- TS TS
- #21
basahin mo ulit pinost ko at unawain mo mabuti
Ang pag-uga , pagyanig ng lupa at mga bagay na nababanggit sa Bible may notion ng , pagkawasak o pagkapahamak dahil yan sa pagkagalit ng dios, hindi pangangaral kagaya ng sinasabi moSino o ano ang nagpapangyari ng pag-uga, at ano ang epekto nito? Si Jehova ang ‘umuuga sa lahat ng mga bansa’ sa pamamagitan ng pandaigdig na pangangaral ng mensahe ng Kaharian. Dahil din sa gawaing pangangaral kung kaya natitipon sa bahay ni Jehova “ang mga kanais-nais na bagay ng lahat ng mga bansa,” sa gayo’y pinupuno ito ng kaluwalhatian. Darating ang panahon, uugain “ni Jehova ng mga hukbo . . . ang langit at ang lupa at ang dagat at ang tuyong lupa,” anupat yayanigin ang kasalukuyang masamang sistema ng mga bagay hanggang sa maalis ito.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Puwes mali ang pagkakasagisag mo sa mga sinasabi moalam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng Makalarawan at Makasagisag na mga Pananalita?
Kung anuman yan religion na kinaaniban mo, masasabi ko napaka materialistic ng paniniwala ninyo, ang bibliya ay nagtuturo ng hindi natin pag ibig sa sanlibutan , ang bibliya ay nagtuturo ng bagay na hindi nakikita ng materyal na mata, walang importansya para sa mananampalataya ang mga bagay ng mundo o mismong ang mundo ,dahil yan ay wawasakin ng dios pagdating ng araw, katunayan lahat ng nakikita ay natatapos lahat ay nawawala dahil sa itinakda talaga ng dios yan na lumipas example niyan ay oxidation di mo ba halata? Kahit bilyon taon pa yan dumarating talaga takdang panahon na lilipas ang isang bagay , kagaya ng mga bituin walang nananatili, kaya huwag nyong isapantaha na hindi wawasakin ng dios ang mundo o ang materyal universe , ang mismong mga bagay na mismo ang nagpapahiwatig na lahat ng itoy lilipas o may katapusan
Maling mali talaga itong itinuturo ng pastor ninyo, ano to e rerenovate ang mundo? Para tirhan ng maliligtas? Hahahaha may renovation , astig ahh hahahMasusunog ba ang lupa?
SAGOT NG BIBLIYA: “Itinatag [ng Diyos] ang lupa sa mga tatag na dako nito; hindi ito makikilos hanggang sa panahong walang takda, o magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang lupa ay hindi gugunawin sa pamamagitan ng apoy o iba pang paraan. Sa halip, itinuturo ng Bibliya na ang planetang ito ay magiging tahanan ng mga tao magpakailanman. Sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Pagkatapos lalangin ng Diyos ang lupa, sinabi niya na ito ay “napakabuti,” at ganiyan pa rin ang tingin niya rito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hinding-hindi niya ito gugunawin. Sa halip, nangangako siyang ‘ipapahamak niya ang mga nagpapahamak sa lupa’ at hindi niya hahayaang lubusang masira ang lupa.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Pero baka maisip mo ang sinasabi sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ang mga langit at ang lupa sa ngayon ay nakalaan sa apoy.” Nangangahulugan kaya iyan na ang lupa ay susunugin sa apoy? Ang totoo, ginagamit din ng Bibliya ang mga salitang “mga langit,” “lupa,” at “apoy” sa makasagisag na paraan. Halimbawa, nang sabihin sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.: “Ang buong lupa ay nagpatuloy na iisa ang wika,” ang “lupa” rito ay tumutukoy sa mga tao.
Ipinakikita ng konteksto ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na ang binabanggit nitong mga langit, lupa, at apoy ay mga sagisag lang. Sa You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., may binabanggit na isang sinaunang sanlibutan na napuksa sa Baha noong panahon ni Noe. Pero hindi naman naglaho ang ating planeta. Sa halip, nilipol ng Baha ang isang marahas na lipunan ng mga tao, o “lupa.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pinuksa rin nito ang “mga langit”—ang mga namamahala sa mga taong iyon. Sa katulad na paraan, inihuhula ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ang lubusang pagpuksa sa masamang lipunan ng tao at sa tiwaling mga pamahalaan nito na gaya ng sa apoy.
Ano ang mangyayari sa katapusan ng mundo?
SAGOT NG BIBLIYA: “Ang sanlibutan ay lumilipas at gayundin ang pagnanasa nito, ngunit siya na gumagawa ng kalooban ng Diyos ay nananatili magpakailanman.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Ang “sanlibutan” na lilipas ay hindi ang mundo o planetang lupa, kundi ang lahat ng tao sa mundo na hindi namumuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kung paanong maaaring alisin ng isang surgeon ang tumor ng isang pasyente para iligtas ito, “lilipulin” naman ng Diyos ang masasama para ang mabubuting tao ay lubusang masiyahan sa kanilang buhay sa lupa. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya masasabi nating ang “katapusan ng mundo” ay isang mabuting bagay.
Ang gayong positibong pangmalas sa “katapusan ng mundo” ay ipinahihiwatig ng mga salin ng Bibliya na gumamit ng mga pananalitang “katapusan ng sistema ng mga bagay,” o “katapusan ng panahon.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.; Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Yamang parehong maliligtas ang mga tao at ang lupa, hindi ba makatuwiran lang na isiping isang bagong panahon, o isang bagong sistema ng mga bagay, ang susunod? Ang sagot ng Bibliya ay oo, dahil binabanggit nito ang tungkol sa “darating na sistema ng mga bagay.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Tinawag ni Jesus ang panahong iyon na “pagbabago ng lahat ng bagay.” Sa panahong iyon, ibabalik niya ang mga tao sa mga kalagayang orihinal na nilayon ng Diyos para sa kanila. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., New International Version) Pagkatapos, mararanasan natin ang sumusunod:
Kung gagawin natin ang “kalooban ng Diyos,” o ang mga hinihiling niya sa atin, hindi tayo dapat matakot sa katapusan ng mundo. Sa halip, dapat natin itong panabikan.
- Tatahan tayo sa isang paraisong lupa kung saan ang lahat ay may katiwasayan at kasaganaan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- Magkakaroon tayo ng makabuluhan at kasiya-siyang trabaho.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- Mawawala na ang lahat ng sakit.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- Muling babata ang matatanda.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- Bubuhaying muli ang mga patay.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Malapit na ba talaga ang katapusan ng mundo?
SAGOT NG BIBLIYA: “Kapag nakita ninyong nagaganap ang mga bagay na ito, alamin ninyo na ang kaharian ng Diyos ay malapit na.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Sa aklat na The Last Days Are Here Again, isinulat ni Propesor Richard Kyle na ang “biglang pagbabago at kaguluhan sa lipunan ay nagbubunsod ng mga prediksiyon tungkol sa katapusan ng mundo.” Totoong-totoo ito, lalo na kapag ang mga pagbabago at kaguluhang iyan ay mahirap ipaliwanag.
Pero ang mga propeta ng Bibliya ay hindi humula tungkol sa katapusan para ipaliwanag ang masasamang nangyayari noong panahon nila. Sa halip, sila ay kinasihan ng Diyos para ilarawan ang mga kalagayang magsisilbing tanda ng nalalapit na katapusan ng mundo. Pansinin ang ilan sa mga hulang iyan at tingnan kung natutupad na ang mga iyan sa panahon natin.
Gaya ng sinabi ni Jesus, kapag nakikita na natin “ang lahat ng mga bagay na ito,” malapit na ang katapusan ng mundo. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Naniniwala ang mga Saksi ni Jehova na kitang-kita na ang mga katibayan ng katapusan, at ibinabahagi nila sa iba ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pangangaral sa 236 na lupain.
- Mga digmaan, taggutom, lindol, at mga epidemya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- Pagdami ng krimen.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- Pagsira ng mga tao sa lupa.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- Mga taong maibigin sa sarili, pera, at kaluguran, pero walang pag-ibig sa Diyos.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- Pagkasira ng pamilya.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- Pagwawalang-bahala ng mga tao sa mga katibayang malapit na ang katapusan ng mundo.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
- Pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa buong daigdig.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..