What's new

Tutorial HOW TO OPENLINE A SAMSUNG PHONE?

PHC-Balderama

Forum Guru
Joined
Feb 26, 2021
Posts
522
Reaction
6,611
Points
1,749
DO AT YOUR OWN RISK!

Note : Kung gagawin mo 'to, kailangan basahin mo ng maayos ang tutorial na ito para wala ka maging problema. At gaya ng sabi ko sa itaas, do at your own risk. Kung magkaroon man ng problema ang iyong cellphone, wala na ako pananagutan dyan dahil ako ay nagbigay kaalaman lang. Okay ba madlang pipol?​

TUTORIAL
Requirements :
  • Samsung phone na naka-network locked (mostly phone na galing sa plan, smart o globe, or galing sa ibang bansa)​
  • Internet Connection​
  • Utak​
  • Lakas ng loob!​
  • Backup Data (Files mo sa phone dapat may backup ka)​
Procedures :

  1. Una, kailangan mo muna mag backup ng lahat ng data/files sa phone mo. Pwede mo ilagay sa sd card, flash drive, hard drive, laptop, bahala ka kung saan ka masaya.
  2. Sunod, kailangan mo rin muna i-logout ang iyong gmail account sa iyong Samsung phone para hindi ka mahirapan mag login ng gmail account mo kapag nag wipe data tayo mamaya.
  3. Punta ka sa phone dialer ng phone mo, dial mo dun *#06# para makuha mo yung IMEI ng phone mo. Naka depende kung alin sim slot ang naka locked sa phone mo. Sa iba, sim 2 daw naka lock. Kung sim 2 ang nakalock, yung pangalawang IMEI ang kukunin mo.
  4. Isulat sa isang papel ang IMEI na nakuha. Siguraduhin na tama ang IMEI na isusulat para maiwasan ang anuman problema.
  5. Kapag nakuha na ang IMEI, punta ka ulit sa dialer ng phone mo, dial mo *#272*IMEI#. Papalitan mo yung IMEI ng IMEI na nakuha mo kanina. Example : *#272*864482836193627#. Example lang ito.
  6. Kapag success, piliin lang ang CSC na gusto mo i-install.
  7. Para ma openline, palitan lamang ng XTC ang inyong phone. Code : XTC - Openline, SMA - SMART, GLB - Globe, XTE - Sun
  8. Magre reboot ang inyong cellphone. Hintayin lamang matapos hanggang bumukas muli. Magiging factory default ang iyong phone kaya kailangan mo siya i setup muli.
Yun lang. Sana may natulungan ako. Kung may katanungan kayo, feel free to comment down here or send me direct messages. That's it. Peace!

God bless everyone!
 

Attachments

Last edited:
Lods bakit po ayaw gumana sa Samsung Galaxy Amp Prime 2 ko po? galing po ito ibang bansa. balak ko po sana i openline. Sana po matulungan nyo ako. Thank you po.
 

Similar threads

Back
Top