What's new

How I started my savings and investments :)

phc-Hudas

Addict
Joined
Sep 3, 2019
Posts
119
Reaction
67
Points
100
Age
39
Magandang araw po, share ko lang kung paano ako nagstart magkaron ng savings at nag invest.

Mahilig ako magbasa about financial advice.
23 years old na ako nung mag start ako magka savings. Minimum wage lang ako nun at nakatira pa ako sa bahay ng parents ko. May nabasa ako nun na dapat before mag invest ay magka savings ka muna na equivalent ng 6 months na sahod mo at savings para sa emergency. Nag start ako mag save ng 20% ng sahod ko nun pero di tuloy tuloy. Nung 25 years old na ako nakaipon ng equivalent ng 6 months na sahod ko kasi tumulong na ako sa pag papaaral sa bunso kong kapatid. Sa bangko(SB) ko nilagay yung savings ko na may magandang interest pag di mo ginagalaw. Yung next 6 months na ipon ko yun yung emergency fund. 27 years old ako nung mag start ako mag invest, sa stocks yun, nakikisabay lang ako dun sa kaibigan ko na nag aral nun. Kahit papano ay kumita naman pero di ganun kalaki. Sigurista ako kaya sa low risk lang ako sinasakay nung kaibigan ko kaya din siguro di malaki ang kinita. Nagkaron ako ng malaking pera nung may natulungan akong mag benta ng malaking lupa. 450k yung kinita ko dun at binili ko ng lupa. After 6 months beneta ko yung lupa for 650k kasi tumaas na ang bentahan dun sa lugar na nabilhan ko. Yung napag bentahan ko dun ay hinati hati ko. 50k for additional savings, 100k sa MP2 ng Pag-Ibig at yung 500k ay binili ko ulit ng lupa. Regular na po ako sa trabaho ko at medyo tumaas na din ang sahod ko at tuloy tuloy ang paglagay ng 20% ng sahod ko sa savings. Before pandemic ay nabenta ko po yung dalwang lupa na nabili ko sa 500k at ibinili ko po ng bahay at lupa yung 800k na napag bentahan ko, madaming nag benta ng bahay at lupa after matapos yung lockdown kaya nakabili ako ng mura. May nabili din akong isa pang lupa galing sa kinita ko sa ibang investments ko.

Sana ay makatulong ito kahit papano. Salamat :)

PS: Nakalimutan ko ilagay, Mag set po tayo ng Goal at simulang humakbang kahit maliit. Hindi po natin yun mararating kung hindi po tayo hahakbang.

"Everything started with a single step"​
 
Last edited:
parehas tayo na lupa agad ang binili. Yun akin di ko binenta. Pinataniman ko at dun tuluy tuloy kita ko
 
earned my 1st millions at age 34, ...tamang ipon lang...invest sa coop, sideline buy n sell gadgets , laptops, since 2004, i remember tipidpc.com bidshot, si sulit.com tumawag pa sakin personally, and i was invited by la salle graduate school para maging speaker sa isang subjects nila regarding online marketing kasi that time kami ata kami ang nag pionner sa online selling , wala pa fb marketplace noon haha...,now marunong na lahat sa online selling , na employed din ako with mid income salary sa corporate that time and now permanent na ako sa government service.. with that napaaral ko ang bunso kong kapatid na naging lawyer na, and fiscal na now...
grind lang uli para sa retirement na ..and sa college educattion ng anak ko 2 years na lang ..
 
travel travel nalang po :)
 
Similar threads

Back
Top