Alam naman natin na subrang daming affected ngayon dahil sa pandemic, May problema ako mga lods na gusto ko sana ibahagi baka may maitulong po kayo. Iniwan napo kami ng papa namin 2months napo wala na siyang paramdam sa amin. Ang problema ko is 3rd year college napo ako at wala po work, Chat moderator kasi ako dati pero natanggal din ako sa trabaho after 5months kasi may nalabag ako kunting rules mahigpit in short yung company. Naghahanap po ako trabaho online kahit ano po basta makatarungan para po ma tustusan pag-aaral ko at makapagtapos po, hindi napo kasi nagparamdam yung nagsusuport sa akin ng pag-aaral ko yung papa. Last call niya po sa mama ko is nagka-alitan sila dahil sa kabit ng papa ko at ayun na nga 2months napo hindi nagparamdam. Malaki po problema ko lalo napo sa pag-aaral dahil wala po tumutulong sa amin. Kami lang po talaga at gusto kopo sana may makatulong man lang po makahanap ako trabaho online para mapagsabay ko pag-aaral online at trabaho. Sana po may makapagtulong. Nag apply napo ako as transcribe pero hindi parin natanggap at sa dating kung trabaho online as Chat Moderator hindi sila hiring ngayon. Encoding lang po alam ko skills at chatting, hindi rin ako gaano ka galing mag english pure tagalog lang po kasi province of cebu ako.