What's new

Trivia HOW TO HAVE BUDGET SKINCARE

NINJA64

Addict
Joined
Sep 2, 2020
Posts
114
Reaction
60
Points
95
Para sa mga gusto diyan na magkaroon ng skincare pero may kalimitan sa budget. Magbigay ako ng tips para mapili natin ang produkto na ninanais natin.

SKIN CARE ROUTINE:
CLEANSE
Treatment(optional)
MOISTURIZE
PROTECT

Ito lang ang kailangan natin para makuha ang basic routine sa pag-aalaga at ito ay nakakatulong para makatipid.

Para sa sa cleansing, hindi ito kailangan piliin ang mga mamahalin o maraming benefits dahil tinatanggal naman ito ka agad.
Ex. Celeteque hydration cleanser, physiogel cleanser, xxtra salicylic acid cleanser(di suggest sa dry skin)

Pangalawa ay ang pag treatment, mas maganda lamang bilhin ang treatment kapag may tinatarget ka(pimple,dark spots o wrinkles atbp.), kung wala naman, pwede na mag skip sa moisturize. Kailangan mo lang piliin kung ano ang tinatarget mo pero pwede naman kung gusto mo mas mapaganda ang balat. Niacinamide o Vitamin C ang ma irerekomenda dito dahil maraming tinatarget na problema at ang benepisyo nito. Warning lang sa pag gamit ng Vitamin C dahil marami ang di hiyang nito. Makikita ito sa watsons o shopee mall(legit check muna bago bili) as "serums".
Maliit lang ang bote nito pero hindi naman palaging ginagamit ito.
Ex. The ordinary niacinamide at yung vit c nila, Apotheke science Niacinamide at luxe organix toners/serums(has questionable fragrance)

Third is moisturize
Kailangan talaga ito sa routine at mabibili lamang ito sa murang halaga. Tignan lang ingredient na ito (glycerin, propylene glycol, aloe vera, o kunting research).
Ex. Celeteque hydration moisturizer, cetaphil moisturizer, fresh lab tomato glass skin(has fragrance), aloe vera sa luxe organix(fragrance)

Protect
Ito ang isa sa mga importante para sa skin care ang sunscreen. Para makatipid, pwede bumili lang ng sunscreen at wag na moisturizer dahil may ingredients halos ang sunscreen na nakapag moisturize na sa balat.
Ex. Belo suncreen 40spf++++
Belo sunscreen 50spf ++(may niacinamide)
Celeteque sun care 30spf(matte)

Routine:
Para sa cleanser: 2x a day or 1x a day(hilamos tubig sa umaga, cleanser sa gabi)
Para sa serum/treatment: twice per week ay okay na tuwing gabi bago matulog at mag cleanse
Moisturizer: 2x a day pagkatapos magcleanse
Sunscreen: kahit sa umaga pagkatapos mag cleanse ay okay na pero mas mabuti parin pag mag re-apply at maglagay kahit sa gabi

Quick note:
Masasabi ko lang na wag sasabay sa hype ng skincare at mag research talaga bago bibili ng produkto. Hindi kailangan mamahalin ang produkto basta mabibigay lang ang trabaho na ninanais sa produkto na may specific ingredient. Pang huli, ang balat natin ay nag he-heal ng sarili kaya di tayo mag rely masyado sa produkto sapagka't may chance ito makakapag irita sa balat.
 
Back
Top