What's new

Hiniwalayan ko sya dahil nalaman ko kasal pala sya sa muslim.

dahil sa comment mo lods, parang nawalan na ng tuluyan ang gana kong makipagbalikan sa kanya.
pero yung mga parents naman ng ex ko, payag naman silang makapag asawa dito sa pampanga yung anak nila. ewan kolang don sa side ng lalakeng muslim. baka kasi iba nasa isip non. mahirap na.
Mainam lods alamin mo panig nung boy para walang gulo na maganap. At jausapin mo rin ng masinsinan at tanungin. Kung maari ay maging imbestigador ka para makaman mo. Para mapanatag ang kalooban mo.
Atleast alam mo kung itutuloy mo pa ba or hindi
 
medyo mahirap nga lods, btw matagal na syang pinagkasundo sa muslim. 2016 pa yon. tingin mo hahabulin pa sya ng muslim?
Kung 2016 pa, maybe no maybe yes. Ayaw ko magbigay ng saktong sagot lalo nat parehas tayo na di alam ang buong story. Kahit nasabi na sayo ni girl lahat mas patas kung marinig mo din kay boy.
Pero kung idadaan ko sa psycho, mainit yang sitwasyon na yan kasi mahaba haba din na panahon ang engage nila at isa pa magigibg masama si gurl sa sude ni boy. Equivalent nang ginawa nya ay ang pag cheat sa boy.
Sa totoo lang magulo kung psychohin ko pati ikaw alam ko nagugukuhan kung ano ba pinaka last desisyon mo kasi nasanay ka rin sa kanya.
 
Gusto ko sana sabihing kung mahal mo tatanggapin mo kahit ano pa nakaraan nya, Pero kasi kung talagang mahal ka din ni girl sya na mismo ang mag sasabi sayo ng past nya, di yung sa ibang tao mo pa unti unti nalalaman about kay girl. Kaya tama ka din ng desisyon.
Yup ito rin isa sa dahilan na dapat sya na mismo qgad nag sabi sa kanya ng katotohanan. Masakit kasi kung sa iba mo pa malalaman. Yung ate nya believe ako kasi marunong mang psycho ng tao kaya nakilatis ng ate nya yung jowa ng kanyang kapatid.

Belive it or not may lihim pa na di nasasabi si girl pero ayaw ko pangunahan dahil nakay girl na yun kung sasabihin nya o hindi.
 

PHC-Raldin

Limited Access
same tayo ng sitwasyon lodz, pero sa part namin,

ako yung muslim tapos ako yung lalaki, ako yung taga dipolog tapos yung gf ko naman catholic sabay sa maynila sya. di pa kami hiwalay at sobrang honest ko sa kanya. Sobrang mahal namin yung isat isa tas hindi din namin kayang iwan yung isat isa.

Minsan nasasaktan ko sya dahil nga sa yung family or parents ng side ko eh parang di sila masaya na kami. Nakukwento at nasasabi ko parin yun sa kanya kasi gusto ko wala akong itago dahil alam kong ayun yung pinakamakakapaghiwalay samin, yung pag may tinatago sa isat isa. Iniintindi nya lagi yung sitwasyon pero alam kong nahihirapan din sya minsan dahil sakin. pero kami parin lapit na kami mag 2 years. Medyo pinapakilala na nya ako sa mga relatives nya like mga pinsan nya pero di pa masyado sa parents at naiintindihan ko yon dahil pinagbabawalan pa sya. 17 years old pa kasi kami at alam kong mga bata pa nga kami at marami pa kaming mga goals sa life.

LDR din kami tapos di pa nagkikita. Sa ngayon, pag-aaral muna yung ginagawa namin. Pero kami parin at nagkakamustahan, kwentuhan parin, time management.

Nabasa ko tong thread mo ts at nakakalungkot isipin na ganyn yung nangyari sa inyo :< Sana makapagmove on ka na.

Bilang muslim, kakaiba din talaga yung tradition namin tungkol sa pakikipagrelasyon at mahirap ilaban lalo na kung yung muslim ay babae.

Shinare ko lang din to kasi may similarities tayo. I hope maging okay ka na ts at sya rin.
 

jepjep16

Honorary Poster
haha parang babae tuloy dating mo TS. sanaol may pamilya na napaka protective at supportive ng kagaya ng sayo. tama yung ginawa mo. makinig ka sa payo ng pamilya mo. marami pang babae na mas deserving jan para sayo. mahirap yan kasal na yung babae tapos nakikipagrelasyon pa sa iba at ang mahirap nyan baka may anak na yan. tama yang ginawa mo. move on ka na lang. swerte ka parin at di tumagal at nalaman mo agad yung totoo.
 

DBLOODZ10

🌈LIFE GOES ON🌈
Contributor
Wow astig naman relasyon nyo 😁
Oo tama ang disisyon mo lods .
Hindi talaga kayo sa isat isa 😁
My makukuha kapa mas forver na babae bukod sa kanya .!! 😉
Life Goes On.!!!
 

Maklou12

Established
Ayos lang yan ts masakit talaga magmahal. Di talaga mawawala yan mga lihim ng mga babae. Pero pure naman ang puso mo kaya go lang Maydadating din na masasayang araw para sa'yo.
 
Hays ang hirap namn ng sitwasyon mo ts.. baka mahal ka talaga ng babae tapos yung muslim hindi nya talaga totoong mahal pinilit lang sya ipakasal.. pero hindi kita masisise na nakipag hiwalay ka sa xgf mo.

Kahit gaano pa natin kamahal ang isang tao kung maling pag ibig naman kailangan nating bitawan ramdam ko to 😔
 
kung kaya mo mag move on TS, move on nalang... masaya nga. pero mas masaya kung walang nasasaktan, walang naagrabyado. at isa pa... para din sa kapayapaan... makaka move on din si GF mo. at ikaw din... Panahon nalang ang hintaying ninyo. tingnan mo sa ibang religion, pwede mag asawa ang lalake ng marami. kasi d sila naniniwala sa ratio na 1 is to 1. Ibig ko sabhin, hindi lang isa ang babae na maaaring dumaan sa buhay mo. O kaya, baka naman talaga hindi kayo para sa isa(2x)
 
Top