Hindi ko pa nasusubukan personally pero pwede yung GCash AmEx. Baka yung PayMaya may katumbas din na parang debit card service. Pwede ka rin mag-apply ng mga debit cards sa BPI, BDO, etc. na pwede sa Visa o MasterCard para pwede pang-online shopping abroad. Magdedeposit ka na lang ng pondo sa debit card tapos ayun shopping ka na.
Kung libro bibilhin mo sa Amazon UK, wala ng taxes na babayaran pa kapag i-pickup mo sa post office. Kung meron man ibang babayaran minimal lang.
Kung ibang items, mag-check ka sa courier kasi pwede i-hold ng Customs dito 'yan hangga't hindi ka nagbabayad ng mga taxes at duties.