monkey wrench
unggoy ng phcorner
help lang po.. pano po kaya ako mapakalma?? parang need na lumabas yun inner demon ko po kase araw araw problemado at stress ... feeling ko po gigil na gigil po ako parang gusto ko pumatay dahil lang sa pera .. pano po kaya mailabas po ito na hindi ako mapapanakit.. sobrang stress na po ako... may trabaho naman misis ko at may 3 years old baby kami pero wala ako trabaho... kasama ko mother ko .. nahihirapan na ako kase wala ako mahanap na work.. sideline lang work ko dati bago mag covid.. ngaun umaasa ako sa mother ko .. hirap na hirap ako maghanap ng work kahit tru online... napapa isip ako.. minsan gusto ko na mag suicide dahil ganito... araw araw kami nag aaway ni mother... kahit di naman ako nag uumpisa... 84 years old na sya.. parati na lang kase po nauubusan ng budget since october 2020... feeling ko gusto ko na gumawa ng masama dahil sa pera... pero naiisip ko anak ko.. daily ritual . monday to friday 9 pm to 2 am sleep ko.. pag 2-3 am gising ko.. alaga sa bata.. computer din. wala sa oras kain ng almusal tanghalian at hapunan.. pasok ni misis 7 am to 9 pm.. buong araw yosi .. nakaka 3 kaha ako.. panay kape na rin. araw araw.. sigawan at murahan sa bahay.. parati kami nag aaway ni mother.. napag aaway namin tungkol sa pera.