What's new

I feel cheated

Chastity

Addict
Joined
Dec 14, 2015
Posts
13
Reaction
21
Points
66
Sorry need ko lang ilabas to. wala din kasi ako makausap na iba.

Meron kasi akong girlfriend at nagsasama na kame. as in may sarili ng bahay.
Last wednesday sabi nya di daw muna sya makakauwi ng saturday kasi tutulong sya mag linis sa boarding house nila. (Nagboboard kasi sya kasi sa malayo sya nagwowork at weekend lang sya umuuwi samin.)

Then eto na nga, Nung saturday ang akala ko pumasok sya sa work at gabi na din kasi talaga sya nakakauwi. Nung 10:30 pm na bigla nya napindot yung vcall ng di sadya tapos ang nasa background nasa kotse sya at may nagsasalitang lalake. tapos nung nakita nya yung cp nya bigla nya pinatay yung tawag. So di naman ako naghinala nun kasi akala ko nalate lang sya ng uwi at nag grab nalang sya. after nun di na sya nakareply. Out of curiosity inopen ko yung fb nya then nakita ko nag chat yung kaboardmate nya tinatanong kung bukas pa daw sya uuwi kasi ilolock na nila yung pinto, ang reply nya ay OO.

Kinabukasan nagchat sya sakin nagsosorry ang sabi nya nakatulog na daw sya kagabi kaya di na sya nakareply.
then tinanong ko sya kung what time na sya nakauwi kagabi at gabi na nasa labas pa sya nung napindot nya yung call.
ang sinabi nya saken. Lumabas lang daw sya kasi kinuha nya yung sinampay. then kinompronta ko na bakit nasa kotse sya disoras na ng gabi. Di na sya nag reply about sa issue. mga hapon nagchat pero di nya sinagot yung tanong ko. tapos di na sya nagreply ulit.
ang ineexpect ko is aamin na sya kasi binibigyan ko pa sya ng benifit of the doubt. Pero buong hapon hanggang kinabukasan di sya nag chat.
inopen ko ulit ang fb account nya. at nakita ko sa login session na nasa batanggas pala sya. I posted "nice." sa fb ko para malaman nya na nag hinala nako.

Monday inamin na nya na di daw talaga sya pumasok ng saturday at gumala sila, tinatanong nya kung hihiwalayan ko daw ba sya kasi nag sinungaling sya.
tinanong ko kung bat sya nag sinungaling at sino ang kasama nya at kung saan sila nagpunta. Di na nya sinagot yung tanong hanggang ngayon.

Di ko na alam ang gagawin ko. Kung anong desisyon ba, sorry
 
Last edited:
hirap ng situation mo tol. possible may kasamang "other guy" pero wait mo padin magexplain.pero yung fact na di agad sya sumagot eh magiisip pa ng idadahilan yan sayo and kakausapin nya pa ung ibang kasama nya sa gala nya para same sila ng kwento. ayoko gatungan nararamdaman mo pero parang ganon nadin eh
 
Di ko alam napaparanoid na ko.
binura nya na din mga chat ng kaboardmate nya.
hindi familiar sakin yung boses ng lalaki na nagsalita non. Kasi nakilala ko na mga kaofficemate nya.
at wala sa mga kaofficemate nya na kilala ko ang may post o update na gumala sila.
 
if deleted chats marerecover yn sa fb.com/dyi as long as alam mo password nya pero abang abang mo kasi nagnonotify un sa account mismo. lht any info na since nacreate si fb account is kaya irecover even videos and photos.
 
possible din ba na may other fb account sya. kase walang chat sa kanya about dun sa gala. meeting place or kung what time. kaya di ko malaman talaga kung sino kasama nya. or baka sa text or other platform sila nag uusap. ewan ko di ko na alam. 3 days na ko di nakakatulog ng maayos. We've been together for 7 years. Di ko alam kung bat sya nag sinungaling sakin. at bat need pa itago. Di ko sya pinaghihigpitan. Okay lang sakin kung gumala sya kahit sino pa ang kasama nya basta mag sabi lang sya. Di ko alam kung anong rason para magsinungaling.
 
Mahirap nga ito lods
Hmm, ang iniisip ko sana ma try niyo na maging kalmado para mas mag open up siya about the issue
Baka nag di drift apart na kayo kaya naghahanap siya ng iba
Or baka naman gala lang (sana yun lang)

Baka pwede mong sabihin na be honest, no conserquences, no judgement
Sana i work out niyo pa kasi mahirap makahanap ng ka compatible sa buhay

Basta anuman gagawin niyo lods, huwag padalos dalos
I try maging kalma, wag masyado emosyonal at sana mag open up naman si GF niyo
I comfort niyo na lang para malaman ano bang nararamdaman niya
Sana maibalik yung dati ninyo, good luck...
 
Mahirap nga ito lods
Hmm, ang iniisip ko sana ma try niyo na maging kalmado para mas mag open up siya about the issue
Baka nag di drift apart na kayo kaya naghahanap siya ng iba
Or baka naman gala lang (sana yun lang)

Baka pwede mong sabihin na be honest, no conserquences, no judgement
Sana i work out niyo pa kasi mahirap makahanap ng ka compatible sa buhay

Basta anuman gagawin niyo lods, huwag padalos dalos
I try maging kalma, wag masyado emosyonal at sana mag open up naman si GF niyo
I comfort niyo na lang para malaman ano bang nararamdaman niya
Sana maibalik yung dati ninyo, good luck...
Sobrang kalmado ko, Wala akong binanggit na kahit anong masakit na salita. Basta tinanong ko lang sya kung bat sya nag sinungaling sakin. Di nya talaga masagot. Napakasakit lang. Nagceleb pa kami ng bday nya kasama last week kasama ng family side ko. Wala kaming ibang issue or pinagawayan.
Bakit di nya maamin. bat di nya masagot ng diretso. hays. pasensya na
 
Base sa mga sinabi mo lods mukhang 85% chance meron ngang other guy.. the fact that tinanong ka nya kung hihiwalayan mo siya at yung pag ignore niya sa mga tanong mo.. mukhang ready din siya.
 
ready na sya na hiwalayan mo sya dun palang sa tanong nya na kung hihiwalayan mo sya dahil nagsisiningaling sya sau handa na yan, masaya na sya sa iba lodibels

wala kase sa haba ng pagsasama yan madaming demonyong chuchu sa isipan ng tao
 
I feel you ts, may 2nd account yan, then parang hinihintay ka lang nya bumitaw. dpat sa mga babae na nagdedelete ng mga convo ng mga ka chat nila, sana prangkahin nalang nila mga lover nila hindi yung itatago nila at the end of the day magiging sila din eh, sorry napashare lang 😆
 
hmmm fishy nga yan ts. solusyon jan magusap kayo kung ano ang problema. Kung meron nga syang iba mas maigi maghiwalay na kayo at habang buhay ka magdududa sa kanya dahil wala ka ng tiwala. Pero pag wala naman ayusin nyo baka meron lang kayo di pagkakaunawaan.
 
Red Flag 🇨🇳

You have every right na mag hinala and you deserve some explanations. May sarili na kayung bahay moslikely live in partner na kayu.

How bout while eating dinner mag usap kayu ng maayus ask her frankly direct to the point. Cause for me not totally 100% pero madami talagang red flag eh.

Just my 10cents lang naman. Good luck and Godbless.
 
Did she even apologize lods?
yun na nga puro sorry lang. pero di pa din masagot yung tinatanong ko. di sya nageexplain. Inamin nya lang na nagsinungaling sya dahil nahuli ko na sya. pero yung rason wala pa din. Ni hindi manlang nag chat sakin ng buong araw. nakakalungkot lang.
 
Pag nakilala mo yung lalaki na magiging hadlang sa relasyon niyo, masasabi ko lang na yun ang kausapin mo hindi mismo yung babae. Why? Dahil kapwa lalaki mo yun at mas masasabihan siya pero syempre wala dapat o hindi kasama yung babaeng minamahal mo, take a plan to do that. Hindi pa naman masyadong huli ang lahat para sumuko ka. Mas mataas tsansa na gumana yan kaysa yung babae talaga yung kausapin mo lalong-lalo na tumatanggi na magsabi na sayo nang totoo. Take a proof also para magamit mo sa lalaki at mas maniwala siya, prangkahin mo at kausapin mo rin.
Kung mataas kutob mo na ginaganun ka na ng GF mo, red flag na yun kaya gumawa ka na ng paraan at madami yan:
1. Pwede mong iwanan (mas masakit na paraan pero mainam rin kasi GF mo palang yan, balewala ang bahay o kahit anong gamit na yan e pwede niyo naman pag-usapan yan pagkatapos ng hiwalayan. At isa pa GF mo lang siya, di pa kayo kasal at maaring madami pa yung hakbang na dadaanan niyo, okay pa sana kung kasal na kayo kaso di pa e unless magpapakamartir ka.
2. Buntisin mo. (sounds like a joke but if you are now ready to take responsibilities, then do it. Pag nangyari yan baka magfofocus yung GF mo sa potensyal na magiging anak niyo at yung lalaki na yun baka huminto na kasi alam mo na...na buntis yung babaeng gusto mo makasama habang buhay. Syempre pakasal parin kayo dahil mas magiging matatag yan at medyo mababawalan siya na gumawa ng kung ano-ano dahil pwede mo siyang kasuhan at magiging alas mo yun laban sa kanya.)
3. Play the game. (bit tricky and the success rate might be tricky too, depends on your psychological power/trick. Gumagawa na nga siya ng red flags edi sabayan mo, sa totoo lang naman e nagmamahal lang naman tayo diba at bigla nalang gaganyanin tayo. Daming uri ng manipulasyon at pwede mo yun magamit baka makonsyensya siya sa mga ginagawa niya at mapipilitang huminto nalang at humingi ng tawad sayo.)
4. Make yourself a martyr. (low success on early period but gaining succession rate overtime. Sinasabi ko dito tiis ka lang dahil mahal na mahal mo siya at ayaw mo ibasura nalang yung mga oras, araw at taon na magkasama kayo, magpapakatanga ka at baka isang araw ma-realized niya rin na mali yung ginagawa niya at binabalewala niya yung efforts mo kung saan siya lang yung nakakabenefit ng relasyon niyo kaya baka hihinto siya pag nagkataon.)
5. Kung may parents siya, isumbong mo na ganyan ugali niya. (mas mainam pag close ka ng family niya kilalang-kilala ka. Magiging tulay sila para ayusin yung relasyon niyo at mag-umpisa ulit.)
6. Change your personality/attitude. (baka nasasakal sila o hindi nabibigay yung bagay na gusto nila o baka dahil sobrang seryoso mo, kung pwede palitan mo yan kahit konti lang. Entertain mo siya lalong-lalo na pandemic pa sa ngayon at nastress lang yung GF mo dahil nga diba nagtatrabaho rin kayo. Sa ugali naman depende rin kasi yan minsan e. May diyan na kung mahal ka, tatanggapin ka kahit anong meron ka pero tama rin na magbago ka para sa ikakabuti kaya still 50-50 sa ugali.
7. Magcheat ka rin. LMAO (one of the fvckboys technique malay natin baka umubra lalong-lalo na mas maganda pala yung ginagamit mo lang. Pero syempre ayaw naman natin madungisan yung kamay natin ng pagiging ganyan diba kaya yung choice na ito depende parin sayo.

7 na pagpipilian yan, ikaw na bahala kung ano yung pipiliin mo, may tatlo pa sana kaso nangangawit na kamay ko sa pagtatype LMAO. Goodluck sir sana makatulong. Highly appreciated to have a feedbacks.
 
Base sa mga sinabi mo lods mukhang 85% chance meron ngang other guy.. the fact that tinanong ka nya kung hihiwalayan mo siya at yung pag ignore niya sa mga tanong mo.. mukhang ready din siya.
Not just 85%, may sinabi rin yung TS na binubura yung mga convo which is more suspicious. Bakit naman buburahin yung convo na yun, hindi ba pwedeng sabihan lang kung ano talaga yun? Maiintindihan naman ni TS kung pinaliwanag pero baka nadala ng kaba yung babae kaya yun ang mas matimbang na ginawa.
 
Back
Top