What's new

Closed: I have a crush for almost 9 years.

Status
Not open for further replies.

Noc_

Honorary Poster
Joined
Jan 9, 2018
Posts
561
Reaction
145
Points
224
Update for marites:
I confessed but got ghosted
I was neither rejected or accepted.
Pero I believe na rejected ako so I have given up.

I am now in my late 20's (29 years old to be exact). Mayroon akong taong hinahangaan simula noong OJT days pa namin way back 2013. We are not classmates ka-ojt ko lang siya pero we always makes fun of each other thru chat simula noon up until now. However, mayroong gap yung chatting namin like months, minsan years kasi sa work and busy pero everytime na maalala namin yung birthday ng isa't isa kasi magkasunod lang ng date, humahaba yung asaran namin hanggang sa di na makareply yung isa sa amin. We are both shy type pero mas malala siya. On my part, komportable ako pag kausap ko siya thru chat and hindi ako nahihiya na mangulit sa kanya kasi nga crush ko siya. Pero never once after OJT na nagkita kami or nagkasama but I still feel the same. Hindi din ako nagkaroon ng boyfriend dahil siguro parang nagclicling pa rin yung feelings ko sa kanya. 2019 I decided to take a break from social media which is our only point of contact so hindi kami nagkausap kahit once simula noon then lately this month, nagbalik loob na naman ako. Tanung lang, since magkakaroon ng reunion kaming magkakaojt, is it advisable na magconfess?
And btw, I don't really know if in a relationship na siya. Technically, you can say na in-between kami ng friends at acquiantance.
 
Last edited:
why not make a move, and sabihin mo yung nararamdaman mo? walang manyayari kung wala kang gagawin. dont live by WHAT IF`s pagdating sa huli. baka maging TOTGA mo nalang talaga yan pag wala kang ginawa.
 
In your opinion paps, after 3 years kasi na di kami nakapagusap bale ngayong week nalang ulit, makes sense pag bigla akong magconfess?
 
Tanungin mo sya directly or pwede ipatanong mo sa ibang ka-ojt mo kung single sya. If single sya, then I recommend to confess. Nasa sa kanya na yan kung ano gagawin nya sa bola (since para yang bola na hawak mo at ipinasa mo sa kanya). I hope everything turns out well. Goodluck and stay awesome!
 
Yun yung pinakamalaking hurdle sa'kin ngayon --- ang tanungin siya about sa relationship status.
 
stalk mo muna kung in a relationship sya at well try make a move...or pinakamagandang move gawin mo is after reunion nyo why not ask her out ung kayo lang...para may moments lang kaung dalawa...
 
stalk mo muna kung in a relationship sya at well try make a move...or pinakamagandang move gawin mo is after reunion nyo why not ask her out ung kayo lang...para may moments lang kaung dalawa...
Nagstalk na ako pero wala masyadong update siya sa social media. Napakalinis ng update halos once a year lang yata. Then, pag lalaki po ako siguro nagconfess na ako noon pa, so ayun po cons ng pagiging filipina.
 
Nagstalk na ako pero wala masyadong update siya sa social media. Napakalinis ng update halos once a year lang yata. Then, pag lalaki po ako siguro nagconfess na ako noon pa, so ayun po cons ng pagiging filipina.​

Ganun ba? Pwede ka naman hindi sumunod sa norms or maging unconventional ka na lang na tipong hind mag-conform sa definition ng filipina. Tutal hindi ka naman mamamatay kung hindi ka sumunod sa expected behavior kung ano ang filipina galing sa filipino people. Iyon lang if you do really want to be free na tipong hawak mo ang buong mundo kung saan nagagawa ang gusto based sa nararamdaman mo as long as hindi ka makakasakit ng tao.

Ang consequence lang ay meron magki-cricriticize na tipong meron negative reaction. Okay lang iyon. We need to be tough lang pero ibang usapan na iyon kung meron ng death threat. Kapag ganun kase, it seems na sinusuppress tayo mga babae kung ano ang gusto natin gawin in life. Yung negative reaction nga ay malala nga, ano pa kaya ang death threat.

Risk po siya. Ikaw, kung saan ka masaya, doon ka pero bawat disisyon, meron kaakibat iyan ng consequence. Tanggapin na lang ang consequence na mararanasan dahil its your choice.

Iyon lang. Basta kung saan ka masaya, doon ka.

Meron kase na suppress ang feelings na okay lang na hindi happy basta importante ay nanatili siya sa expectation ng mga tao. Hmm. Parang hindi siya mabuti dahil parang humihingi ng approval sa mga tao ang mismong nagkikimkim ng damdamin dahil iyon lang ang gusto ng mga tao kahit hindi na masaya at hindi na healthy.

Ika nga, let not society define us.​
 
Last edited:
Move on na. Believe it or not, ikaw lang din nagkukumbinsi sa sarili mo na sya ang gusto mo. At madaming patong-patong na reason yan. Pero let me try to explain why you should move on.

1- you don't really like the person. Gusto mo lang kung ano ung perception mo sakanya 9 yrs ago. People can change, and perceptions can be inaccurate. It is loving a person by what you hope they are, not what they truly are.

2- Sobrang na absorb mo ang kultura ng romanticsm, kung saan hyperfocused ka na baka magsisi k kung di mo naamin sakanya. Hindi mo na realize ung potential partners mo na pinalampas mo dahil sa kanya.

3- Dahil in sa romanticsm kaya you deeply believe na hindi pwede mag initiate ang babae. There is really no logical reason why we believe this. Wether sa kanya o sa iba, nakapag initiate ka na sana ng relasyon.

4- it will be disappointing kung magkatuluyan kayo. Besides kasi na hindi malabong bigyan mo siya ng expectations according to your 9 yr old fantasy, he - like most people - will continuosly change over time. Any sign of growth will be threatening for you.

Kaya, ayun, let yourself free from your own perception. Let yourself grow. Let yourself experience love as it is, not as a perfectionist ideal your fantasies make you believe it could be.

We Need to Move on from Romanticsm
 
Last edited:
Nagstalk na ako pero wala masyadong update siya sa social media. Napakalinis ng update halos once a year lang yata. Then, pag lalaki po ako siguro nagconfess na ako noon pa, so ayun po cons ng pagiging filipina.
naalala ko lang ung debate namin nung highschool..wayback 2006..bakit ndi pwede manligaw ung babae sa lalaki...😂...at ayun nga..ang hirap.. society standard...ahmm awkward din..well sakin lang kasi pag ako ginanito. awkward...parang tingin ko sayo defenceless..prone to exploitation...well i dont know the guy but iba kasi pag ang lalaki may tama talaga sayo kasi di nya talaga hahayaan na mgslip away ka lang sa kanya...ang haba din kasi ng panahon walang ganap sa buhay nyo...so either maaawa ako sayo o gagamitin kita...mahirap din kasi epush away kita ...mas mabigat samin pag ganun...so may possibility na sakyan nalang talaga kita..sorry to say this...pero sakin lang naman..i cant say din sa part ni guy ikaw lang talaga nakakaalam...maybe mali ako...sa panahon kasi ngayon daming predator...nasasayangan din ako sayo ....parang kang precious diamond...
 
Thanks for your input. 75% niyan ay nasa thoughts ko na din long time ago pa, sanay lang ako magset-aside ng mga negative thoughts kaya siguro hanggang ngayon ganito pa rin ako. Tulad nga ng comment ni EroKaiLogo baka nga fixated na ako sa Romanticism ng hindi ko namamalayan. Meron pa namang few days para mag isip before reunion. Ang thanks din for the precious diamond part 😁
 
Pasensya na kung KJ, pero against ako sa idea nung "precious diamond". Mejo magkahalong sexism ito saka ung ideya ng making ourselves commodity when it comes to dating.

Sexism siya because it also means na bumababa ang value ng isang babae sa bawat maling relasyon na maexperience nya, while we have different standards for men. When I was dating, I almost exclusively date women with experience, minsan kahit may anak. Their value is based on my experience with them.

Then yung commodity part. Nakakalungkot na meron tayong arbitrary points system sa dating world. Kasi it gives the false sense of insecurity sa mga njsb, at dahil sa pressure yan pa dahilan kung bakit nasstuck sila minsan sa unhealthy na karelasyon. Which we call "predation".

Any way, i am not totally against you taking a chance with this guy. I would actually urge you to interact with him. But with one condition. Mag interact ka din sa iba then ask yourself,
"Is this guy truly that special for me to put him on a pedestal? Or is he a symbol of my resistance to growth?"
The answer to these question might enlighten you.
 
Ganun ba? Pwede ka naman hindi sumunod sa norms or maging unconventional ka na lang na tipong hind mag-conform sa definition ng filipina. Tutal hindi ka naman mamamatay kung hindi ka sumunod sa expected behavior kung ano ang filipina galing sa filipino people. Iyon lang if you do really want to be free na tipong hawak mo ang buong mundo kung saan nagagawa ang gusto based sa nararamdaman mo as long as hindi ka makakasakit ng tao.

Ang consequence lang ay meron magki-cricriticize na tipong meron negative reaction. Okay lang iyon. We need to be tough lang pero ibang usapan na iyon kung meron ng death threat. Kapag ganun kase, it seems na sinusuppress tayo mga babae kung ano ang gusto natin gawin in life. Yung negative reaction nga ay malala nga, ano pa kaya ang death threat.

Risk po siya. Ikaw, kung saan ka masaya, doon ka pero bawat disisyon, meron kaakibat iyan ng consequence. Tanggapin na lang ang consequence na mararanasan dahil its your choice.

Iyon lang. Basta kung saan ka masaya, doon ka.

Meron kase na suppress ang feelings na okay lang na hindi happy basta importante ay nanatili siya sa expectation ng mga tao. Hmm. Parang hindi siya mabuti dahil parang humihingi ng approval sa mga tao ang mismong nagkikimkim ng damdamin dahil iyon lang ang gusto ng mga tao kahit hindi na masaya at hindi na healthy.

Ika nga, let not society define us.​
Yung sasabihin ng society maliit lang yung worries ko dun.. Yung pake ko kasi nakaprioritize sa family ko noon emotionally and financially. We are a family of 13 kasi and I am the eldest even though my father is the breadwinner, I am his major financial support system dati. Pero now na marami na kami as financial support and maturee na rin sila, ngayon nalang din ako nagiging aggressive when it comes to understanding my own feelings and also making an action. So as of now yung pinakaworries ko talaga ay kung ano ba ang magiging projection nung taong yun sakin. Hirap paps
 
Ako. Dati-rati , ganyan ako. Yung tipong nagkikimkim ng damdamin. Babae ako pero alam ko ang feeling ng "suppressed". Alam ko ang feeling na walang ginagawa. Alam ko ang feeling na nakatalukbong sa "ideology" or "beliefs" na kinakailangan mag-adhere ako sa social standard "rules" para acceptable ako sa "expected behavior as a woman" na galing sa filipino people as a whole. But to be honest , hindi siya healthy for me. Ewan ko lang sa ibang tao. Alam niyo ang tipong limited beliefs na tipong meron tayong gusto gawin pero hindi magawa dahil pini-prevent tayo ng mga tao from our environment kung ano ang karapat-dapat na "expected behavior" na gawin para favorable sa tao na nakakakita?

Hindi natin ma-euunleash kung "ano" at "kung" sino tayo as a whole. Sabi nga ni Emma Watson na isang feminist na "if we stop defining each other by what we are not and start defining by who we are , all of us will be free - kung baga na kapag sumusunod tayo sa mga tao kung ano ang dini-define sa atin , hindi tayo magiging free. Magiging free lang tayo kapag dinifine natin ang ating sarili kung ano at kung sino tayo.

Ang sunod , ang precious diamond part naman ay one of the "paternal law" na ina-adhere ng mga filipino people dito sa bansang Pilipinas. Ang bansang Pilipinas ay patriarchal culture po siya where moral values or the moral authority is extremely masculine ambiance. Yung moral value na meron masculine ambiance is influence na galing sa religion na ikinagisnan po natin and since abrahamic religion beliefs tayo ay no doubt talaga , since patriarchal religion po siya na malakas ang masculine ambiance at sumasalamin ito sa masculine characteristic as a whole , well , sexist nga talaga siya na katulad na sinabi ni EroKaiLogo. Meron tawag doon... hmmm.... favorable to men. Dagdag , hindi po siya nakakatulong for "both gender" either male or female.

Sa male po ay pressure sa kanila at mataas ang insecurity level kapag nag-eexpect sila too much when it comes to "precious diamond" part po. Una , mahihirapan ang mga lalake na makakuha ng girl because most girl(s) although hindi lahat ng girl(s) ay hindi agad-agaran magtitiwala ang mga babae po sa mga lalake. Iyon na kase ang pina-cultivate sa mentality ng mga babae na ang mga lalake daw kuno ay mahilig sa seks or ang habol lang ay seks o keyso "precious diamond" lang ang habol since we are in a Christian society , hindi ipina-buklat sa atin mga girls pagdating sa sarili natin katawan at hindi rin ipinabuklat sa atin ang seks sa parte ng mga girls. It is a reason why madali magkaroon ng fear or extremely sensitive ang mga girls when it comes sa seks or sa maselan parte ng lalake. Hindi open ang mind po ng karamihan sa mga girls.

Since hindi makakuha ang karamihan na lalake ay diyan umuusbong ang rᴀpe (though maraming factors why nang-rerᴀpe ang lalake ng babae po) because of fear na baka hindi makapag-sexual perform ng matino ang lalake sa babae since expected na karamihan na lalake kuno raw ang mag-sesexual perform sa babae. Kapag "precious diamond" ika nga ay expected iyan na kapag first time , marunong dapat ang lalake diyan which is like I said , pressure sa part po nila dahil society expects na lalake ang magpeperform ng seks sa babae.

And sa babae ay ganoon din and since most women perceived that men are attacker kuno , sabi , e huwag na magtaka ang ilan lalake dito o sa iba-ibang forum o sa iba-ibang lugar na bakit pahirapan nga naman talaga "manligaw" ang lalake sa babae. Siyempre , women think na keyso men daw ang naghahabol lang pagdating sa "precious diamond" na meron sa babae. Pressure sa parte ng babae dahil nakatalukbong sa fear na meron lalake mang-aattack sa kanila , like for example ay rᴀpe or ang habol lang kuno ay ang precious diamond ng babae and pressure sa part ng lalake din because of fear na they do not have any sexual experience and dahil sa pressure , they will look for a woman na magbibigay ng experience sa kanya or mangangailangan siya ng enlighten in seks para makapag-perform ng matino in seks and of course , meron ito matututunan.

Pagdating in relationship , for me , mas malala dahil magsisisihan ang both partner sa bawat isa. Hindi na siya "true love". Kapag ang babae ay naibigay na nito ang precious diamond po then , naghiwalay po sila ng jowa ay sa susunod na kapag meron na lalake na ma-in love sa kanya , either hindi na niya sasagutin ito dahil sa fear na hindi siya tatanggapin ng guy or pwede hindi e-take seriously ng babae ang lalake dahil sa iniisip niya na keyso wala ng precious diamond niya and ang iisipin ng girl na hindi naman siya mamahalin ng lalake kapag wala na ang kanyang precious diamond.

For me , hindi rin ako naniniwala na porke babae ang nag-first move sa lalake ay hindi na "smart" ang babae kung ano man gawin ng lalake na disadvantage sa kanya. Wala naman changes kung ang lalake din ang nag-first move sa babae. Tingnan naman natin ang karamihan post na andito na galing sa lalake , most of them ay nag-cocomplain po ang lalake na ipina-paasa raw sila ng babae and ang iba raw na babae ay ginagawang reserve ang lalake na nagfifi-first move. Meron ibang babae na nagtatake advantage sa lalake din na nag-eexpress ng feeling sa babae na gusto nila and so........ both gender po siya. Walang ipinagkaiba. Nasa each individual iyon kung papaano po magiging smart sa tao nagtatatake advantage sa kanila.

Ngayon kung sasabihin na lalake lang ang pwede mag-confess and babae ay hindi pwede. Isa lang talaga ang ibig sabihin niyan. Sexist talaga ang na peperceived ng tao. Dini-discriminate nito ang tao based on gender.

Worry ako dahil kapag napabuklat ako na hindi sinasadya about feminism and gender equality , ang tingin sa akin ay troll pero yung repetitive sa katagang "bad boy" na nambubogbog ng babae at tipong meron ibang tao na they express na women are not allowed to confess na nakikita ko , hindi lang dito , sa ibang forum - iyon ang acceptable. Mga ilan-ilan beses ko nababasa ang mga iyan.

Pansin ko sa social behavior ng mga tao sa bansang Pilipinas ay nag-aadhere sila sa traditional masculine moral value sa culture na meron sa atin. Iyon ang acceptable na nakikita ko sa forum. Hindi lang naman dito. Kahit sa ibang forum. Kahit nga sa social media platform ay meron.

Ako lang ang non-conformist ata na hindi ko eni-embrace ang ganyan klaseng behavior pagdating sa kung ano ang expectation para sa maraming tao.

Yung sasabihin ng society maliit lang yung worries ko dun.. Yung pake ko kasi nakaprioritize sa family ko noon emotionally and financially. We are a family of 13 kasi and I am the eldest even though my father is the breadwinner, I am his major financial support system dati. Pero now na marami na kami as financial support and maturee na rin sila, ngayon nalang din ako nagiging aggressive when it comes to understanding my own feelings and also making an action. So as of now yung pinakaworries ko talaga ay kung ano ba ang magiging projection nung taong yun sakin. Hirap paps​

Hehehe. Oo nga noh? Hindi ko rin alam kung ano ang magiging projection ng lalake na iyon pero para sa akin , take a risk , katulad ko. Dati. Nagtetake a risk ako. Ngayon ay hindi na. Mas in love ako sa pet cat ko. But taas noo lang kung ayaw niya o meron siyang negative projection na nakikita sa iyo , baka hindi siya worth sa iyo. But kung nag-aalala ka , mas mainam na esarili na lang. Kase kung aamin , dapat wala ng doubt para sa self. Mahirap kapag meron instant regret.​
 
Last edited:
Para sakin paps why not confirm it? Syempre ask mo muna sya kung meron na ba syang partner. I mean kung meron na kasi syang partner at maputol na communication nyo win-win situation pa din para sakin.

Kasi kung single sya at may gusto din sya sayo at pwedeng maging kayo = win
Kung may karelasyon na sya at layuan ka dahil sa pag amin mo = win pa din para sakin.

At least nalinawan ka na. Natanggalan ka na ng tinik at pwede nang mag simula mag move on. Mas madali din kasi maka move on kung icucut off nyo muna yung isat isa kung ganon. Alam ko parang pangit sya pakinggan pero pwede namang cut off muna hangang maging ok na ang lahat kung magka conflict man yung pag amin mo.

Mahirap kasi maghitay at umasa sa wala lods. Mas ok na yung ginawa mo lahat. Kaysa magsisi ka na di ka gumawa ng paraan habang buhay. Kaya mas ok kumilos ka na kasi walang mangyayari kung ikikimkim mo lang lahat ng yan. Sakto pa naman magkaka reunion na kayo pwede kayo mag get together. Catch up sa isat isa.

Pasensya na kung mahaba ts. Yun lang goodluck ts.
 
Thanks for your input. 75% niyan ay nasa thoughts ko na din long time ago pa, sanay lang ako magset-aside ng mga negative thoughts kaya siguro hanggang ngayon ganito pa rin ako. Tulad nga ng comment ni EroKaiLogo baka nga fixated na ako sa Romanticism ng hindi ko namamalayan. Meron pa namang few days para mag isip before reunion. Ang thanks din for the precious diamond part 😁
well nasabi ko lang naman yun kasi bihira na kasi sa panahon ngayon mga ganyang tulad mo na babae...sa sobrang bihira...napupunta pa sa walang kwentanh lalaki...😑

Thanks for your input. 75% niyan ay nasa thoughts ko na din long time ago pa, sanay lang ako magset-aside ng mga negative thoughts kaya siguro hanggang ngayon ganito pa rin ako. Tulad nga ng comment ni EroKaiLogo baka nga fixated na ako sa Romanticism ng hindi ko namamalayan. Meron pa namang few days para mag isip before reunion. Ang thanks din for the precious diamond part 😁
tuloy mo lang din pgsupport sa family mo ts...dadating din para sayo...well enjoy the moment of being single...kaysa maghabol ka baka mapunta ka lang sa bokya...just do ur own thing ts...for sure meron at meron ding lalaking makakapansin sayo...matino ka naman at higit sa lahat masipag at family oriented...Hoping na may makakatagpo kang para sayo..🤟
 
Last edited:
Idaan mo sa biro yung pagtanong mo sa kanya kung in relationship na ba sya para iwas awkward. Halimbawa, "Medyo nauuhaw ako, libre mo nga ako ng softdrinks. Wag na pala baka magalit jowa mo?" Sa gantong flow ng convo malalaman mo kung in-relationship yung tao. Pag meron syang jowa cut off na mahirap maging third party
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top