What's new

Help I need Your Advice mga ka PHC :(

paomaestro

Eternal Poster
Hi mga ka PHC!

Hihingin ko lang advice nyo about sa asawa ko na nag apply ng Car Loan sa isang Brand dito sa pinas. Yung Sales Agent nung car kasi na nag aasikaso sa kanya is inedit yung Payslip nya na sinubmit sa Bank. Nung nag verify na yung Bank sa company ng asawa ko nalaman nila na dinagdagan yung salary which is di talaga alam ng wife ko. Di sya inutusan ng wife ko gawin yun pero inedit nya parin base sa mga message nung Agent sa Messenger..

Now, yung asawa ko is uundergo ng Admin Hearing sa company nila dahil sa Alleged Falsification of Documents. Gusto ko sana ng mga payo nyo or say nyo about this situation. Given na wala talagang kinalaman wife ko dun sa pag modify ano kaya pwede namin gawin pang mga steps?

Salamat sa mga sasagot.
 
naisip ko na din po yan. pero mukhang di naman kakasuhan ng company sa court yung asawa ko kung mapapatunayan talagang termination lang ang pagkaka intindi ko sa memo sa kanya kaya pinag eexplain din sya.
 
Medyo mahirap po yan. Kase without witness po ung nangyare sa kaso ng asawa niyo. Naipasa na ng asawa niyo ung Info ng payslip and other documents pra sa car loan. habang inaantay po ba ung Confirmation nsa area pa din po ba si Misis ng Gusto nyang brand na car?
 
Don pa lang sa pag edit nya ng payslip eh Forgery na. wag lang i-delete ang conversation nila sa messenger kuys then i-report nyan. Alam ng Lawyer ano isampa sa hunghang na yan. Masyadong halang yong bituka

Turuan nyo ng Leksyon yan ng magtanda. Kesa asawa mo ma-agrabyado kuys nako
 
TS...doon palang sa payslip lusot na asawa mo ..kasi hindi edited yung nasa picture yan sabi mo hindi ba..totoo na salary..so no worries na..maliban lang kung yung ipinasa na payslip ay edited na yun ang problem..pero sabi mo totoo yung salary sa picture...
 
ang dapat managot diyan yung ahente. dapat kasi yung wife mo na lang mag asikaso ng docs sa pagkuha ng sasakyan. mabuti pang idaan sa lawsuit against the sales agent.

btw dati akong sales agent, bawal na bawal kaming mag handle o mag asikaso ng mga payslip/confidential documents na ganyan. may gumawa na rin saamin dati ng ganyan kinuwento sakin at natanggal siya. muntik na rin siyang makasuhan.

pero may mga clients kami din na di na aaprove sa auto loans kaya ang ginawa ng ahente ng asawa mo para maaprove agad, iibahin detalye ng payslip ng asawa mo which is di nga tamang gawain.
 
oo nga sir punto ko nga din yan.. iniisip lang din namin baka sabihin pa ng HR ng wife ko kasama sya sa pag edit or yung consent ba? haha.. pero may punto ka sir
 
Ayun nga sir nag iisip kami kung kakasuhan pa namin di na nag paramdam after nung incident yung agent nasabon narin ata nung supervisor nya.. Parang ayaw narin namin kasuhan kc mejo ok naman na wife ko sa HR.. baka gipit na gipit yung agent kaya nya nagawa wala atang benta tho masama parin yung ginawa nya talaga..
 
delikado yan... FB pala... uso pa naman ngayon yung car loan tas yung car di mahawakan ng nag lian kasi nasa kamay ng iba... parang shortcut ng carnapping ba
 

Similar threads

Back
Top