What's new

How to quit sa paninigarilyo?

Najida

Eternal Poster
Established
Ask ko lang if meron po ba ditong mga dating naninigarilyo? Paano nyo ba nahinto ? natural way sana Any tips and tricks paano mahihinto .Naninigarilyo kasi since high school days ko pa mga 14 yrs old ata ako nagstart hanggang sa nag college ako mas naging malala pa tapos nagwork ako medyo nag nabawasan ng kaunti pero andon parin di ko kaya di manigarilyo sa isang araw bago maligo , habang nasa CR gustong gusto ko na alisin kaso everytime na stressed ako di ko maiwasan na hindi mag yosi .Gusto ko sana tangalin nato kaso ang hirap hirap 😥
 
may nicotin kase yan parang nkaka addict nadin pag tumagal.
baon ka lagi ng candy, tas pag gusto mong mag yosi salpak mo agad dlawang candy sa bibig mo.
smoker ako nun pero 1 yr lng tinigil kuna candy lang nagpatigil saken tsaka ice tubig ...
goodluck n simulan muna agad ngayon wag ipapabukas
 
Try mo libangin sarili mo ts. Kain ka na din palagi ng candy, tatay ko naman naninigarilyo din nung sinabi ng doctor itigil nya na paninigarilyo kasi baka maging sanhi pa ito ng kamatayan nya ayun napatigil sya.
 
since first year hs. hanggang 4th year college ako chain smoker. naka stop ako last 2019 one way maka stop is make yourself busy isa yun para ma divert yung attention mo sa iba ang di sa paninigarilyo mahirap yan tol pero possible. Another way is mag isip ka at tingnan mo sarili mo after how many years kung gusto mo ba na maging disabled ka due to ******* or dedo na or gusto mo maging healthy ulet. Sa totoo lang after ko nag stop mag smoke marami sakit dumapo sa akin isa na yung hirap huminga natural yan pag huminto ka smoke. imagine bro kung mas matagal ka pa sa akin titigil mag smoke tapos chain smoker ka pa. imagine mo ano na istura nang lungs mo. Tigil na smoke habang maaga pa
 
watching thread, gusto ko na rin mag-quit nuon pa kaso wala ako will power, mahina ang determinasyon at walang disiplina sa sarili kaya di ko magawa
baka meron dito kapupulutan ko ng inspiration para makapag-quit nga, kahit asawa ko eh kulang maging inspirasyon
 
Sa mga chainsmoker jan Alam ko mahirap tumigil almost 10 years na din ako chainsmoker hanggang sa nagawa kong itigil. mas maganda mas maaga tumigil mga tol after ko tumigil mag smoke nun nagkasakit ako fever yun for 1 week tapos long term na illness shortness of breath tapos masakit ang likod. kung lagpas 10 years na kayo chainsmoker tigil nyo na yan asap kung gusto nyo pa mabuhay matagal.
 
pero bilib padin ako sa lolo ko lods naabot nya age 70 plus kahit araw2 yun nag smosmoke at ginagawang kape ang RH, nag boboxing pa yun nung kabataan nya haha
kaso nung nag lockdown nung di sya naarawan tsaka sya pumanaw, sad kame lahat palabiro kase yun.
sori sa kwento napahaba hahaha
share ku lang...
 
[XX='Carlo Rosi, c: 792733, m: 1165881'][/XX] totoo naman, di na ako kaya pigilan ng asawa ko, 35 long years na ako nagyo-yosi, kita ni misis kung paano ako mag-struggle sa pagpipilit tumigil mag-smoke, the real problem is "gusto ko mag-smoke kahit alam ko na dapat na tigilan" kaya di man lang ako maka-attempt mag-stablish ng solid base time na mag-quit, sabi ko nga sa kanya... maka 24hrs lang talaga ako na walang smoke itutuloy-tuloy ko na, kaso yun lang 2 hours na pag-crave ko di ko na agad kayahin
 
I suggest make your self busy from time to time na gusto mong mag yosi or kung di talaga mapigilan paunti unti mo itigil, kung nakakailan kaman kada araw babawasan mo yon paisaisa or dalawa. The cause of s*m*o*k*i*n*g addiction is due to nicotine thats is present in tabacco, Meron tayong brain chemicals na tinatawag na dopamine, naactivate siya once na tayo ay nag yosi ang dopamine ay nakakapag bigay satin ng relief o kaluwagan. Once na tumigil ka hahanap hanapin yan ng katawan mo. C*ig*are*tte has 4,800 chemicals and 60 of it is harmful to us it can cause cancer and any other diseases. Tandaan hindi lang ikaw ang pwedeng mag kasakit pati narin ang mga taong nasapaligid mo na nakakalanghap ng smoke kasama na diyan ang family mo at sa pagkakaalam ko sa mga matagal na nag yoyosi 5 years or mahigit bago makarecover ang body mo. So it's not too late to stop s*m*o*k*i*n*g you must stop it for the sake of your self and your loveones.
note: I'm not too sure about other information because that is just base on what i've read.
 
Last edited:
wala yan sa kung anong meron ka disiplina is the key, water water or candy, lam ko naman sobrang nakaka adik yosi pero ako since grade 6 to 3yr college pero ngayon nahinto nako sa yosi sana kayo din.
 

Similar threads

Back
Top