan? O yung Mamahalin ko nalang sya kahit sa malayo? Baka naman yung Kung ang mag-asawa nga naghihiwalay pa e, yun pa kayang mag-boypren/girlpren lang?” Hindi naman masama na ipaglaban mo kahit wala nang pag-asa, ang akin lang nagiging ***** kana kahit alam mong hindi naman ikaw yung gusto niyo. Gumising ka at mamulat sa katotohanana .Marami pa jan.

Naghihintay sa taong di mo pa Nakikilala at di pa Dumarating sa buhay mo.
Ito naman yung tipo ng naghihintay sa pangarap. Nabuo sa isip mo ang concept na mayroong "The One" kaya hindi ka pumapasok sa isang relasyon dahil feeling mo hindi sya si Mr or Ms.The One mo. May mahal ka pero hindi ka kilala, mahal mo pero artista pala.Minamahal mo pero magkalayo mundo ninyong dalawa at sa dinami-daming taong nakapaligid sa kanya alam mo sa sariling malabong mapansin o magkakilala kayong dalawa, pero hayan ka at sinasabi mo naman sa sarili mong “Walang imposible sa mundo.

Single Ako, Single siya. Hihintayin ko.
Hinihintay mo sya dahil single parin sya at pakiramdam mo na kayo ang para sa isa’t-isa pero di pa tama ang pagkakataon kaya di pa sya nagpaparamdam sa’yo o dahil iniisip mong di pa sya ready, kaya tiis lang muna. At alam mong hanggang nananatiling single sya, ikaw maghihintay parin dahil malay mo nga naman kayo talaga pagdating sa dulo. Wala nga naman nakaka-alam diba?

Naghihintayan kayong dalawa.
Mahal mo, mahal ka, pero naghihintayan kayong dalawa. Nagpapakiramdaman kumbaga. Nanjan ang mga sweet words, sweet gestures at lahat na ata ng kasweetan sa mundo pero pagkatapos ng buong maghapon friends lang kayo. At dahil nga naman ikaw ang babae syempre maghihintay kana lang ng isang na magtatapat sya sa’yo, ampangit nga naman kasing tignan kung ikaw 'tong unang magtapat diba?

Anyways, Ka-martiran man sa mata ng iba o kahibangan man para sa kanila, naghihintay ka dahil alam mong nagmamahal ka.
Sa paghihintay mong yan nakakaramdam ka nang satisfaction kumbaga, nakakapagod man, nahihirapan ka man at nasasaktan pero di matatawaran ng anupaman ang nararamdaman mong pagmamahal. Pagmamahal na patuloy mong pinanghahawakan, pagmamahal na nagpaparamdam sa’yo kung gaano kasarap mabuhay at magmahal. Pagmamahal na kahit di man masuklian ngayon, nagbibigay parin sa’yo ng pag-asa sa lahat ng panahon. Hindi masama ang maghintay, masakit at mahirap lang talaga. Pero sana hindi lang tayo puro paghihintay. Gumawa din tayo ng mga hakbang. Masaktan man tayo atleast we’ve tried. Maghintay ka pero mas maganda rin kung may gagawin ka. Take the risk. Dahil dun lang natin malalaman kung paghihintay mo ay may naghihintayin na kasiyahan.




excerpt and paraphrase from Marlupet
 

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
why nmn ganito post mo.. me pinagdadaan kaba✌️
wala naman I made this thread para lang to sa mga taong maraming pinagdadaanan,it's not just all about me,it's not just focusing to what I am currently feeling but to help those people who's been lately feeling hopeless and empty.It is about making and helping them realize kung susuko pa ba o ilalaban pa ba .

Nakakapagod din minsan maghintay 😅 haha
Pero nakakabilib din minsan yung mga taong matyaga pag dating sa ganyang bagay 😊

Salamat sa pag share nito mam 🥰
yes nakakapagod talaga at madaming katanungan sa isipan.
 

denberwalker

Enthusiast
wala naman I made this thread para lang to sa mga taong maraming pinagdadaanan,it's not just all about me,it's not just focusing to what I am currently feeling but to help those people who's been lately feeling hopeless and empty.It is about making ang helping them realize kung susuko pa ba o ilalaban pa ba .
okay ts relax exit muna ako hahanap muna ako tao ipaglalaban ✌️😂
 

Lelouch Lamperouge

Antukin
Contributor
Yeah yung no.1 hehe.. minsan nag aantay tayo ng taong mamahalin din tayo kaso kaka antay naten eh may nahanap na pala syang iba..

Ang sabi nga, "We are the masters of our own ship so why wait?, so instead Go sail and sail because there are so many fishes in the ocean".

Anong malay mo baka sayo pala itinadhana si dyesebel ahahaha.
 

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
Yeah yung no.1 hehe.. minsan nag aantay tayo ng taong mamahalin din tayo kaso kaka antay naten eh may nahanap na pala syang iba..

Ang sabi nga, "We are the masters of our own ship so why wait?, so instead Go sail and sail because there are so many fishes in the ocean".

Anong malay mo baka sayo pala itinadhana si dyesebel ahahaha.
bat naman napunta kay dyesebel🤣
 

Asherah Goddess

Established
Hmmm... mahirap mag-antay. But ito lang ang alam ko. May dalawa klaseng love na alam ko.

Isang conditional love at isang unconditional love.

Yung tao na meron conditional love ay coming from the word na conditional na meron kapalit so kapag mahal ng tao ang tao na gusto nito ay meron kailangan na condition na mahalin din siya ng kapalit.

Iyon ang sa tingin ko na mahirap dahil andiyan na nag aantay at andiyan ang expectation na mamahalin na babalik, kaya nagiging martyr.

But kapag unconditional love kase ay ang tao nagmamahal ay hindi naghahangad ng kapalit. Martyr sa iba pero para sa akin ay hindi siya martyr. Mas martyr ang tao na nag eexpect na mahalin siya ng pabalik unlike ang tao na nagmamahal ng unconditional, wala siyang expectation sa taong mahal niya dahil ang alam niya sa puso niya na mahal niya ang tao na iyon, wala ng iba. Kung baga, wala siya pake kung mahal siya ng tao o hindi basta ang alam niya na nagmamahal siya. Ganoon.

Ang unconditional love is parang hindi ata nag eexist sa human dahil lahat ng human ay mahilig sa kapalit (except lang ang God na unconditional love na hindi mapagparusa stuff though depende kung ano ang concept of God ng mga tao)

Matatagpuan lang ata sa movie, anime or teleserye katulad ni Hinata and Naruto na anime. Si Hinata ay crush niya si Naruto noong 4 years old hanggang pagdating ng days, months and years ay in love siya kay Naruto. Hindi naman nag eexpect si Hinata na mahalin siya ni Naruto dahil kahit mga pre teens nila, alam ni Hinata na gusto ni Naruto ay si Sakura. Hindi naman na dedepress o hindi naman niya inaway si Sakura bagkus mas na momotivate at inspired pa siya ipagtanggol si Naruto.

Wala ata sa human ang existing na unconditional love. Puros lahat ay meron condition.

Hay. Naku haha 😅 Hindi nakakapagtaka kung bakit nagsulputan ang mga waifu at husbando sa anime world dahil meron ang ilan anime fans na nakikita sa anime character na wala sa human in a real world haha 😅

Pero nagkatuluyan si Naruto at Hinata sa Naruto anime.​
 
Last edited:
Top