What's new

I need to let this out of my chest.

Joined
Jun 11, 2016
Posts
755
Reaction
416
"Ang partner ko nagalit samin ng anak ko kasi hindi siya nakasama sa night-out ng kanyang katrabaho."

Almost 6 years na kami nag-live-in partner, may isang anak na din kami.
7 yrs ang gap namin sa isa't isa, 34 y.o ako at siya naman 27 y.o,
nagtatrabaho siya sa BPO. since graveyard sched niya, ako mag aalaga sa
anak namin sa gabi at siya naman mag aalaga sa umaga sa kanyang pag uwi.
sabado ng tanghali nasa trabaho ako, chat niya ako at nagpapaalam siya sakin
na mag gogrocery siya pero 11pm pa daw uwi niya. so tinanong ko siya in a joking
manner, kung saan pa siya manglalalake. sabi niya, niyaya daw siya ng kanyang
mga katrabaho na mag night-out sila mamaya. sabi ko sa kanya, maiwan na
naman kami(ng anak namin). sabi niya, nagpaalam lang siya sakin kung papayagan
ko siya o hindi. sinagot ko siya, dun ka na naman magpaalam na on the way ka na.\\

(nag night-out na din sila noong nakaraang buwan,
pinayagan ko naman, kaso ang nangyari, after nila mag-night-out, nag-
out of town pa sila, in-expect ko pa na man na okay lang na makakauwi
siya ng madaling araw, kaso kinabukasan na ng hapon nakauwi. rest day ko
kasi kinaumagahan na yon so expect ko family day kasi iisa lang ang restday ko
which is sunday
.
)

\\kaya ngayon, nagka-trust-issue na ko tuwing may night-out
sila ng kanyang katrabaho. sinagot niya ako na, hindi na daw sila mag-out of town
kasi marami daw sila sasama isa at hindi kakasya sa isang sasakyan. sabi ko na
man sa kanya na, mag-enjoy siya habang hindi ko pa siya pinagbawalan.
sagot niya sa kin, matatakot na ba siya kung pinagbawalan ko na siya sabay tawa.
at sabi pa niya, hindi na daw siya sasama at mag-gogrocery nalang daw.
tinanong ko siya kung final na ba 11pm ang uwi niya o baka next day pa. sagot niya,
depende pa kung maaga sila mag gagather for the night-out. sagot ko sa kanya,
hindi nalang ako mag-eexpect kung kelan siya uuwi. sagot niya sakin, 11pm uuwi na
siya kasi may dala pa siya groceries. nag suggest ako sa kanya na, pagkatapos
niya mag grocery, ihatid nalang niya muna pauwi bago siya mag night-out para
wala na siya dadalhin baka may maiwan o mawala pa. sagot niya, hindi na daw siya
sasama sa night-out. nag suggest na naman ako na, kinabukasan nalang siya mag
grocery, para hindi mahahati ang kanyang attention sa pag mamadali magrocery kasi
mag na-night-out pa after. ang sagot niya lang, mag grocery siya at isasama niya ang
aming anak. pag uwi ko ng bahay, sinabihan lang ako sa 3yrs old naming anak na
nagagalit daw sa kanya c mommy. tinanong ko anak ko kung may nagawa ba siya na
ikinagalit ni mommy, wala na man. napansin ko lang hindi na niya kami (ng anak namin)
kinausap. hindi ko na siya tinanong kung anong nangyari sa kanya kasi binigyan na niya
kami ng "silent treatment". nag prepare ako ng haponan that night, niyaya ko siya kumain
sabi niya ayaw niyang kumain, mauna nalang kami ng anak namin. so kumain nalang kami.
niyaya ko siya ulit, kaso sabi niya aalis daw siya. sabi ko sa kanya, kung hindi siya aalis,
sama nalang siya samin kumain. hindi siya sumagot, medyo naiinis na ko that time.
patuloy parin siya nagmukmok sa kwarto. kalaunan, lumabas siya at naliligo. akala ko
mag prepare na siya para umalis. pagkatapos ng haponan pumasok ako ng kwarto,
hindi pa siya nakabihis, so tinanong ko kung aalis pa ba siya o hindi, sumagot siya na
aalis daw. sabi ko sa kanya, kung gusto niyang sumama sa night-out, magbihis na siya
at umalis kasi naiinis na ko sa kanyang silent treatment sa min. nakahiga siya sa kama,
nasa sahig ako nakaupo habang naglalaro ng mobile games at may napansin ako
parang tinakpan niya ang kanyang cp tuwing mag-notify c messenger. nasa tabi lang
ako ng kama nakaharap sa kanya. Akala niya busy ako kakalaro,tumalikod siya sakin,
sumilip ako sa likod niya, habang hindi niya ako napapansin kasi may nire-replyan
siyang chat. una, pangalan ng nagchat tiningnan ko at pangalan ito ng lalake at isa
ito sa katrabaho niya. pangalawa,binasa ko yung chat ng lalake na, susunduin niya daw
partner ko. bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko na tinapos basahin ung mga chat at
nag pa as if ako busy kakalaro sa mobile games. marami na pumasok sa isip ko, at hindi
ko na maintindihan nararamdaman ko. sinubukan ko ibalewala at patuloy sa pag mobile
games pero parang hindi ako maka concentrate sa paglalaro kaya nag FB nalang ako,
kalaunan nakalma ko ang sarili ko. mag a-alas diyes na, hindi pa siya naka alis pagtingin
ko sa kanya nakatulog na pala siya. nalowbat na cp ko so chinarge ko, kinuha ko cp niya
para maglaro ng ML. nagreply yung lalake kachat niya pero hindi ko binuksan, binasa
ko thru notification bar, ang sabi nung lalake na bibili siya ng yosi malapit samin para
sabay sila sa partner ko punta sa night-out nila.\\

(naaalala ko, kinuwento sakin ng partner ko tong lalakeng to. ito kasama nila sa trabaho na may kotse at ito ang gamit nila noong nag out of town sila after mag night-out. kinuwento pa sakin ng partner ko na single pa daw tong lalake may kaLDR kaso parang malabo na. kinuwento ni partner sakin tong lalakeng kasi noong nag out of town sila, ibang kasamahan nila natutulog sa biyahe kasi may kalayuan din yung pupuntahan nilang lugar. kaya ang partner ko nalang ang hindi natutulog para lang may makausap yung lalake habang nagmamaneho, hindi na dine-detalye ng partner ko kung anu ano pa pinaguusapan nila.)

\\hindi ko na binuksan ang messenger baka anu ano pa ang mabasa ko doon. kinalma ko nalang
sarili koat patuloy sa paglalaro ng ML. habang naglalaro ng ML, napadaan sa isip ko baka mamayang hating
gabi or madaling araw bago lalabas ang partner ko kasi may susundo naman sa kanya. pero sabi
ko sa sarili ko, what if lang yan. so ayun, pinalipas ko nalang at patuloy sa ML.
naka 4 rounds ako sa RG at hating gabi na. bago matulog, napaisip ako

bakit kaya binigyan niya kami ng silent treatment?
bakit galit din siya sa anak namin?
may nagawa ba akong mali?

sa tingin ko wala na man problema sa chat namin, binigyan ko pa nga siya ng suggestions.
hanggang nakatulog nalang ako sa kakaisip. kinaumagahan sunday morning, pag gising ko,
andyan parin siya mahimbing ang tulog. since wala akong pasok, ako mag aalaga sa anak
namin. nag breakfast nalang kami ng anak namin, siya tulog parin. gumising siya tanghali
tapat na at hindi niya parin kami kinakausap. at hindi ko rin siya kinakausap dahil sa nabasa
ko sa kanyang messenger. iniwan ko sila sa bahay sandali para pumunta sa laundry shop.
pagbalik ko galing laundry shop, napansin ko, okay na sila dalawa, kinausap na niya ang
anak namin pero hindi sa kin 😢. hindi niya parin ako kinausap at hindi rin ko siya kinakausap 😒
maghapon hanggang mag gabi nalang hindi niya parin ako kinakausap. c partner ang naghanda
ng hapunan pero hindi na ko naghapunan. nagtabi siya ng ulam para sakin pero hindi ko kinain
kasi busog pa ko sa heavy snak sa hapon na yon. hindi kami nagpansinan hanggang sa nakatulog.

ano ang dapat kong gawin?
dapat ba ako magselos sa nabasa ko sa kanyang messenger?
kapalit palit ba kami ng anak namin sa kanyang mga katrabaho, na 11hours/per day in a week sila magkasama?
since weekend din yung restday niya, sana family day nalang namin yun pero parang mas pinili niya makasama ang kanyang katrabaho. 😢

**mahirap talaga kapag walang kang mapagsabihan ng mga bagay2 lalo na ikaw ay isang lalake.
hindi ako barkadista kasi sa pamilya ko lang umiikot ang buhay ko(sa partner ko at sa aming anak).
mga katrabaho ko naman lahat may sarili na mga pamilya so lahat focus na sa pamilya.

ANYWAYS....
Thank you so much PHC, kahit papano gumaan ng konti ang aking pakiramdam.
First time ko mag share dito, sana po makatanggap ako ng advice kahit papano.
 
sinner231_100

Established
red flag na yan ts... Dina uso ang night -out pag may anak at kinakasama na... Maaring lumabas kung kasama kayong dalawa ng anak mo.
 
dark_boy21

Established
For me Sir. It can lead toxic relationship. Alam mo Sir, magkaiba kayo ng timeline kaya yung gusto mo gawin para sainyo dalawa iba pa plans nya. Alam ko nageenjoy pa yan sa pagdadalaga kasi nung 21 sya nung nakasama mo palang sya. Alam ko 6years na kayo magkasama pero tandaan mo hindi mo sya kaedad kaya kahit itali muyan. Iba yung plans nya sayo kahit may anak pa kayo in fact. Why are not been married kahit sa local government lang? Isa nayun question Mark. Wala sya assurance pa sayo if hangga ngayon hindi mupa niyayang magpakasal.

Nasa reality na tayo Sir. May babaeng madali sumama sa iba yan if yung pinangako mo hindi parin natutupad.

Staka Sir dont force her sa gusto mo. Hayaan mo lang syang maging malaya. Importante magkasama parin kayo at ikaw inuuwian.

Magsisi ka sa huli. Masasakal yan if pagbabawalan mo ibigay mo yung magpapasaya sakanya.

Dont be paranoid Sir. Alam ko masaket na makita mong feeling mo may mali.

Hayaan mo lang sarili mo. Huwag ka magisip isip ng ano. Gawin mo yung anak mo isipin mo.

34 kanapo Sir kaya please dont settle your self na ikakasaket mupa ng loob. Baby mo nalang isipan mo.

Basta payo ko lang sayo Sir. Huwag mo higpitan si Misis if sayo naman umuuwi at nagsasama naman kayo at happy sya kapag nagout town sila.

Promise Sir. Kamuka mo lang ako sitwasyon dati. 9years gap kami naparanoid ako hangga sa nasakal sya hangga iniwan ako sa ere. Base on my experience hangga ngaun. Nalulungkot ako sa pagkawala nya.

Iba po kasi yung edad po nila. Its a consequence po nagmahal kapo ng mas bata. Ikaw napo magadjust sakanya. Kasi ikaw settle na future nyo dalawa pero po sya hindi papo nya kayang maging Ina lang po. Bata po kasi sya sayo.

Dont offend me. Base on my experience lang po
 
red flag na yan ts... Dina uso ang night -out pag may anak at kinakasama na... Maaring lumabas kung kasama kayong dalawa ng anak mo.
yun ang kinatakutan ko lods e, kasi halos sa mga kasamahan niya wala pang mga anak.
For me Sir. It can lead toxic relationship. Alam mo Sir, magkaiba kayo ng timeline kaya yung gusto mo gawin para sainyo dalawa iba pa plans nya. Alam ko nageenjoy pa yan sa pagdadalaga kasi nung 21 sya nung nakasama mo palang sya. Alam ko 6years na kayo magkasama pero tandaan mo hindi mo sya kaedad kaya kahit itali muyan. Iba yung plans nya sayo kahit may anak pa kayo in fact. Why are not been married kahit sa local government lang? Isa nayun question Mark. Wala sya assurance pa sayo if hangga ngayon hindi mupa niyayang magpakasal.
sa totoo lang hindi pa ko financially stable sa ngayon, kakasimula pa lang ako magtrabaho last 2021, simula nang magpandemic. wala pakong sapat na savings. nape-pressure na ko minsan kasi lage nagtatanong ang nanay niya kung kelan ko pa papakasalan ang kanyang anak.
Nasa reality na tayo Sir. May babaeng madali sumama sa iba yan if yung pinangako mo hindi parin natutupad.
Staka Sir dont force her sa gusto mo. Hayaan mo lang syang maging malaya. Importante magkasama parin kayo at ikaw inuuwian.
iniisip ko din yan, na hahayaan nalang muna siya kung saan siya masaya.
Magsisi ka sa huli. Masasakal yan if pagbabawalan mo ibigay mo yung magpapasaya sakanya.
never ko pa siya pinagbabawalan sa mga gusto niya.
Dont be paranoid Sir. Alam ko masaket na makita mong feeling mo may mali.
nakaka-paranoid talaga, nasubukan ko na kasi magpaloko at magpakatanga noon.
Hayaan mo lang sarili mo. Huwag ka magisip isip ng ano. Gawin mo yung anak mo isipin mo.

34 kanapo Sir kaya please dont settle your self na ikakasaket mupa ng loob. Baby mo nalang isipan mo.
lage ko iniisip ang baby ko, ayaw ko siya lumaki na hiwalay ang pamilya.
Basta payo ko lang sayo Sir. Huwag mo higpitan si Misis if sayo naman umuuwi at nagsasama naman kayo at happy sya kapag nagout town sila.

Promise Sir. Kamuka mo lang ako sitwasyon dati. 9years gap kami naparanoid ako hangga sa nasakal sya hangga iniwan ako sa ere. Base on my experience hangga ngaun. Nalulungkot ako sa pagkawala nya.
napaisip ko din minsan kaya mas pinili niya lumabas kasama ibang tao baka hindi na siya happy sa aming pagsasama. minsan nga gusto ko siya tanungin kung happy pa ba siya sakin.
Iba po kasi yung edad po nila. Its a consequence po nagmahal kapo ng mas bata. Ikaw napo magadjust sakanya. Kasi ikaw settle na future nyo dalawa pero po sya hindi papo nya kayang maging Ina lang po. Bata po kasi sya sayo.
sa tingin ko, ito na karma ko. iniwan ko kasi dati kong gf sa mas bata.
Dont offend me. Base on my experience lang po
salamat lods sa advice. ihanda ko nalang ang sarili ko kung anuman ang kahinatnan ng silent treatment niya sakin.
Ts na totnak na yan misis mo ng iba
huwag na man sana lods, alam niya naman na may agreement kami na kung sino magcheat sa min, hinding hindi na makikita ang baby. pero kung pinaghandaan na niya na hindi na niya makikita ang kanyang anak, nasa kanya na yun.
 
dark_boy21

Established
Ready yourself Sir. Sobra saket mawala yung tao naging parte ng buhay mo habang nanjan pa. Alagahan mo sya.

Lahat po ng promises nawawala po yan kapag nafallout napo ang isang tao.

Infact po babae po yung fafavoran ng batas kahit may usapan po kayo ganun. Nasa panahon napo kasi tayo ng socialize.

Huwag nyopo isipan may kabet po sya baka lang po talaga di pasya ready isettle yung pagiging full time Mom nyapo.

Kayo nangapo nagsabi your not financially stable. Parents napo nya nagsabi pakasalan mo na sya.

Kaya huwag kapo mapranoid ikaw po dahilan bakit sya nagwowork din po kasi you cannot give her stable at financially.

Gift nya lang sarili nya gumala.

Ang swerte mupanga Sir. Marami na sya beses nagoutof town pero dinya isipan na iwan ka.

Hayaan mo lang sya Sir. May moment naman po palagi.

Kung ako sayo Sir. Nasa huli ang pagsisi. Iiyak kalang dahil yung pagkakamali mo kahit gusto mo balikan ang tao ayaw na nya sayo.

Kaya itreasure mo nalang kasama mo parin sya ngayon.

Alam mo ang taong pinagkakatiwalaan mo ng lubos. Hindi po yan mawawala sayo. Nakwento naman nya sayo yung guy.

Kung sana dati pa sumama nasya doon sa guy. Siguro nakahanap lang po sya ng makakausap sa problem nya. Alam kupong mali yun pero po sorry bata po kasi asawa nyopo kaya yung gusto nya gawin na gumala ng gumala na ikaw lang kasama. Iba po yun sa kaedaran nya.

Magtaka kanalang po kapag hindi sya umuwi sainyo.

Advice lang po. Talagang need mo magadjust sa relationship na mas matanda ang guy ng 7years.

Kwento ko lang nangyari sakin ganyan na ganyan po sa sobrang higpit kupo. Nawala po sya sakin. Dahil ako nakakatanda hinayaan kunapo sya. Masaket sobra pinagsisihan ko yun kaya shinare kupo sainyo. Ayaw ko mangyari yung nangyari sakin. Nadurog mundo ko at na depress ako God lang po nagpabangon saket kahit masaket parin hangga ngayon pero laban lang.
 
Lods 😭😭😭
Nalaman ko nalang that she cheated on me. Hindi talaga ako magkakamali sa aking pagdududa kailan man. History repeats itself. Hindi ko na alam ano ang gagawin 😭
Karma is real.
 
cosmic wanderer

Established
dapat kapag my pamilya kana madalang or hindi kana nag out of town kasama nang ibang tao. Hindi excuse yang dahil dapat independent ganern.

dapat inisip nyu iyan bago kayo bumuo nang pamilya.
 
Zigggy_

Established
for me red flag na pag ganyan ive seen a lot of couple (specially yung mga bata nagstart) na di nagtatagal.

Andyan kasi yung problema na dahil nga maaga nagpamilya e madaming silang bagay na hindi nila pa nagawa na ngayon nila pa lang ineenjoy ngayong may pamilya. na.

Kase for me kung may pamilya ka di mo na uunahin yung mga ganyang bagay mas magffocus ka sa pamilya mo mas gugustuhin mong umuwi ng mas maaga para makapiling anak mo. Its just for me ha
 
dark_boy21

Established
Tama po, hindi papo sya ready maging full time Mom po. Nakahanap po sya kaedad nya na magiging ano nyapo.

We both them na nagkamali sila. Makakahanap kadin para sayo Sir.

If kaya napo sya iletgo go.

Huwag nyo napo habulin ang taong kaya kapong lokohin kahit may anak na po kayo.

Para sa kanila ok pa. Kahit gaano man katino kuya or gawin mo kung babae napo yung sumuko wala napo tayo magagawa jan kuya.

Kung ako sayo kuya. Palayuin mo muna sya sainyo. Sya magpapavictim jan Sir kasi sasabihin po hindi nya kaya ibigay yung needs ko. Yan ang consequence ng di kayo magkaedad kuya. Hindi po kasi kayo parehas ng timeline. Naging happy kanaman po sa 6years.nasainyo po yan Sir if mapapatawad mupa. Kasi 34 kanapo mahirap napo makahanap tapos mostly mga babae o ngayon practical. Show money po. Dinapo tayo lalayo ng age. Mahirap tanggapin pero kailangan yan reality.

Hindi lahat ng bagay sayo habang buhay. Marami beses magbabago ito.

Ako umiiyak parin ako nangyari sakin pero wala naku magagawa. Pinalaya ko sya kung saan sa sasaya
 
Asherah Goddess

Established
Binasa mo dapat ang lahat ng messages para sureball. Malay mo na missunderstood mo siya. Andoon malalaman ang truth through messages. Do not be afraid and take a risk. Ewan ko sa iba. Ang akin kase, sa parte ko ay binabasa ko talaga. Kapag something is off ay tini text ko o tinatawagan ko pa ng palihim na hindi ko ipinapaalam kapag kaduda na o meron ng evidence pero kung wala naman ang message na iyon like friends lang naman o ano, well, hinahayaan ko na lang.

Actually, karamihan ata ng syota o asawa ay ganoon ginagawa dahil kahit ako, nararanasan ko na meron tao na tumatawag at meron na nagtetext sa akin. Nakikipagkaibigan pa nga pero ang ibang tao ay brutal pero kung mabait naman tayo para maghandle sa mga taong brutal dahil sa selos o ano pa man, ayos lang. Ang iba ay mababait. Ang iba ay brutal.

Normal lang ata ang ganoon scenario na pakikialaman ang celphone na tipong tatawagan o etetext ang kung sino man ka text ng ka partner mismo. Alam ko iyan dahil noon teenager ako, teenager ha? Sus me, ganyan ang mga nararanasan ko kaya ayaw ko na masyadong magkaroon ng kaibigan na lalake o close friend na lalake dahil once na meron ako male friend, meron nang tatawag o mag tetext sa akin na galing syota o asawa.

Hay naku. Ayaw ko na talaga. Nakakagulo sila sa utak.

Noon kase. Ganoon ang ginagawa ko. Mas mainam na huwag magpapadala ng emosyon dahil kapag nagpadala ng emosyon, hmm, hindi na malalaman ang totoo. Minsan pa nga para akong detective cop na nagtatanong-tanong sa phone o text kapag may syota ako dati- dati ha? Ganoon lang ako ka persistent pero hindi ako nakikipag away. Ayaw ko ma missunderstood ang tao kase dahil nakakahiya naman noh? Pagbintangan na sila agad, e wala pa nga evidence hehe 😁

Kausapin mo din. Parang hinahayaan mo lang kase. One on one talk. Pansin ko kase parang ayaw mong harapin kaya ang ginawa mo na lang ay naglaro ka na lang ng buong magdamag. Naging escapism mo ang paglalaro ng games on mobile phone kaysa kausapin ang partner mo. Iyon lang ang napansin ko.

Alam mo iyon? Tipong nakita mo na pero wala kang ginagawa? Parang hinahayaan mo lang siya na parang hangin. Hindi ko sinabi pagbawalan. Kausapin mo lang kung anong nangyayari sa kanya. Maging open ka lang sa kanya para maging open din siya sa iyo. Ganoon po.​
 
Last edited:
Top