What's new

Trivia Human Urine as Fertilizer - Ihi ng tao gamitin natin pataba sa halaman (Para sa mga Open-minded lang)

Bleacher_07

Elite
Joined
May 22, 2017
Posts
790
Reaction
6,198
DISCLAIMER
Para sa mga open-minded lang po ito at nagtitipid. Kung nandidiri ka wag niyo na po ipagpatuloy ang pagbabasa.


Mahilig po ako magtanim at nasubukan ko na lahat ng klase ng pataba mula synthetic hanggang organic. At ang result eh ihi ang the best na pataba para sa halaman. Mabilis makapagpalaki ng halaman at malakas makapagpabulaklak at makapagpabunga. Lalo na kung may tanim ka na calamansi, papaya, lemon, sili, at lahat ng namumungang puno eh hitik na hitik ang bunga pag ginamitan niyo nito. Kelangan lang ng dilution or haluan ng tubig para hindi mamatay ang tanim. Ang mixture ratio ay 1:5. 1 part urine 5 parts water. Kunyari 1 liter ng ihi, hahaluan ng 5 liters water. Application ay through drenching lang or un lupa lang ang didiligan, wag ang dahon. Apply once a week. Wag sana ibash ng makikitid ang utak dahil maging sa ibang bansa ay ginagawa ito. Mas matindi pa dun sa ibang bansa dahil pati tae ng tao ginagamit nilang pataba pero di na kaya ng powers ko gawin un :LOL:
Yun lang thanks.
 
Maganda itong alternative sa urea kung hindi ka maselan sa amoy. Magfacemask na lang para hindi malanghap ang panghi ng ihi.

Maganda ring alternative e 'yung tubig na binanlawan matapos maglaba. Mas masabon mas maganda.
 
pag nahaluan na ng tubig eh mawawala na ang amoy. Pampabulaklak at pampabunga din itong diluted ihi. Urea eh pampadahon at pampatangkad lang dahil nitrogen lang un
 

Ward0827

Established
haha tinary ko to dati nung bata aun nag simatayan ung halaman nila haha di nila alam nila iniihian ko ung halaman.

** pure ihi
 

minabits

Established
woah, hindi ko alam ‘to hahaha sasabihin ko ito sa mother ko since mahilig siya magtanim, anyway thank you ts for sharing!! ╰(´︶`)╯
 

LeeYael29

Grasshopper
Legit to. Ung tita ko pinandidilig ung ihi ng baby namin dito. Mas lumago ung mga tanim namin. Sabihan ko sya na haluan ng tubig.
 

Popular On This Forum

New Topics

Online statistics

Members online
1,325
Guests online
1,227
Total visitors
2,552

Forum statistics

Threads
1,230,933
Posts
21,620,346
Members
1,615,495
Attachments
1,734,014
Profile posts
100,276
Top