What's new

Poems Huwag naman Sana

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,948
Solutions
6
Reaction
66,387
Points
16,629
Sana ay huwag mo naman akong iwasan,
sapagkat tuluyan lang masasaktan,
Huwag mo sanang ipagkait sa akin
ang pinangarap na atensyon na sayo lang nakakamit,
Natatakot akong isang araw ika'y lumisan
at ako ay iyong iwasan,
Sabihin mo lang kung sawa ka na
at isang araw magkagusto ka na sa iba,
Kapag ikaw sa akin ay nag iba na
at tila pag ibig ay unti unting nawawala,
pakisabihan na lang ako na itigil na natin ito,
Kapag dumating sa punto na wala na akong
puwang sa iyong puso,
sabiha mo lang ako,
lahat ay tatanggapin ko ,
basta para sa kaligayan mo,
Minsan kasi ang akala natin puso'y
di na bibitaw sa mga sinumpaang pangako,
Bagamat sa likod ng mga pangakong ito,
may pagkakataong napapako,at
lahat ay nagbabago,
mga pangako na unti unting tatangayin ng
hangin,
at mga sumpang mananatili na lang
ala ala ang lahat sa atin,
Sana huwag humantong sa puntong
huli na ang lahat,
na ang tanging nagpapasaya sayo ay iba na
at iba na ang nagnamay ari ng iyong puso,
Kaya habang nandito ka pa,
habang tayo pang dalawa,
susulitin ko ang bawat oras at ilaan
mo din sana sakin ang atensyon na tanging sayo ko
lang pinapangarap,
Lahat ng nilalaman ng pusong ito ,
ipinadama ko na sayo ,
Hinding hindi magdadalawang isip
na ika'y mahalin
at tanging ikaw lang ang iibigin at pipiliin.






❤️~Professora Akira ~❤️
 
Last edited:
Wow ganda naman ng mga nakapaloob na salita nakakaiyak 🤧
1645624483029.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top