What's new

Help I Need your advise

Thunder889

Honorary Poster
I need your adsive guys, May apartment po kasi ako, ngayon nawasa ang tubig ng mga tenant ko, This january nagulat ang isang tenant ko dahil lumaki ang bill nila from 200 to 590pesos, so nag reklamo sila sakin dahil lumaki ang bill, then ang sabi ko sa tenant ko ipapacheck ko sa water district baka kako may sira ang metro or may tagas sa linya, kaya nag advise ako na mag patay sa metro kapag hindi ginagamit ang tubig to be sure na kung may tagas sa linya after the meter hindi lalaki ang bill, then lumabas ulit ang february bill from 590 noong january naging PHP1600 so nagulat ulit sila, dahil palaki ng palaki ang bill, then pumunta na ang taga water district to check the meter and they found out na walang sira ang meter at may tagas ang linya kaya lumaki ang bill so meaning babayaran nila ang bill in full dahil after the meter ang tagas,

Ngayon nakita ko ang bill hindi nila binayaran ang naunang 590bill kaya naging 2190 ang total bill, ngayon ang sabi ko maghati nalang kami sa babayaran bilang konsideransyon sa tenant ko, pero hindi sila pumayag na hati ang gusto nila 400 lang ang babayaran nila sa dalawang buwan na bill,

TAMA ba yun 400 lang babayaran nila?? in the first place kaya lumaki ang bill nitong February hindi nila ako sinunod na magpatay ng meter kapag hindi ginagamit ang tubig, take note nasa gilid lang ng apartment ang metro nila,.

pa advise kung ano ang dapat gawin ko salamat.
 
Hmmm 🤔 sa ganyang usapin eh kargado mo iyan, kasi kung wala naman kayong written contract about diyan sa water issue. Well if you want this option eh palayasin mo na lang sila then bigyan mo ng taning na two months para makapaglipat na sila or pay the remaining sa 2190 kasi nga 400 ang kanila and the next time na lumaki ang bill eh di mo na iyon papasanin and sila na ang magbayad ng buo nun.
 
opinion ko lang.

Kung may katagalan na yung apartment at may mga nasira owner padin ang sasagot sa gastusin pero kung bago palang yung apartment at yung umupa ang nakasira then sila ang mananagot.

or regardless kung luma or bago kung yung umupa ang naging dahilan ng pagkasira sila dapat managot pero kung natural cause kay owner padin ang bagsak
 
Bago lang mga unit ko, september lang nag operate, natural cause po ang dahilan ng pag tagas ng tubig, pero sinabihan ko naman ang tenant ko na mag patay muna ng meter kapag di ginagamit para di lumaki ang bill habang di na check ng water district pero di nila ako sinunod kaya lumaki ng lumaki.,
 
[XX='Thunder889, c: 848457, m: 1664052'][/XX]
Ito lang kasi nakikita ko na malalagay ka sa alanganin, "owner's negligence" dahil umabot ng dalawang buwan bago mabigyan ng action dahil nareport na nila nung unang buwan pero dahil late si water district inabot pa ng isang buwan mula nung nagreklamo mga tenants.

Na pwede mo naman sana itinawag ng tubero agad para makita nila yung problema habang ina antay mga taga water district.

Yung di nila pagsunod na patayin kung di ginagamit, medyo hindi sapat na dahilan dahil responsibilidad ng owner na panatilihing nasa condition at maayos mga ipapaupa, since basic necessity yung tubig need ng agarang action pag may problema.

Pero kung exposed yung tubo at visible yung leak at hindi man lang inagapan ng tenant na tapalan pansamantala? sila mananagot dahil sila naman ang nagpabaya.
 
[XX='Sinnerss, c: 850116, m: 1765665'][/XX]
may option pa naman si ts magseek ng legal advise since bago pa naman yung building liable padin yung contractor dahil nagka leak baka kasi nung tinurnover hindi nagawan ng punch lists at ngayon lang lumabas yung defect due to faulty construction etc,

basta walang human inflict from tenants sa leak mahirapan sya kasi ipasa sa tenants yung billing dahil short term approach lang yung pagpatay sa metro, need seek ng professionals agad para maresolve lalo na usapan ay waterline e daily need pa naman.

pero blessing padin at hindi linya ng kuryente yung may issue or defect dahil as owner kargo nya yung mga tenants nya na maninirahan na safe at habitable yung place.
 

Similar threads

Back
Top