What's new

Hindi ko aalisin sa akin ang aking katapatan! - Job 27:5.

Doctor John Watson

Journeyman
Joined
Sep 28, 2021
Posts
10
Reaction
4
Points
16
_278699042-stock-photo-old-torn-book-shabby-wooden.jpg


Para sa mga lingkod ng Diyos, ang katapatan ay ang buong-pusong pag-ibig at di-natitinag na debosyon kay Jehova. Kaya naman inuuna natin ang kalooban niya sa mga desisyon natin. Isa sa literal na kahulugan ng salitang ginamit ng Bibliya para sa “katapatan” ay ganap, walang kapintasan, o buo. Halimbawa, ang hayop na ihahandog kay Jehova ay dapat na walang kapintasan. (Lev. 22:21, 22) Ang bayan ng Diyos ay hindi puwedeng maghandog ng hayop na may sakit o kulang ang paa, tainga, o mata. Mahalaga kay Jehova na buo o walang kapintasan ang handog sa kaniya. (Mal. 1:6-9) Para maintindihan natin kung bakit, ipagpalagay nang bumili ka ng prutas, libro, o isang gamit. Hindi ba ayaw mo ng isa na may sira? Gusto natin na buo ito at walang depekto. Ganiyan din ang nadarama ni Jehova pagdating sa pag-ibig at katapatan natin sa kaniya. Dapat na ganap ito, walang kapintasan, at buo.
 

Attachments

Back
Top