What's new

Hindi na masaya sa work: To quit or not to quit?

Mikee Marquee

Honorary Poster
Joined
Jul 27, 2016
Posts
477
Reaction
89
Points
208
Umabot na ko sa point na gusto ko na magresign kasi hindi na ko masaya. Basta nafi-feel ko na lang every morning, tinatamad na ko. At yung ginagawa ko sa work, wala ng commitment. Basta lang matapos, keri na. Hindi na rin ako attentive sa mga emails at messages. Kung may mga important announcements, parang wala na kong pakialam. Sa ngaun, hindi pa rin naman ako nakapag-build ng enough savings kaya hindi ko rin naman kayang mawalan ng trabaho pa. Ang hirap na din sa bangs haha. Parang minsan, ang hirap din talaga sagutin ang tanong na "para kanino ka bumabangon?" kahit na marami naman talagang reason kung bakit tayo nagtatrabaho o bumabangon sa umaga, pero kung everyday na lang na makakaramdam ka na hindi ka na masaya, like itong kalagayan ko ngaun, mapapa-isip ka nlng talaga magresign. Haysss. Sad life.
 
Isipin mo lang palagi lods na blessed ka kasi may trabaho ka ngayon. Madami nawalan ng trabaho dahil sa pandemnia. Okay lang umayaw basta wag lang susuko💪
 
mahirap mawalan ng trabaho ngayong pandemic. kung gusto mo umalis mag scout ka muna ng malilipatan mo na work. hanggang sa wla kpa nakita kapalit sa work mo wag na muna.
 
Ganyan din ako, If I dont feel happiness anymore, I quit and resign but please do consider the current situation ngayon. Remember, it's pandemic. make sure that before you leave, may lilipatan ka na.
 
nasa iyo yan ts, alin kaya mong mawala? mawala ang trabaho o mawala respeto mo sa sarili mo?
sabi mo nga wala ka na pakialam, sweldo lang gusto mo? kung maging nuissance ka sa ma kasama mo?
kung mabulilyaso ka... damay pati katrabaho mo
 
Nagquit ako sa work ko noon dahil sa sobrang stress. Pero ang pinagsisihan ko e hindi ako nakapag ipon ng sapat para sa pandemic.
 
hanap ka muna sana bago mag quit, pero nasa sayo parin yan
 
Huwag muna TS
Dapat may sure munang lilipatan, tulad ginawa ko dati
Pagkatanggap sa inapplyan, tsaka pa lang nag resign sa old job

Pwede rin may ready kapital ka na para mag negosyo, at dapat umaandar na at kumikita na yung negosyo bago ka mag resign

Tiis muna, try niyo tandaan ano yung mga na enjoy niyo dati noong nagsisimula kayo sa job na yan

Basta wag mag resign hanggat may lilipatan
New employment or booming negosyo
 
minsan naiisip ko din mag resign pero sa ngayun wag muna kasi mahirap mag hanap ng trabaho unless may lilipatan ka na
 
Wag muna kung wala ka pa naman plan b,kasi mahirap ngayon buhay hirap makapasok sa work dulot ng pandemic..
 
Pag aralan o planuhin mo muna ang magiging sunod mong trabaho. Call center madalas na hiring. May available nga na trabaho dito samin di naman ako marunong ng English. 😅
 
Yung work alone mo is blessing yan. sabi mo nga hindi pa sapat savings mo at dahil dyan na work na yan ka kumukuha nun. maraming tao na gusto kung anong meron ka marami din tao na may mabibigat na problema at wala naman silang choice kundi harapin yun. tama ka kung hindi ka na masaya, then leave. hanapin mo yung work na magpapasaya sayo ts. pero kasi hindi naman pwede lagi na masaya lang.
 
Isipin mo muna kung ano ang dahilan kung bakit hindi ka masaya sa nangyayari sayo ngayon. Ito ba ay dahil sa trabaho? Sa mga katrabaho kaya? O sa boss mo? O baka naman sa ibang bagay ka hindi masaya, at nadadamay lang ang iyong trabaho kaya naiisip mong hindi ka na masaya dito.
I-address mo muna kung saan ang root cause ng hindi mo pagiging masaya. At hanapan mo ng solusyon ito. Kasi, lumipat ka man sa ibang trabaho o anumang iyong naising gawin, kung hindi mo magawan ng solusyon o mahanapan ng sagot ang dahilan ng hindi mo pagiging masaya, hindi ka pa rin makukuntento sa iyong lilipatan.
 
kapit lang iho, lampasan muna natin yung walang kasiguraduhang sitwasyon naten sa ngayon bago ka magdesisyong bumitaw, ako din ay nakakaramdam ng iyong nararamdaman ngayon subalit gusto ko man gumawa ng ibang bagay mas malaki yung posibilidad na maging masama yung kahihinatnan, kaya kapit lang, malalampasan din natin ang lahat,
 

Similar threads

Back
Top