What's new

Humanitarian versus Power

WhatMV

Established
Joined
Feb 11, 2021
Posts
670
Reaction
215
Age
23
Halimbawa Tatay ko si Marcos na nagdeklara ng Martial Law at mala-Hitler ang pagtingin sa kanya dahil sa turo ng mga libro, lalong lalo na dahil sa kagagawan ng Liberal Party na kagagawan niya, makakaporma kaya ako sa Senado at mabibigyan kaya ako ng kapangyarihan sa gobyerno kung ang humahawak ng pinakamataas na puwesto ay miyembro ng Liberal Party? Mayroong pulitiko kaya na magririsk ng kanyang pangalan para makipagkaibigan sa akin, lalo na at puno ng controversy ang family history ko. Mapapatunayan ko kaya ang sarili ko sa gobyerno kung gobyerno mismo ang nagmamasama sa akin?



Merriam Defensor Santiago, siya ang tunay na dapat nag Presidente ng Pilipinas. Nominated sa International Criminal Court, advance ang platform, at pinaghandaan lahat ng problema. Hindi tulad ni Marcos, wala siyang controversial na track record. Excellent ang kanyang records lalong lalo na sa academics. In fact, para sa akin, siya ang pinakamatalinong naging Senador sa buong South East Asia. Professor siya sa ibang bansa, at kinukuha pa siya upang magsilbi sa ibang bansa sa napakataas na puwesto. Ngunit, sa kabila ng mga magagandang offers sa kanya, pinili pa rin niyang pagsilbihan ang inang bayan, lalo na at pangarap niyang maging Presidente. Ngunit wala siyang kakampi sa gobyerno. Ayaw niya sa kurap. Marami siyang naipakulong, maraming tinuru-an ng leksyon sa loob ng Senado. Ngunit wala siyang kakampi. Pandemic? Walang preparations kaya maraming namatay? Siya ay nagpasa ng resolution upang paghandaan ito, ngunit walang may kumampi sa kanya. West Philippine Sea? Isa siya sa mga aktibong nakikipag-usap sa kanyang mga katrabaho para dito, ngunit hindi siya gaanong pinakikinggan. Nung nagtatayo na ang Tsina ng military facility, pinag-iisipan niya ang maaaring dumating na digmaan. Lahat ng Pilipino iniisip din ito kaya nung bumanat si Duterte sa kanyang mga kampanya ay nabighani ang maraming tao sa katapangan niya.

Si Santiago ay kumandidato sa pagkapangulo kahit na may sakit ito. Vice President niya si Marcos. Why such an intelligent and talented individual like Defensor Santiago choose Marcos? She know na kung mamatay siya si Marcos ang papalit. To tell the truth, wala akong masyadong gusto sa lahat ng naging kandidato noon kundi si Santiago. Kahit nga si Duterte ay rumirespeto sa kanya kahit na sa mga debate. Ganun ang antas ng level ni Santiago.

Isa sa mga prediksyon niya ang mga nangyayari ngayon dito sa Pilipinas. Sabi ni Santiago, Si Robredo at si Marcos ang magiging mahigpit na magkalaban sa halalan pagka-bise Presidente. (At ngayon, pagka-Presidente). Ang lahat ng takbo ng ipinaglalaban ni Leni na magagamit niyang atake sa mga kalaban niya ay "humanitarians" maski Kay Duterte. Ito ang kanyang magiging sandata, dahil lahat ng kanyang maaaring gawin ay maaari ring gawin ng ibang kandidato. (Totoo naman, see Isko at Lacson, qualified din sila.) Sabi din ni Santiago naman tungkol kay Marcos, ang magiging tulak ng kanyang mga salita ay ang pagpapalakas sa bayan at ang pag-bubuklod buklod nito. Ito ang magiging pure na salita niya dahil sa history ng Tatay niya.



Kung ikaw ay sumusubaybay sa pulitika, makikita mo ito sa isang interview kay Santiago. Sa mga kuha sa korte ay magpapakita kung gaano kagaling si Santiago. Medyo, wala akong oras para hanapin ang source nito sa YT pero sure ako na mahahanap mo ito kung sakaling interesado kang hanapin.
 
Top