What's new

How can I move on?

PHC - yowzed

Forum Guru
Elite
Joined
Jul 28, 2014
Posts
1,970
Solutions
1
Reaction
14,867
Points
2,026
Age
24
We've been together for almost three years and now wala na kami. Akala ko kami na talaga hanggang dulo. Lahat ng pagsisikap ko para sa kaya. Para sa future naming dalawa. Akala ko sa kasalan na punta pero sa hiwalayan pala. Okay kami. Okay na okay kami. Naglaroom ng kaunting misunderstanding pero naayos naman. Nanggaling pa ako sa kanila for about two days para bisitahin sya and her family. Pagkauwi ko sabi nya cool off daw kami. Laking gulat ko pagod na daw sya. But ayaw ko masakal sya or what so pumayag ako but the same day nalaman ko nung gabi kasama nya ex nya kainuman nya hatid pa sya pauwi with yakap pa tapos kinabukasan break na kami tuluyan. Akala nya hindi ko alam. Until now masaya sya habang ako naiwan na nasasaktan ng sobra. Araw araw nagsasuffer sa pain na iniwan nya. Not because ***** ako pero tinry ko sya habulin or ayusin kung ano meron kami. Sayang kasi e. Halos tatlong taon ng buhay ko ginugol ko sa kanya. Binigay ko lahat ng gusto nya. Minsan kahit wala na matira para sa sarili basta para sa kanya ginagawa at binibigay ko. Ginawa ko lahat pero ito ang kapalit. Lumayo ako. Nag trabaho ako sa malayo. Para na din makalimot at maka move on pero lalo lang ako nalulungkot lalo na gabi gabi halos palagi ako umiiyak. Mag ida ako lagi sya nasa isip ko. Lagi ko sya naaalala. 1 month pa lang kami break pero she looks so happy while enjoying someone's company habang ako eto halos ubos na ubos na. Paano maka move on? Di ko alam paano ako uusad. Minsan akala ko okay na ako pero may mga bagay na hahatak na naman sakin pababa. Magpapaalala ng lahat. Kakainin na naman ako ng lungkot. 💔
 
nature na talaga ng babae yan kaya wag ka masyado magfocus sa relationship
Nakakapagod at nalalahinayang na ang dami mo ininvest para sa kanya. Ginawa ko naman lahat e. Saan ba ako nagkulang para maging ganun ang sukli nya sa lahat mg pagsisikap ko para saming dalawa. Wala naman ako hinihinging kapalit kundi mahalin nya lang ako at wag sya magbago. Pero lahat yun di natupad. 😥
 
Nakakapagod at nalalahinayang na ang dami mo ininvest para sa kanya. Ginawa ko naman lahat e. Saan ba ako nagkulang para maging ganun ang sukli nya sa lahat mg pagsisikap ko para saming dalawa. Wala naman ako hinihinging kapalit kundi mahalin nya lang ako at wag sya magbago. Pero lahat yun di natupad. 😥
ganun talaga kase nag-invest ka ng matagal kaya nanghihinayang ka kaya ang gawin mo mag no contact ka na sa kanya
 
Hindi lahat ng babae ganyan ka immature gaya ng ex mo. I know because babae rin ako. Ibig sabihin makakahanap ka rin ng ibang babae who will treat you the way that you deserve.
 
ganun talaga kase nag-invest ka ng matagal kaya nanghihinayang ka kaya ang gawin mo mag no contact ka na sa kanya
Siguro nga dapat kahit anino nya di ko na sinusulyapan kasi mas lalo ako nasasaktan lalo na kapag nakikita kong masaya na sya sa iba at hindi na sakin. 💔
 
Siguro nga dapat kahit anino nya di ko na sinusulyapan kasi mas lalo ako nasasaktan lalo na kapag nakikita kong masaya na sya sa iba at hindi na sakin. 💔
wag na wag mo istalk sa kahit anong socmed platforms simula ngayon tapos magself improve ka pakita mo na high value ka na di ka affected
 
Pwede mo siyang i block sa mga social media para di mo makita yung itsura ng ex mo. Makakatulong yan hindi sa pagiging bitter ah. Kasi habang nakikita mo sya lagi mo siyang maaalala. Unblock mo kapag ready kana pag di kana nasasaktan at normal na ulit sayo. Eto tip ko lang sayo ah. Bumalik ka sa dating ikaw. Yung ikaw na wala pa siya. Alam ko may mga bagay na nawala sayo nung dumating yung ex gf mo. Kaibigan mo, mga libangan mo kagaya ng online games o kung ano pa man pinagkaka abalahan mo dati balikan mo yun. Para malibang ka. Hanapin mo ulit sarili mo. Ngayon sige umiyak ka lang ng umiyak. Mas maganda kung may malungkot na kanta kagaya nung song na "binalewala" yan patugtugin mo. Sarap sa feeling yan. Iiyak mo lang. Dadating yung araw na pag gising mo okay kana at ready ka na ulit.
 
Ibaling mo sa ibang bagay attention. Usually mga hindi maka-move on eh walang work kaya puro love nasa isip. Pag busy ka di mo maiisip ang ex mo.
 
Ayan naman talaga ang nature nila tol eh. Maari di kapa masyadong nakaka experience ng babae sa buhay mo.
You can be a great guy, mabait, masipag may trabaho taking care of yourself. Oo nanjan na tayo pang bf/husband material ka. Pero tol emosyonal sila eh. Ngayon mahal ka nila. Kinabukasan wala na. O nakakita ng mas better sayo. Kino compare ka sa iba. Natural lang yan. Kahit gaano kalaki ininvest mo sa kanya Oras, Pera, Pagmamahal. Wala yan. Isa lang sasabihin nila "Wala na akong spark na nararamdaman sayo." o "Di na kita mahal." Na wala namang rason? Kase emosyonal nga sila. Magkaiba ang pagmamahal ng lalake compare sa babae. Ang lalake is thru actions. Ang babae thru feelings.Kaya naghihinayang tayo sa mga moments at ininvest natin. Pero isang iglap lang yan without logical thinking. Bang! Taob ka sayonara maderfaker haha.
Well i didnt do ex back. May 3 girls akong nag cheat sa akin. First break up natuto ako na ganyan pala laro nila. Nag gym ako inalagaan ko sarili ko,naghanap ng matinong trabaho lahat para sa self improvement. 2 ex ko nag reach out sa akin.Kinukumusta nila ako. Inaaya ako lumabas. Meron pa nga tina try ako manipulahin thru s3x. Anong ginawa ko? Tinapon ko nalang at binasura. Wala kang mapapala jan. Isa sa mga kaululan na gagawin ng lalake. Is makipag ex back. Baka di kana makatingin sa salamin kung ibabalik mo pa yan.
Di ako bitter. May mga babae naman jan na matitino.
Pwede mo mahalin ang lahat ng babae sa mundo. Pero iilan lang sasama sayo hanggang kamatayan.
 
Last edited:
Puntahan mo, sampalin at duraan sa mukha murahin mo din ng malutong. Effective yan mapapalitan ng pagkamuhi yang sakit na nararamdaman mo binigay mo naman lahat sa kanya nararapat lang sa kanya yun. Wag puro puso ts kaya nga may mga utak tayo di ka naman mauubusan ng babae. Pag may work ka madali ka lang makakahanap ng iba.
 
Puntahan mo, sampalin at duraan sa mukha murahin mo din ng malutong. Effective yan mapapalitan ng pagkamuhi yang sakit na nararamdaman mo binigay mo naman lahat sa kanya nararapat lang sa kanya yun. Wag puro puso ts kaya nga may mga utak tayo di ka naman mauubusan ng babae. Pag may work ka madali ka lang makakahanap ng iba.
Wag naman par. Yaan nalang hahahah. Madami pang iiwan na babae sa atin hahahahah. Takot ata sya mag simula ulit. Daming mga malulupit na chikabebe jan. Milyones na ata nagastos nya dun
 
same na same tayo higit 1 month na din kami hiwalay kahit anong gawin ko pagmamaka awa sa kanya kahit lumuhod pa ako ayaw nya na din talaga kasi may bago na un lagi naiisip nya kahit magkasama kami sya din bukang bibig nya, sakit sobra lalo na almost 7 years na kami . di pa din ako maka move on pero sya sobrang dali nya lang mag move on prang di nga nag move on e wala lang . naawala lang sya sa akin kaya nya ako kinaka usap pero soon daw di na nya ako kakausapin . sobrag sakit.
 
Bigyan mo muna halaga ang sarili mo Idol. saka mo mapagtanto kung worth it ba siya saiyo.
 
I feel you bro kakahiwalay din namin kahapon.sobrang sakit talaga kasi 6 years na kami.thats life talaga bro.pero LIFE GOES ON lang tayo 💪
 
I believe time will heal ts... acceptance is the key also... sabi nga sa kanta
"Tuloy pa rin ang awit ng buhay ko
Nagbago man ang hugis ng puso mo
Handa na 'kong hamunin ang aking mundo
'Pagkat tuloy pa rin...
"
 
ganito din saakin boss mag 4 yrs na sana kami cool off daw sabi niya ansakit talaga yung andami mong plano para sa inyo pero nawala nalang sakit sobra kaka break lang namin days ago :(
 
Back
Top