What's new

Huwag mong Sakalin,Bagkus ay Mahalin

Professora Akira

☯️SõüLNïnëtāiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
17,946
Solutions
6
Reaction
39,537
"Kung Malaya lang ako,"
oh dapat ko bang sabihing pinalaya mo na ba ang iyong sarili sa iyong kahapon?
Ba't mo pa patuloy na iniisip ang nakaraan mo?
Yung nakaraang nagbigay lang ng sakit sa puso mo,
Kaya dapat ang lagi mong tatandaan,
Na bago mo buksan uli ang iyong puso sa isang tao,
Dapat kompleto ka muna sa sarili mo,
Dahil kapag yang taong yan,iniwan ka,
walang mawawala sa iyo,
Dahil kompleto ka na
bago pa man sya dumating,sa buhay mo.
Kaya nga minsa maraming taong nagiging insecure
sa isang relasyon,
yung dapat alam mo lahat
ng password ng account nya,
yung alam mo saan sya pumupunta ,sino mga kasama niya,anong ginagawa nya,
Dahil siguro binuksan mo yung puso mo ng
hindi ka pa kompleto,
O binuksan mo kaagad yung puso mo ng hindi
pa ito tuluyang nakalaya sa nakaraan mo ,
Nasaktan ka noon,just be grateful for what happened,
Hindi ibig sabihin na nangyari yan nuon sa nakaraan
ay mauulit pa rin ngayon,
Nagiging bilanggo ka ng iyong nakaraan kapag ganun,
Mas maigi na palayain mo ang iyong sarili
sa nakaraan,
and cherish your time sa kasalukuyan,
Dapat mong tandaan,wag mo syang sakalin,
dapat mo syang mahalin.







-excerpt & paraphrase from WildFm-
 
Top