What's new

Poems Hindi ko alam kung maibabalik pa ba

Keala Kazumori-Sakamoto

PHC - Dyosa ®
Joined
Dec 6, 2012
Posts
2,021
Solutions
9
Reaction
4,246
Points
958
Age
28
Hindi ko alam kung maibabalik pa ba,

O kung sakali man ay may mababalikan pa.
Ang sabi kasi nati'y ang lahat ay tapos na,
Ngunit ngayon tila ba ay may nagbabadyang isa na namang bagong kabanata.
Maibabalik pa ba natin ang dati?
Hindi, ayoko. Wag na nating ibalik yung dati.
Hindi ba? Sinaktan lang naman natin dati ang ating mga sarili.
Kaya nga sa huli ang pagbitaw nalang ang ating pinili.

Ayoko nang ibalik ang dati...

Kasi ang gusto ko ay ang magsimula tayong muli.
Magsimula tayong muli ng panibagong umpisa,
At sa pagkakataong ito ay gawin na nating tama.
Wala nang siraan ng tiwala,
Wala nang pangakong hindi magagawa.

Maari ba? Na ikaw at ako, tayo, tayo ulit?
Tayo nalang? Tayo nalang ulit hanggang sa huli.

Ngunit ako'y natatakot,
Natatakot na sa muli kong pagsugal ay maulit na naman ulit,
Na maranasan natin muli ang sakit,
Na maranasan nating muli ang hagupit,
Hagupit ng tadhanang pinaghiwalay tayo ng pilit.

Pag lumaban ba ako ngayon,
Ay lalaban ka din?
Pag sumugal ako ngayon,
Ay susugal ka din?
Pag nag-umpisa ba tayo ngayon,
Ako naman ang iyong pipiliin?

Wag ka na munang magsalita,
Bagkus ay patunayan mo sa gawa.
Dahil sawa na ako sa mga salitang naiiwan na lamang sa dila,
Pagkatapos kinabukasan ay wala.

Sa ikalawang pagkakataon,
Buksan natin ang panibago nating istorya,
Bigyan natin ng tsansa ang isa't isa.
Hangga't maari pa,
Hangga't pwede pa,
Hangga't ang pagmamahal sa puso natin ay andyan pa at hindi pa humuhupa.
Tignan natin kung hanggang saan tayo aabutin,
Kumapit kang muli sakin,
At sabay nating tahakin,
Nang magkasama ang daang ating pipiliin.

Lumaban tayo, hangga't makakalaban pa,
Ang poot at sakit ay ating iwan na.

Ngayon ay tatanungin kita,

Mahal, handa ka na bang mag-umpisa?
 
inaamin ko mahal paren kita. hinde ko man lang inisip na nasasaktan na pala kita ng sobra. pilet mong itinatago at pinipigilan mong pumatak ang iyong mga luha. dahil sa sobrang saket na aking nagawa.

kahit alam mong ako ang may pagkakamale. sa saket na nanararamdaman mo. pilet mong isinasantabe. sapagkat alam mong galet koy huhupa ren.

ayoko ng makita pa. ang luha mo ay pumapatak. dahil ngayon ko lang natanto na ako pala ay yong tunay na minamahal. ako ay sumasamo at humihiling na sana ako ay yung patawaren.

hinde man ngayon o bukas. akoy maghihintay at magtitiis na sana ay ikaw ay bumalek na sa aken. sa pagbabalek moy yakap ko ay ikay sasalubungen at sasabihen sayo. akala ko ay hinde ka na muling magiging aken.

 
sorry po. nakasanayan ko na kase :)

oo nga pala. i love your dp :)
 
Last edited by a moderator:
Galing! Parang pang-spoken word poetry ang piyesang ito ah. Hehe. Thumbs up.:)
 
Last edited by a moderator:

Similar threads

Back
Top