What's new

Horror Story 1

VinJinxx

Forum Veteran
Joined
Sep 15, 2019
Posts
1,291
Reaction
876
Points
541
Age
33
TIYANAK

malimit lang ang mga naniniwala sa mga lamang lupa tulad na tiyanak . Marahil ay di pa nila nasasaksihan ang tunay na kaanyuan nito ... ang kwento ko ngayun ay tungkol sa tiyanak isa lamang lupa na mahirap ipaliwanag kong tutuo ngaba o kathang isip lamang ...
-- mga bandang alas tres/3:00pm nuon nga hapon inutusan kaming dalawa ng aking kuya na pumunta sa bukirin namin para kumuha ng gulay na iluluto ni nanay para haponan ... agad kaming tumalimang mag kapatid sa utos ni Inay sanay naman kasi kaming mag kapatid na pumunta sa aming bukid kong kayat di kami nag alinlangan ... Nang makarating kami ni kuya ay agad kaming nanguha ng gulay pauwi na kami ng mapansin nyang may isang itim na pusa sa puno ng avocado . Naalala nya ang kwento tungkol sa itim na pusa malas daw ito kaya binato nya ang pusa . Laking pag tataka naming mag kapatid dahil maka ilang besis nyana itong binabato ay nananatili parin ito sa kanyang pwesto ni hindi manlang ito natinag . Nang muli naming nilingon ang pusa naging isa itong batang maitim mahaba ang mga balahibo may matutulis na ngipin at mapupulang mata mayron din itong mahabang buntot nasa pakiwari koy nasa isang dipa ang buntot nito .Takot na takot kaming mag kapatid sa aming nasaksihan kitang kita namin ang galit na mukha ng tiyanak luma lambi lambitin ito paakyat ng puno habang naka tingin saamin . tumakbo kami papalayu ni kuya at dahil sa subrang takot ay naitapon namin ang mga gulay . Nang makarating kami sa bahay ay agad naming ikinuwento ang nang yari kay Nanay nag kasakit kaming mag kapatid dahil narin sa pagud at takot hangang ngayun ay di namin malimutan ang aming karanasan tungkol sa tiyanak ...

writer : princess jay ann
 

Similar threads

Back
Top