What's new

How to quit sa paninigarilyo?

Najida

Eternal Poster
Established
Ask ko lang if meron po ba ditong mga dating naninigarilyo? Paano nyo ba nahinto ? natural way sana Any tips and tricks paano mahihinto .Naninigarilyo kasi since high school days ko pa mga 14 yrs old ata ako nagstart hanggang sa nag college ako mas naging malala pa tapos nagwork ako medyo nag nabawasan ng kaunti pero andon parin di ko kaya di manigarilyo sa isang araw bago maligo , habang nasa CR gustong gusto ko na alisin kaso everytime na stressed ako di ko maiwasan na hindi mag yosi .Gusto ko sana tangalin nato kaso ang hirap hirap 😥
 
Smoker din ako lods simula 10 years old ako nag simula matuto mag yose dahil inuutusan ako lage pabili yose tapus pasindihan pagdating sa nag utos kalahati na yung yose🤣 mahirap tumigil sa bisyo nato. At the age of 34 nahinto ko nung mid nang january 2019 nung pag start nang covid. Well di ako takot sa covid pero wala na talaga akong pambili humihingi na ako kay mama. Huminto ako kasi wala na ako pambili at di na ako binigyan ni mama at wala na ako mahingi-an..Sa maniwala ka o hindi lods ang ginawa ko diseplina lang talaga walang candy o anuman substitute talagang tinigil ko lang.pagkatapos kumain grabe ang sarap e yose nagtu-tubig ang bibig ko sarap talaga e yose pero tiniis ko..diseplina lang talaga mahirap sa una pero nagawa ko..1 year pa lang since tumigil ako mag yose.diseplina lang talaga lods
 
finally, I'm c1g4r3tte free pero hindi smoke free, bale shift lang ako sa vap3
so mahigit na 2 months ako walang yosi
though not sure din naman kung totally safe nga si vap3 pero sure naman ako mas clean sya kesa yosi
mas matipid pa

anyone here na nahihirapan pa rin itigil ang yosi dahil wala disiplina? subukan nyo rin mag vap3, sa una lang naman kayo gagastos dahil kelangan nyo nung kit at ejuice, go for MTL not DL
 
After becoming severely dehydrated to v ape, nagkaroon ng red spot sa mouth ko at naging dark spot kinalaunan. Luckily nawala rin yun dark spot. Doon ko nalaman na pwede mag cause ng mouth cancer ang v ape. I have been v aping for 5 years hindi ko inaasahan na hihinto ako. Last juice ko ay 12 mg.

I tried nicorette gum. I bought 2 packs. I only consumed 1 pack, and another 5 gums. Nabili ko lang sa southstar at watsons for 200+. Each pack contains 15 nicotine gums.

I don't smoke for 1 month now. I lost the urge. There is no nicotine in my body. Dinadaan ko nalang sa candy, pagnguya ng bubble gum at pagkain ng ice candy.

Dati chain smoker ako c igarette or v ape. Ngayon wala na. After kumain ay mag candy ako. Hindi na rin ako umiinom ng kape. Puro gatas nalang. Wala na rin alak. Wala na lahat pero may candy at bubble gum ako.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top