What's new

Poems Huwag Pilitin

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
17,973
Solutions
6
Reaction
39,620
Kung ayaw na sayo ng isang tao,
wag mo nang pilitin,
at mas lalong huwag mong kulitin,
the more na kinukulit mo,
the more na lumalayo sila sayo.

Wala naman sanang sapilitan,
kung sayo 'y ayaw nyang makipagkwentuhan,
kunting respeto lang kung tunay
ka talagang kaibigan.

May kaibigan bang ganyan?
pilit na binabago sarili mo,
yung tipong gustong alamin
lahat na lang ng pangyayari sa buhay mo?
matuto naman sanang makuntento at least pinapansin ka minsan diba?

Matuto kang mag let go,
matuto kang umintindi sa ibang tao,
Wag kang masyado selfish para lang
sa ikakasaya mo at sarili mo.

Huwag mo din ugaliing maging
mapanlinlang at patuloy na nagtatago
sa iyong anino,
subukan mo kayang magpakatotoo dito.

Di ako basta² nang iiwan ng kaibigan,
pero sa puntong sobra na sa kahibangan
parang nasobrahan din ata sa katalinuhan,
parang nakakawalang gana tuloy kapag ganyan,
mas pipiliin ko pang kalimutan mo na lang.

Hindi ko kailangan ng madaming suporta,
sapat na yung iilan at least hindi pilit
at di naghahanap ng kapalit.

Dahil sa bawat minuto ,
maaring magbago ang isang tao,
lalong lalo na kung sa simula pa lang
ikay may tinatagong anyo.
Minsan,may harang ang bawat tagpo
at may hangganan ang bawat kwento.










~Professora Akira~❤️
 

Lelouch Lamperouge

🥱 Antukin 🥱
Contributor
good morning sabado po.. Thank you for sharing this... ganito ako noon,, ganito parin ngayon haahhahhah

prof, permission to photo grab this to share also to my friends sa gc namin , ang ganda lang kasi ng teksto at mga punto nito.. may aral akong napulot ...
 

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
good morning sabado po.. Thank you for sharing this... ganito ako noon,, ganito parin ngayon haahhahhah

prof, permission to photo grab this to share also to my friends sa gc namin , ang ganda lang kasi ng teksto at mga punto nito.. may aral akong napulot ...
sure why not,ang hirap kasi sa iba uhaw sa atensyon,kahit napansin na magdedemand pa ng sobra sobra,i hate those kind of people sinasagad pasensya ko.
 

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
Akala ko about sa magkasintahan sa unang paragraph, para sa magkaibigan pala hahaa.
Ang ganda lods.
Yung mga kaibigan ko kasi kabaliktaran ng tula mo hahaha,
hehe thanks,iba iba talaga uri ng friends na makakasalamuha mo,minsan need mo mag adjust minsan sila naman nag a adjust sayo
 
Top