What's new

Closed Hiling

Status
Not open for further replies.

10reason

Eternal Poster
Joined
Aug 21, 2019
Posts
1,127
Reaction
511
Points
467
Disclaimer: Special request ng isang co-writer ko sa kabila :giggle:

“Ganito na lang ba parati ang sasapitin ko sa tuwing magmamahal ako?”

Mga salitang bigla na lang nabigkas ng lalaking nagmumuni-muni habang nakatambay sa isang tahimik na lugar at nakatingin sa mga bituin.

“Hanggang kailan ba ko magiging ganito, ano ba ang pagkukulang ko at ganon na lang ang nagiging kapalit ng effort na ginagawa ko?”
Napabuntong hininga sabay nagsalita ulit.

“Hay Ito na ata ang kapalaran ko, parang ayoko na magmahal kung sakaling may dadating pero mahirap magsalita ng tapos aaarrrgh….ano ba nangyayari sakin”

Maraming bagay ang gumugulo sa kanya kung ano talaga ang magiging desisyon niya dahil sa simpleng bagay na sinapit, kung isasara na ba niya ang puso niya para magmahal. Ang sagot walang nakakaalam kundi siya lang.

Habang siya’y tulala parin at nakatitig sa mga bituin sa langit, may naalala siyang bagay na talagang nakakalungkot kaya hindi niya namalayan na naiiyak na pala siya.

“***! Ayoko ng ganito, ayoko maging malungkot”
Sabay pahid ng kanyang luha.

Sa ganong pagkakataon buo na agad ang desisyon niya, ang baguhin ang kanyang sarili at kalimutan ang lahat ng mapait na sinapit. Alam niya sa sarili niya paggising niya hindi na siya basta-basta masasaktan ulit.

Kinabukasan maaga siyang nagising kaya’t bumangon na siya agad para mag-almusal, alam niyang sabado pero ugali na niyang magising ng maaga dahil hindi nagbabago ang kanyang body clock. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at pumunta sa lamesa para kumain ng almusal.

“Aga mo nagising anak, ano ba nakain mo?”
“Ma, wala naman po gusto ko man po matulog ulit pero ayoko dahil ang bigat po sa katawan kapag nasobrahan ako sa tulog”

“Pwede ka naman matulog ulit kung gusto mo, ay may pasok ka pala pag sabado na ko sigurado dadalawin ka ng antok mamaya sa school”
“Ma, nakalimutan niyo na po ata na pag sabado wala po akong pasok”
“Ay oo nga pala sorry anak, absent minded lang hahaha…”
“Okay lang po ma, ahmmmmmmmm……..ma aalis po ko mamaya”

“At saan ka naman pupunta aber?”
“Sa mall po ma, may titignan lang po akong libro na gusto kong bilin”
“At anong libro naman ang balak mong bilin, na ko anak parang hindi ata ikaw yan ano ba nakain mo at nagkakaganyan ka, kailangan ko na ba tawagin ang lahat ng santo dahil sa pagbabago mo”
“Si mama talaga, wala pong nangyari sa aking masama, gusto ko lang po maglibang kahit konti”

“Ganon ba anak? Hmmmmmmmmm……..kung aalis ka isama mo yung girlfriend mo teka ano nga ba pangalan niya iho”

Tipid ang sagot dahil ayaw na pagusapan at maalala.

“Len-len ma”
“Ayun Len-len pala, Isama mo si Len-len anak para hindi ka mambabae”

“Si mama talaga, nasa itsura ko po ba ang sinasabi niyong nambababae?”
“Ahmmmmmmmm…..siguro kahit sabihin natin na nasa gitna ng gwapo at cute ka parang malapit ka narin sa pagiging babaero”

“Hindi na po ma, ako na lang po mag-isa ang aalis”
“Bakit may nasabi ba kong hindi maganda anak?”

“Wala po ma, okay lang po ako promise”
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo anak? sa tono ng boses mo alam ko kung ano ang nangyari, break na kayo”

“Parang ganon na nga po ma, pero wala na po sakin yun”
“Hay…..okay lang yan anak, lahat tayo nasasaktan kahit sino naranasan yung sinapit mo sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa buhay, bumabangon tayo agad dahil ayaw natin maging ganon habang-buhay, maaring nasaktan ka ngayon pero dahil sa sakit na sinapit mo may natutunan ka pero isang bagay ang huwag na huwag mong gagawin porket nasaktan ka anak, ang isara ang puso mo”

Napaisip siya ng konti, tama lahat ng sinabi ng mama niya.

“Salamat po ma”
“Wala yun ano ka ba, ayokong nakikita kitang malungkot o nasasaktan teka hindi mo pa sinasabi kung ano ang dahilan ng break-up niyo ni Len-len”

“Ma bigla ko pong napansin na parang interesado kayo sa nangyari”
“Hindi naman anak, curious lang si mama hihihi….”

“Parang may ibig sabihin po yung tawa niyong iyon ma, simple lang po ang dahilan kaya naghiwalay po kami ni len-len, may pagka-user po siya kaya nagdesisyon po akong makipaghiwalay sa kanya”
“Tama lang ang ginawa mo anak kaya dapat huwag kang manghinayang sa kanya, marami pang iba dyan saka hindi lang siya ang babae sa mundo, hala kumain ka na muna”
“Sige po ma, salamat po ulit”
“Wala yun, anytime anak”

“Sabay na po tayo kumain ma”
“Mauna ka na anak, sabay na kami kakain ng papa mo”

“Okay kayo po ang bahala”

After 10 minutes.

“Anak ako na bahala sa pinagkainan mo”
“Hindi ma, ako na po maghuhugas ng plato ko”

“Hmmmmmmmm…..nakakapanibago ka talaga anak”
“Hay…..eto na naman po kami”

Pagkatapos maghugas.

“Ma, balik lang po ako sa kwarto ko”
“Sige magpahinga ka muna saglit pero kung gusto mong matulog ikaw bahala pero magpatunaw ka muna ng kinain”

“Hindi po ako matutulog ma, ihahanda ko lang po yung damit na gagamitin ko para mamaya”
“Sabagay alas-diyes pa naman nagbubukas ang mall anak saka maaga pa naman, kung gusto mo manood ka na lang muna ng tv o kaya mag-computer sa kwarto mo”

“Mamaya ko na lang po gagawin yun ma, pagkatapos ko ihanda yung damit na gagamitin ko”
“Okay”

Bumalik siya sa kanyang kwarto, imbis na ihanda ang damit na isusuot sa pag-alis ay iba ang nangyari, naisipan niyang buksan ang kanyang computer. Dali-dali siyang nag-log in sa account niya sa isang social networking site pero sa hindi inaasahan.

“F@*^! napalitan niya agad ako, ang bilis ah tama lang pala yung ginawa kong makigpahiwalay sa kanya”

Tuliro ulit siya sa nakita kaya’t nagbasa siya ng status ng iba pero sa hindi inaasahang pagkakataon.

"Mahal kita pero mas mahal ko ang pera mo".


“Dahil sa pera lumabas ang totoong ugali mo hay…..mga tao nga naman kahit kailan, bwisit kang babae ka, bakit hindi ka pa mamatay ngayon!”

Sa sobrang inis naglog-out na lang siya para mawala ang tension na bumabalot sa pagkatao niya. Sana hindi na lang niya nabasa ang pinost ng ex niya kaya ang nangyari sira na naman ang araw niya.

“***! *** talaga aaarrrgh…..naiinis ako sa kanya hay…..subukan ko na nga lang magsoundtrip para mabawasan ng konti ang inis ko”

Binuksan niya ang winamp, naghanap ng kanta ngunit halos lahat napagsawaan na niya, inisip na lang niya na kahit ano na lang ma-i-play para mabawasan lang ang inis na nararamdaman. Pagka-play palang ng napiling kanta ay parang nagkaron ng kaginhawaan sa paligid.

God gave me a song that the angels cannot sing
I've been washed in the blood of the crucified one
I've been redeemed

Lyrics na paulit-ulit isama mo pa yung beat na parang malungkot pakinggan pero nakakarelax.

“Ayos to ah…it’s a dreamy song, mukha lang nakakatakot sa una pero nakakarelax pala pero mukhang pampatulog ah okay lang maganda naman ang vocal eh parang orchestra”

Sa paulit-ulit niyang pakikinig sa sinasabing “Dreamy song” ay nakaidlip siya bigla.


After 4 hours.

“Anak! gising na, malapit na magtanghali”
“Uhhhmmm….anong oras na po ba ma?” habang naghihikab.

“Alas 11 na kaya anak, hala bumangon ka na dyan at magayos para hindi ka ma-trapik sa pupuntahan mo”
“Uuuhhhmmm…sige po ma” sabay hikab ulit.

After 30 minutes.

“Ma, alis na po ako”
“Kumain ka muna bago ka umalis, sigurado aabutan ka ng gutom sa biyahe”

“Okay lang po ako ma, sige po mamaya na lang po ulit ahmmmmmmm….si papa po asan?”
“Wala anak tulog pa hanggang ngayon, mukhang puyat na naman hayaan mo na”

“Ganon po ba? sige mauna na po ako”
“Ingat ka anak”

Nang makarating siya sa mall nagikot-ikot lang muna siya saglit dahil hindi naman siya nagmamadali, ng makaramdam siya ng gutom ay bigla siyang nagdesisyon.

“Bilin ko na muna yung librong gusto ko bago ko kumain” sambit sa kanyang sarili.

Nang papunta na siya sa cahier para magbayad.


Itutuloy...
 
Disclaimer: Special request ng isang co-writer ko sa kabila :giggle:

“Ganito na lang ba parati ang sasapitin ko sa tuwing magmamahal ako?”

Mga salitang bigla na lang nabigkas ng lalaking nagmumuni-muni habang nakatambay sa isang tahimik na lugar at nakatingin sa mga bituin.

“Hanggang kailan ba ko magiging ganito, ano ba ang pagkukulang ko at ganon na lang ang nagiging kapalit ng effort na ginagawa ko?”
Napabuntong hininga sabay nagsalita ulit.

“Hay Ito na ata ang kapalaran ko, parang ayoko na magmahal kung sakaling may dadating pero mahirap magsalita ng tapos aaarrrgh….ano ba nangyayari sakin”

Maraming bagay ang gumugulo sa kanya kung ano talaga ang magiging desisyon niya dahil sa simpleng bagay na sinapit, kung isasara na ba niya ang puso niya para magmahal. Ang sagot walang nakakaalam kundi siya lang.

Habang siya’y tulala parin at nakatitig sa mga bituin sa langit, may naalala siyang bagay na talagang nakakalungkot kaya hindi niya namalayan na naiiyak na pala siya.

“***! Ayoko ng ganito, ayoko maging malungkot”
Sabay pahid ng kanyang luha.

Sa ganong pagkakataon buo na agad ang desisyon niya, ang baguhin ang kanyang sarili at kalimutan ang lahat ng mapait na sinapit. Alam niya sa sarili niya paggising niya hindi na siya basta-basta masasaktan ulit.

Kinabukasan maaga siyang nagising kaya’t bumangon na siya agad para mag-almusal, alam niyang sabado pero ugali na niyang magising ng maaga dahil hindi nagbabago ang kanyang body clock. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at pumunta sa lamesa para kumain ng almusal.

“Aga mo nagising anak, ano ba nakain mo?”
“Ma, wala naman po gusto ko man po matulog ulit pero ayoko dahil ang bigat po sa katawan kapag nasobrahan ako sa tulog”

“Pwede ka naman matulog ulit kung gusto mo, ay may pasok ka pala pag sabado na ko sigurado dadalawin ka ng antok mamaya sa school”
“Ma, nakalimutan niyo na po ata na pag sabado wala po akong pasok”
“Ay oo nga pala sorry anak, absent minded lang hahaha…”
“Okay lang po ma, ahmmmmmmmm……..ma aalis po ko mamaya”

“At saan ka naman pupunta aber?”
“Sa mall po ma, may titignan lang po akong libro na gusto kong bilin”
“At anong libro naman ang balak mong bilin, na ko anak parang hindi ata ikaw yan ano ba nakain mo at nagkakaganyan ka, kailangan ko na ba tawagin ang lahat ng santo dahil sa pagbabago mo”
“Si mama talaga, wala pong nangyari sa aking masama, gusto ko lang po maglibang kahit konti”

“Ganon ba anak? Hmmmmmmmmm……..kung aalis ka isama mo yung girlfriend mo teka ano nga ba pangalan niya iho”

Tipid ang sagot dahil ayaw na pagusapan at maalala.

“Len-len ma”
“Ayun Len-len pala, Isama mo si Len-len anak para hindi ka mambabae”

“Si mama talaga, nasa itsura ko po ba ang sinasabi niyong nambababae?”
“Ahmmmmmmmm…..siguro kahit sabihin natin na nasa gitna ng gwapo at cute ka parang malapit ka narin sa pagiging babaero”

“Hindi na po ma, ako na lang po mag-isa ang aalis”
“Bakit may nasabi ba kong hindi maganda anak?”

“Wala po ma, okay lang po ako promise”
“Sigurado ka ba sa sinasabi mo anak? sa tono ng boses mo alam ko kung ano ang nangyari, break na kayo”

“Parang ganon na nga po ma, pero wala na po sakin yun”
“Hay…..okay lang yan anak, lahat tayo nasasaktan kahit sino naranasan yung sinapit mo sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa buhay, bumabangon tayo agad dahil ayaw natin maging ganon habang-buhay, maaring nasaktan ka ngayon pero dahil sa sakit na sinapit mo may natutunan ka pero isang bagay ang huwag na huwag mong gagawin porket nasaktan ka anak, ang isara ang puso mo”

Napaisip siya ng konti, tama lahat ng sinabi ng mama niya.

“Salamat po ma”
“Wala yun ano ka ba, ayokong nakikita kitang malungkot o nasasaktan teka hindi mo pa sinasabi kung ano ang dahilan ng break-up niyo ni Len-len”

“Ma bigla ko pong napansin na parang interesado kayo sa nangyari”
“Hindi naman anak, curious lang si mama hihihi….”

“Parang may ibig sabihin po yung tawa niyong iyon ma, simple lang po ang dahilan kaya naghiwalay po kami ni len-len, may pagka-user po siya kaya nagdesisyon po akong makipaghiwalay sa kanya”
“Tama lang ang ginawa mo anak kaya dapat huwag kang manghinayang sa kanya, marami pang iba dyan saka hindi lang siya ang babae sa mundo, hala kumain ka na muna”
“Sige po ma, salamat po ulit”
“Wala yun, anytime anak”

“Sabay na po tayo kumain ma”
“Mauna ka na anak, sabay na kami kakain ng papa mo”

“Okay kayo po ang bahala”

After 10 minutes.

“Anak ako na bahala sa pinagkainan mo”
“Hindi ma, ako na po maghuhugas ng plato ko”

“Hmmmmmmmm…..nakakapanibago ka talaga anak”
“Hay…..eto na naman po kami”

Pagkatapos maghugas.

“Ma, balik lang po ako sa kwarto ko”
“Sige magpahinga ka muna saglit pero kung gusto mong matulog ikaw bahala pero magpatunaw ka muna ng kinain”

“Hindi po ako matutulog ma, ihahanda ko lang po yung damit na gagamitin ko para mamaya”
“Sabagay alas-diyes pa naman nagbubukas ang mall anak saka maaga pa naman, kung gusto mo manood ka na lang muna ng tv o kaya mag-computer sa kwarto mo”

“Mamaya ko na lang po gagawin yun ma, pagkatapos ko ihanda yung damit na gagamitin ko”
“Okay”

Bumalik siya sa kanyang kwarto, imbis na ihanda ang damit na isusuot sa pag-alis ay iba ang nangyari, naisipan niyang buksan ang kanyang computer. Dali-dali siyang nag-log in sa account niya sa isang social networking site pero sa hindi inaasahan.

“F@*^! napalitan niya agad ako, ang bilis ah tama lang pala yung ginawa kong makigpahiwalay sa kanya”

Tuliro ulit siya sa nakita kaya’t nagbasa siya ng status ng iba pero sa hindi inaasahang pagkakataon.

"Mahal kita pero mas mahal ko ang pera mo".


“Dahil sa pera lumabas ang totoong ugali mo hay…..mga tao nga naman kahit kailan, bwisit kang babae ka, bakit hindi ka pa mamatay ngayon!”

Sa sobrang inis naglog-out na lang siya para mawala ang tension na bumabalot sa pagkatao niya. Sana hindi na lang niya nabasa ang pinost ng ex niya kaya ang nangyari sira na naman ang araw niya.

“***! *** talaga aaarrrgh…..naiinis ako sa kanya hay…..subukan ko na nga lang magsoundtrip para mabawasan ng konti ang inis ko”

Binuksan niya ang winamp, naghanap ng kanta ngunit halos lahat napagsawaan na niya, inisip na lang niya na kahit ano na lang ma-i-play para mabawasan lang ang inis na nararamdaman. Pagka-play palang ng napiling kanta ay parang nagkaron ng kaginhawaan sa paligid.

God gave me a song that the angels cannot sing
I've been washed in the blood of the crucified one
I've been redeemed

Lyrics na paulit-ulit isama mo pa yung beat na parang malungkot pakinggan pero nakakarelax.

“Ayos to ah…it’s a dreamy song, mukha lang nakakatakot sa una pero nakakarelax pala pero mukhang pampatulog ah okay lang maganda naman ang vocal eh parang orchestra”

Sa paulit-ulit niyang pakikinig sa sinasabing “Dreamy song” ay nakaidlip siya bigla.


After 4 hours.

“Anak! gising na, malapit na magtanghali”
“Uhhhmmm….anong oras na po ba ma?” habang naghihikab.

“Alas 11 na kaya anak, hala bumangon ka na dyan at magayos para hindi ka ma-trapik sa pupuntahan mo”
“Uuuhhhmmm…sige po ma” sabay hikab ulit.

After 30 minutes.

“Ma, alis na po ako”
“Kumain ka muna bago ka umalis, sigurado aabutan ka ng gutom sa biyahe”

“Okay lang po ako ma, sige po mamaya na lang po ulit ahmmmmmmm….si papa po asan?”
“Wala anak tulog pa hanggang ngayon, mukhang puyat na naman hayaan mo na”

“Ganon po ba? sige mauna na po ako”
“Ingat ka anak”

Nang makarating siya sa mall nagikot-ikot lang muna siya saglit dahil hindi naman siya nagmamadali, ng makaramdam siya ng gutom ay bigla siyang nagdesisyon.

“Bilin ko na muna yung librong gusto ko bago ko kumain” sambit sa kanyang sarili.

Nang papunta na siya sa cahier para magbayad.


Itutuloy...
Ang haba pang mmk ang storya ..
 
Blag!

“Aray ko naman, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo” reklamo ng dalaga.
“Sorry miss, hindi ko napansin na may mababangga pala ko pasensiya na talaga” habang pinupulot ang mga pinamili ng dalaga.

Pagkatapos pulutin ng lalaki ang pinamili ng dalaga ay bigla siyang umalis dahil may nakalimutan siyang bilin kaya hindi muna siya pumila. Habang hinahanap niya yung bagay na kulang ay bigla siyang napaisip.

“Teka bibilin ko pa ba yung kulang o hindi na hmmmmmmmmmmm……..nah hindi na lang siguro saka tom jones narin ako at baka magwala yung mga anaconda ko sa tyan”

Nang pabalik na siya sa cashier ay napansin niyang mahaba ang pila, wala siyang ginawa kundi pumila kahit alam niyang aabutin siya ng siyam-siyam bago makabayad.

After 5 minutes.

“Pssssst!” sambit ng isang nakapila sa cahier.

Nung una hindi pinansin ng lalaki kung sino yun kaya naghintay na lang siya ngunit maya-maya.

“Psssssssssssssssssssssssssst!” medyo mas mahaba na.

Tinginan ang lahat ng tao sa bookstore pero ang lalaki parang walang paki sa nangyayari. Sa sobrang inis ng tumatawag ay nilapitan niya ang lalaki para kausapin.

“Hoy magaling na lalaki, kanina pa kita tinatawag, bakit hindi mo ko pinapansin ha?”

“Eh malay ko ba kung sino yung tinatawag mo kaya hindi ko pinapansin”
“Bulag ka na nga, suplado ka pa” medyo nainis.

“Pasensiya na miss, akala ko ibang tao ang tinatawag mo kaya hindi ako lumilingon.

Lumapit ang dalaga sa kanya para may sabihin.

“Isabay mo na yang pinamili mo sakin para hindi ka na mag-antay ng matagal dyan” sambit sa mahinang boses.

“Na ko huwag miss, bad yung iniisip mo”
“Ano gusto mo, mabilis kang makaalis dito o maghintay ka ng siyam-siyam”

“Eh ano ba gagawin ko?” medyo nagtataka.
“Basta sakyan mo lang ako, sigurado gets mo agad ang sasabihin ko”

“Sige sabi mo eh”
“Pag umalis ako tapos bumalik ako sa pila ko yun na ang hudyat okay?”

“Okay sige miss” medyo tuliro ng konti.

Nang bumalik ang dalaga sa kanyang pila sa cashier.

“Ang daya mo naman sabi mo may bibilin ka lang saglit pero pinaghintay mo ko kaya eto konti lang ang nabili ko” sabay kindat sa lalaki.

“Pasensiya na, medyo naligaw ako sa loob eh” habang papalapit sa dalaga.

Nang magkatabi na sila sa pila

“Isabay mo na tong binili ko kung okay lang” sambit ng dalaga.
“Sure yun lang pala eh akin na”

“Eto oh” sabay abot

Medyo pinagtinginan sila ng ibang nakapila pero isa lang ang naglakas loob na magreklamo.

“Miss masama yang ginagawa mo, bakit mo pinasingit yang kasama mo” medyo mataas ang tono ng boses.

“Hoy! For your information ako po yung pinapila niya kanina pa, hindi ko lang siya nakita agad dahil may binili pa siyang iba hindi ko napansin na mahaba na pala ang pila” paliwanag ng dalaga.

“Talaga lang ha?” sabay tingin sa kasama ng dalaga.
“Oo sir siya po yung pinapila ko kanina kasi may nakalimutan akong bilin” paliwanag niya.

“Sa susunod kasi magtanong muna para hindi mapahiya, gusto pa gumawa ng eksena sigh” medyo naiinis na.

Sa sobrang hiya ng lalaking nanita ay wala siyang nagawa kundi umalis na lang kaya bulungan ang ibang nakapila pero balewala lang sa dalaga ang nangyari kaya hindi na lang niya pinansin, Nang nabayaran nilang dalawa ang pinamili ay sabay na silang umalis sa bookstore. Habang naglalakad ang dalawa ay parang may namumuong tensyon at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

After 5 minutes.

“Miss salamat pala” sambit ng lalaki.
“Wala yun” sambit ng dalaga.

“Ahmmmmmm…..miss ano pala name mo?”
“Job interview ba to?” pagtataka ng dalaga.

“Hindi, gusto ko lang malaman ang name mo”

Nagkaron ng katahimikan saglit.

“Alexa” sambit ng dalaga.
“Ay akala ko Alexis ang name mo kasi para kang lalaki kung umasta eh”

“Tse! Lalaki ka dyan Alexa nga name ko A.L.E.X.A. gets mo ba?”
“Opo Ms. Alexa” sabay ngisi

“Ngayong alam mo na ang name ko baka pwede ko ding malaman ang name mo”
“Sure yun lang pala eh I’m Fred nice to meet you” sabay nakipagkamay

“Hello Fred”
“May nabasa ako tungkol sa name mo Ms.Alexa” sambit niya.

“At ano naman ang nabasa mo tungkol sa name ko Mr. Fred ha?”
“Ang totoo Ms.Alexa eh yung ibig sabihin lang ng name mo yung nabasa ko sa isang libro”

“Oh talaga? ahmmmmm…..sige nga kung alam mo eh ano ibig sabihin ng name ko”
“Man’s defender ang ibig sabihin ng name mo Ms. Alexa”

“Ah talaga? ngayon ko lang nalaman yun ah saka please lang sana wala ng Miss, Alexa na lang itawag mo sakin”
“Sorry Alexa nahihiya lang ako kausapin ka ng hindi formal pero dahil sinabi mo na wala ng ms. sa dulo eh sige”

“Ahmmmmm…..Fred may pupuntahan ka pa ba pagkatapos?”
“Wala naman Alexa, bakit mo natanong”

“Nagugutom na kasi ko eh samahan mo naman ako kumain”
“Sige yun lang pala eh ako rin kasi gutom na, hanap tayo ng pwede kainan”
“Okay”

Habang naglalakad ang si Fred at Alexa ay hindi nila makalimutan ang nangayring eksena sa loob ng bookstore kaya tawa parin sila ng tawa, nagdesisyon silang kumain sa isang sikat na kainan na alam ng lahat, nang nakaupo na silang dalawa.

“Alexa ano sayo?”
“Kung ano yung oorderin mo yun na lang din sakin”

“Ganon ba? sige ako na bahala”
“Okay thanks Fred”

“Sige saglit lang at pipila lang ako”

Habang nakapila at naghihintay si fred, di mawala ang tingin niya kay alexa dahil ngayon lang niya napansin na maganda pala ang dalaga, hindi niya agad napansin ang panlabas na anyo ng dalaga dahil nung mga oras na magkausap sila ay sobrang absent minded niya kaya late niya napansin ang taglay na ganda nito. Sa tuwing napapatingin si fred at nahuhuli siya ni alexa ay bigla itong naiwas ng tingin para hindi siya mabuking.

After 15 minutes.

Pabalik na si Fred sa pwesto nila dala yung inorder niya para sa kanilang dalawa ni Alexa at umupo.

“Sorry kung matagal, ang haba ng pila eh”
“Okay lang, ganyan naman talaga kapag lunch marami talagang tao”

“Oo nga eh, tara kain na tayo alam kong gutom ka narin”
“Mabuti pa nga”

Nang tapos na silang kumain.

“Pssssssssssst………may napansin ako sayo kanina habang nakapila ka” sambit ng dalaga.
“Ano naman ang napansin mo sakin Alexa”

“Napansin ko lang kanina habang nakapila panay ang tingin mo sakin hihihi…akala mo di ko pansin yung ginagawa mo ha?”
“Ay ganon ba? Sorry Alexa akala ko kasi nakakita ako ng anghel kaya panay nakaw tingin ako, ang ganda mo kasi eh”

“Bolero ka pala hay na ko Fred wala akong pera”
“Uy hindi bola yung sinabi ko, I’m just being honest”

“Weh talaga lang ha?”
“Okay lang kung ayaw mo maniwala sakin basta ang sinabi ko totoo at hindi ka-plastikan yun”

“Hindi ko naman sinabing nakikipag-plastikan ka sakin Fred pero salamat sa papuri mo flattered ako”

“No worries Alexa ganon talaga ko maka-appreciate ng babae pero may napansin ako sayo” sabay ngisi
“At ano an naman ang napansin mo ha Fred”

“Ahmmmmmmmm……..sasabihin ko pa ba?”
“Sabihin mo kundi magagalit ako”

“Hay…….sige sige sasabihin ko pero hiya ako eh”
“Sus! Ngayon ka pa nahiya sabihin mo na kasi kung ano yun”


Itutuloy...
modify_inline.gif
 

Attachments

“Nasaan ang pakpak mo?”
“Ha? ano daw”

“Ang sabi ko alexa nasaan ang pakpak mo”
“Bakit mo naman nasabing asan ang pakpak ko”

“Kasi di ba sinabi ko kanina na nakakita ako ng anghel kaya tinatanong ko kung nasaan ang pakpak mo”
“Ay ako ba yung sinasabi mong anghel hihihi” sabay hampas ng mahina
“Pinuri na nga nanakit pa”

“Arte mo naman mahina lang yung paghampas ko pero salamat sa papuri, pinasaya mo araw ko ngayon fred sa totoo lang”
“Ganon ba? salamat napasaya pala kita ahmmmmmmmm….bakit may problema ka ba?”

“Wala, gusto ko lang maglabas ng stress toxic kasi masyado kapag may ginagawa sa school eh”
“Ganon ba bakit ano ba course mo?”
“Management, ikaw?”
“Computer science”

“Oh eh di magaling ka sa computer”
“Sakto lang alexa, more to go pa ko sa course ko”

“Bakit anong year mo na ba?”
“Second year”

“Same year lang pala tayo eh magka-batch pala tayo”
“Ay ganon, ngayon ko lang nalaman na same year tayo” sabay ngiti

“Hihihi ….now you know”
“Hahaha…yeah”

“Matanong ko Fred ahmmmm…….bakit ka nagpunta sa bookstore”
“May binili lang akong libro na tingin ko pwede magtanggal ng sama ng loob ko”

“Bakit naman masama ang loob mo” medyo nagtaka
“Sorry Alexa ayoko na pagusapan, change topic na please”

“Okay ikaw bahala, sabihin mo sakin kung okay ka na I mean kung kailan ka pwedeng mag-share”
“Ganon ba? hmmmmmmmm…..sige pero nakakahiyang magkwento saka ngayon lang tayo nagkakilala eh”

“Okay lang Fred, willing ako makinig ng kwento ng iba mas maganda kung may pinagsasabihan ka ng problema kasi kapag sinolo mo yan baka masiraan ka ng bait sa huli”
“Hindi naman siguro aabot sa ganon, nasa katinuan pa ko kaya malabong mangyari yung sinabi mo”

“Hihihi….akala ko lulusot eh”
“Eh hindi lumusot eh hahaha”

“Hmp oo nga eh kainis ka”
“Hehehe….”

“Fred uwi na tayo medyo madilim na eh”
“Ganon ba? sige tara”

Habang naglalakad palabas ang dalawa sa mall

“Ahmmmmm….Alexa saan ka ba nauwi?”
“Sa San Pedro lang, eh ikaw?”

“Sa San Pedro din lang ako”
“Ganon ba? sabay na tayong umuwi Fred”

“sige tara sakay na tayo ng van para hindi mainit”
“Sige”

Nang nasa labas na sila ng mall

“Alexa ayun oh may van na malapit na umalis tara bago pa tayo maunahan” sabay turo
“Oo nga, tara na”

After 2 minutes ng nakasakay na sila sa van, tahimik sa loob ng sasakyan dahil karamihan ng kasabay nilang pasahero ay tulog oh di kaya’y may mga sariling mundo pero isa sa kanila ang naglakas loob na magsalita.

“Alexa ahmmmmmmm….” medyo kinakabahan
“Ano yun Fred”

“Pwede ko ba hingin number mo”
“Ahmmmmm…..bakit mo hinihingi number ko”

“Wala para ma-text kita just in case na pupunta ulit ako sa mall para may kasama ako, boring minsan umalis kapag ikaw lang mag-isa”
“Hay sinabi mo pa, kung hindi lang ako stress sa school eh hindi talaga ko pupunta sa mall ngayon ay! Oo nga no para may communication tayo kahit di tayo magkita wait bigay ko sayo number ko” kinuha sa bulsa ang cellphone sabay pinakita ang number

“Wait save ko lang, ayun naka-save na salamat”
“No problem Fred” sabay ngiti

Nang malapit na ang dalawa sa kanilang destiansyon ay biglang nagsalit si Fred

“Boss sa kanto lang”
“Sige po,saglit lang park ko lang para hindi makaabala” binagalan ang pagmamaneho

Nang nakahinto na ang van na sinakyan ng dalawa ay naunang bumaba si fred at inalalayan si alexa.

“Salamat Fred” sambit niya
“Walang anuman” sabay ngiti

Habang naghihintay sa kanto ang dalawa

“Fred pwede humingi ng favor”
“Sige ano yun”

“Samahan mo naman akong tumawid kasi natatakot ako eh”
“Sige yun lang pala eh”

“Thank you” sabay ngiti
“No problem” gumanti ng ngiti

After 2 minutes

“Ayun Alexa naka-stop na tara tawid na tayo”
“Okay”

Nang patawid na ang dalawa ay biglang hinawakan ni fred ang kamay ni alexa para iparamdam sa kanya na safe siya sa binata habang tumatawid sa daan, nagulat ang dalaga ng gawin niya yun akala niya dumidiskarte na agad ang binata pero naramdaman niya bigla na gusto lang ipakit ng binata ang pagka-gentleman niya, nang makatawid na ang dalawa.

“Fred dito na lang ako”
“Huh? bakit” medyo nagtataka

“Kasi dyan lang yung terminal ng tricycle na sinasakyan ko” sabay turo
“Ah ganon ba? gusto mo hatid na kita hanggang sa bahay niyo”

“Nako Fred saka na, medyo strict ang parents ko eh”
“ganon ba? okay lang Alexa, next time bawal na tumanggi” sabay ngiti

“Oo promise Fred” gumanti ng ngiti
“Okay sabi mo yan ha?”

“Sige mauna na ko sayo, ingat ka pauwi bye” sabay sakay sa tricycle na nakapila
“Sige salamat sa oras Alexa, ingat ka rin” sabay kaway

Nang nakaalis na ang sinakyang tricycle ng dalaga ay saka lang umalis ang binata para umuwi, nang nakasakay na siya ng jeep ay hindi mawala sa sarili niya ang saya sapagkat may bagong babae na nagbigay na naman ng kulay sa kanyang pagkatao, ayaw niya munang isipin na hindi don matatapos ang kanilang pagkakaibigan dahil alam niya sa sarili niya na lagpas sa pagkakaibigan nila ang susunod na mangyayari.

Nang makarating siya sa kanilang bahay ay may napansin ang kanyang mama

“Mukhang masaya ang anak ko ah, kamusta naman ang lakad mo” sabay ngisi
“Okay po ma, kumpleto ang araw ko ngayon”

“At bakit mo naman nasabi na kumpleto ang araw mo aber” pilit hinuhuli ang susunod na sasabihin ng anak niya

“Ahmmmmmm…..kasi ma may bago po akong kaibigan na for sure magugustuhan
niyo ni papa pag pinakilala ko sa inyo ahmmmmmmmm….teka asan nga po pala si papa”
“Ayun nasa gimikan, biglang nayaya ng mga dati niyang classmate sa college kasi matagal na sila di nagkikita-kita pero may tiwala naman ako sa papa mo, subukan lang niya mambabae nako lagot siya sakin”

“Ma, huwag po kayong mag-alala kay papa, alam ko pong di niya gagawin yun kasi mahal niya po kayo”
“Pareho kayo ng papa mo, bolero hihihi”
“Ma naman, nagsasabi lang po ako ng totoo”
“Oo na anak, naniniwala na ko sayo” sabay ngisi

“Parang duda po ko sa ngiti niyo ma”
“Bakit mo naman nasabi anak” medyo nagtataka

“Kasi yung ngiti niyo po eh parang may ibig sabihin”
“Anak walang ibig sabihin ang ngiti ko, masaya lang si mama sa sinabi mo, pero bago mo ako mahuli eh kwento mo naman yung tungkol sa bagong kaibigan mo hihihi”

“Ahmmmmmmm……..bat parang bigla po kayong naging interesado ma” medyo nagtaka
“Wala lang anak, gusto lang malaman ni mama” sabay ngisi

“Hmmmmmmmm…….sige kahit konti lang po sabihin ko parang kagaya ng pantalon” sabay ngisi
“Parang pantalon? ano ang ibig mong sabihin anak” medyo duda

“Parang kagaya po ng pantalon, medyo bitin” sabay ngiti
“Hay naku anak, pinapatagal mo pa ikwento mo na kay mama” medyo excited

“Sige po sabi niyo eh, may nakilala po akong girl sa bookstore her name is alexa akala ko nga po nung una eh suplada siya kasi unang tingin mo palang sa kanya talagang matatakot ka kasi may pagkamataray siya pero nung nagkaron po kami ng conversation hindi naman siya mataray talaga kasi sobrang bait po niya”

“Talaga anak ahmmmmmmmm…..tapos?”
“Kumain po kami sa labas kasi nagutom po kaming dalawa pagkatapos naming pumila para magbayad ng pinamili medyo nagulat nga po ko sa kanya kasi kinabahan po ko sa ginawa niya sa bookstore”

“Bakit ano ba ginawa nung nakilala mo” medyo nagtataka
“Kasi po kanina nung nasa pila ako at babayaran ko na po yung binili kong libro ay napansin kong mahaba pala ang pila, nabangga ko po kasi siya nung papunta na po ko sa cashier humingi po ako ng sorry sa kanya tapos pinulot ko po yung dala niya sabay po umalis ako kasi po parang may nakalimutan po ako kaya umalis po ako agad tapos kagaya nga po nung sinabi ko eh mahaba na po ang pila nung bumalik ako, may sumitsit pero di kop o pinansin nung una tapos may sumitsit po ulit medyo malakas na po kaya tinginan po yung mga nakapila tapos mga ilang segundo may lumapit po sakin nalaman ko lang po sa huli na siya pop ala yung sumitsit, nung una po medyo nainis po siya sakn kasi po hindi ako nalingon pero nagpaliwanag naman po ako kung bakit tapos bigla siyang may binulong sakin na ikinagulat ko”

“Ano naman yung binulong niya sayo anak”
“Sinabi lang po niya kung gusto ko makaalis agad sa bookstore, sinabi niya rin po na isabay ko na po yung pinamili ko sa pinamili niya para hindi na po ko maghintay ng siyam-siyam”

“Oh tapos ano yung sumunod na nangyari” medyo excited
“So ayun nga po, sinabi niya po sakin na pagkabalik po niya sa pila niya eh yun na po ang go signal para makasingit po ako sa pila”

“Tapos ano pa nangyari anak?”
“Ayun nga po ma, nung saktong nagsalita siya eh lumapit na po agad para hindi po halata na pinasingit niya po ako sa pila hehehe….success nga po eh kasi walang nagreklamo pero akala ko po wala pero may isang malakas ang loob na nagreklamo samin”

“Ganon ba anak, hmmmmmmmm….bakit ano ba sinabi sa inyo nung nagreklamo”
“Ah yun po ba ma, medyo sinermunan lang po kaming dalawa ni Alexa nung isang lalaki sinabi po niya na masama po yung ginawa ni alexa pero si alexa eh hindi po nagpatalo sa kanya, pinaliwanag po niya ng maayos, tinarayan niya nga po yung lalaki kanina sa pila kasi nahalata niya pong gusto lang gumawa ng eksena yung lalaki pagktapos po nun umalis na po yung lalaki kasi napansin niyang pinaguusapan na siya ng ibang tao sa pila”

“Natawa ko sa ginawa ng kaibigan mo anak hihihi……gawain ko kasi yan dati nung college pa ko pero shhhhhhhhhh….huwag ka maingay at baka malaman ng papa mo” sabay takip sa bibig ng anak at sumenyas na huwag maingay
“Hehehe….gawain niyo din pop ala yun dati ma hahaha…hindi ko alam yun ah”

“Oo kaya huwag ka maingay sa papa mo at baka pagalitan ako nun hihihi”
“Oo naman ma, don’t worry your secret is safe”

“Pero tingin ko anak bagay kayong dalawa”
“Bakit niyo naman po nasabing bagay kami ma” medyo nagtataka

“Basta anak bagay kayo”
“Hindi ko po ma-gets yung ibig niyo pong sabihin ma” medyo nalito

“Yung gusto mong itanong sakin anak ikaw lang ang makakasagot ng ibig kong sabihin”
“Hmmmmmmmmm…….medyo napaisip po ko sa sinabi niyo ma, ay maiba pop ala tayo ma kumain na po kayo”

“Oo anak, si papa mo sa labas na daw kakain kung gusto mo kumain ulit eh kumain ka huwg mo kalimutang hugasan yung pinagkainan mo mamaya”
“Sige po ma pagkatapos ko magbihis, akyat lang po muna ko sa kwarto ko”

“Sige anak”
“Saglit lang po ma”

Nang nasa kwarto na si fred ay bigla niyang kinuha ang phone niya para may i-text

Nasa bahay nako, salamat sa oras at kulitan ingat ka lagi –Fred




Itutuloy...
 
After 3 minutes ay biglang may nagreply kay fred, nagulat siya dahil nagreply ang bagong kaibigan niya na kasama niya kanina sa mall.

Thanks din sa time mo, take care always – Alexa

Akala ni Fred ay tulog na si Alexa kaya nagulat siya nung nagreply sa tinext niya, kaya nagtext ulit siya.

Be right back, kain ulit ako

After 2 minutes

Okay, take your time

Pagkatapos mabasa ni fred ang reply ni alexa ay dali-dali siyang bumaba para kumain, nagulat siya dahil gising pa ang mama niya.

“Ma, bakit gising pa kayo?”
“Inaantay lang kita kumain anak tapos matutulog narin ako”

“ganon po ba? hmmmmmmmm……..si papa hindi niyo na po hihintaying dumating”
“Na ko hindi na, malaki na siya saka alam kong late na makakauwi yun dahil naharang na naman ng mga classmate niya nung college”

“Ay oo nga po pala hahaha…”
“Maiba tayo anak, mukhang nagmamabutihan na ata kayo nung bago mong kaibigan ah ahmmmmmmm…ano nga pala pangalan niya” nag-iisip ng konti

“Sirit na po ba kayo kung ano talaga pangalan niya?”
“Teka huwag mo muna sabihin, huhulaan ko pa teka ahmmmmmmm……..Anna ba tama?

“Mali po” sabay ngisi
“Ahmmmmmmmm…..Anne?

“Mali parin po ma”
“Hay……..sige na nga, sirit na ko anak” napakamot sa ulo

“Her name is Alexa and she looks like an angel” sabay ngiti
“Hmmmm……nice name ha? talaga bang mukha siyang anghel anak ” sabay ngti

“Opo ma, pag nakita niyo siya sigurado magugustuhan niyo siya”
“Hmmmmmmm….nililigawan mo na ba?”

“Ma naman nasa getting to know stage palang kami saka kakakilala ko palang po sa kanya”
“Biro lang anak hihihi…sana kung maging kayo eh hindi siya kagaya nung ibang naging girlfriend mo”

“Who knows ma kung sakaling maging kami eh mas okay di ba po?” sabay ngisi
“Ngiti ka ng ngiti dyan, hala ubusin mo na muna yung hapunan mo”

“Opo ma, malapit narin po ko matapos”
“Sige anak, take your time antayin na kitang matapos dyan at sabay na tayo matulog”

“Eh ma hindi niyo po ba talaga aantayin si papa dumating?” medyo nagtataka
“Hindi na anak, may duplicate namang susi ang papa mo kaya okay lang malalaman kong nakarating na siya kapag may naririnig akong humuhilik hahaha….”

“Hay…si mama talaga” sabay ngiti

After 10 minutes

“Ma tapos na po kong kumain, hugasan ko lang po tong pinagkainan ko” sabay tayo at diretso sa lababo
“Sige lang anak, hindi naman ako nagmamadali”

After 3 minutes

“Ma, tapos na po ko maghugas”
“Ganon ba? tara akyat na tayo inaantok narin ako eh”

“Sige po ma”

Nang nasa kwarto na si Fred ay bigla niyang tinignan ang phone niya kung may nag-text ngunit malas ata siya dahil wala siyang natanggap ni isang mensahe kaya’t tinext niya agad ang bagong kaibigan na si Alexa

“I’m done, still awake?"

Maya-maya’y may nagreply agad

“Yap why?”
“Wala naman, sinubukan ko lang kung gising ka pa eh nagreply ka it means gising ka pa hehehe…”

“Hay….ikaw talaga :)
“Nyak bakit naman ako ha?” medyo nagtataka

“Wala lang hihihi…”
“Weh di nga? Talaga bang wala, baka meron ha?”
“Wala nga, kulit mo :)

“Okay sabi mo eh
biggrin.gif

“So kamusta naman ang hapunan mo? nabusog ka ba”

“Yap basta luto ng mom ko always busog ako :)
“Talaga? eh di másáráp pala magluto mom mo?”

“Oo sobra :)
“Hmmmmmmm…..sabihin mo sa mom mo gusto ko ma-try ang luto niya pag pinakilala mo ko sa kanya”

“Oo ba, makakarating sigurado matutuwa mom ko kapag nalaman niya yung sinabi mo sakin :)
:)

“Uy antok na ko Fred, bukas na lang ulit tayo magkulitan thanks sa time”
“Likewise Alexa Oyasumi Nasai”

“Huh? Ano ibig sabihin nun”
“It means goodnight in Japanese :)

“Oh I see likewise”
:)

Hindi na nagreply ulit si fred sa huling text ng kanyang bagong kaibigan dahil talagang bagsak na ang mata niya dahil sa antok.

Kinabukasan maagang nagising si fred kaya’t bumangon agad siya sa higaan para maghilamos, maya’maya’y lumabas ng kanyang kwarto para mag-almusal kaya laking gulat ng magulang niya.

“Anak ang aga mo nagising ah hihihi…”
“Eh ma, gusto ko nga po sana matulog ulit kaso ayaw na po dalawin ng antok kaya bumangon na po”

“Uy anak kamusta lakad mo kahapon? balita ko may nakilala ka daw na anghel” sabay ngisi
“Papa talaga oh O.A. kayo masyado, kung anghel po yung nakilala ko sa mall kahapon eh malamang nasa langit na po ko di ba?” sabay ngisi”

“Hahaha….ikaw ha? humihirit ka pa”
“Hindi naman po pa hehehe….”

“Oh siya kumain na muna tayo at baka magkapikunan pa kayong mag-ama dyan”
“Mabuti pa nga po ma, sigurado di po ako titigilan ni papa sa kakaasar sakin”

Dinaan na lang sa tawa ang sagot ng mama ni fred samantlang ang papa niya ay ngiting aso ang ginanti.

After 15 minutes

“Fred iwan mo na lang sa lamesa yung pinagkainan mo, ako na bahala”
“Sige po ma, salamat”

“Ma, yung sakin di ba iiwan ko narin” sabay ngiti
“Sige lang pa, ako na bahala pero next time ikaw naman ang maghuhugas hmp! Lagi na lang ako” nagkunwaring inis.

“Oo ma, basta ikaw ang nag-utos wala akong reklamo” sabay ngiti
“Hihihi….talaga pa? ikaw na araw-araw maghuhugas ng pinagkainan natin” medyo nagtataka

“Oo ma hehehe…” medyo nagpipigil ng tawa
“Ay takusa pala kayo pa hehehe…” sabay ngisi

“Takusa? ano naman ibig sabihin nun anak” medyo nagtataka
“Takot po sa asawa ibig sabihin nun ma”

“Hihihi….ikaw talaga anak puro ka kalokohan”
“Hindi naman po ma, narinig ko lang po sa isang classmate ko nung one time nagpunta ko sa bahay nila para maglibang eh sakto andon po pareho parents niya at napansin kong under po yung father niya, kaya nasabi na lang po sakin ng classmate ko eh takusa ang papa niya”

“Loko kang bata ka di ako takusa, masunurin lang ako sa mama mo” sabay ngisi
“Aha! Masunurin ka lang pala sakin ha? di ka tatabi sakin matulog mamaya” pinipigilang matawa

“Joke lang ma, ito naman di mabiro hehehe…”
“Weh? Joke lang daw po ba talaga yung sinabi niyo pa” sabay ngisi

“Oo anak, bakit may reklamo?”
“Hehehe….wala po” sabay ngisi

“Oi tumigil na nga kayong dalawa dyan at baka magkapikunan pa kayo”
“Yes dear” sabay ngiti

“Opo, ma doon lang po ako sa kwarto ko tawagin niyo na lang po ako pag may ipaguutos kayo”
“Sige anak”


Itutuloy
 

Attachments

Habang nag uubos ng oras sa kwarto si Fred bigla niyang naisipang buksan ang computer at mag browse sa kanyang Facebook, sa hindi inaasahang pangyayari na aksidente niyang na click ang profile ng ex niyang gold digger. Biglang nasira ang gabi niya dahil sa nabasa niyang status ng ex niya.

“Mahal niya talaga ko, ang hindi niya alam yung pera niya ang mas mahal ko”

Sa sobrang asar ni fred binlock na lang niya ex niyang gold digger para mabawasan kahit papano ng basura sa friend list niya at para na rin magkaron siya ng peace of mind. Bigla niyang naisipang lumabas sa kwarto para mag muni-muni, akala niya tulog na magulang niya kaya’t napansin siya ng mama niya parang nasa kawalan ang kanyang utak.

“Anak, mukhang may problem aka ata?”
“Wala po ito ma, kailangan ko lang po ng peace of mind”
“Kunwari ka pa, kilala kita anak kapag hindi ka kumikibo, kapag tahimik ka malalim ang iniisip mo. Teka ano ba kasi iniisip mo?”

“Hindi naman po masyado ma, nasira lang araw ko dahil sa nakita ko sa facebook status ni ex”
“Ex mo? Sino don yung pinerahan ka lang tapos sumama sa iba?”

“Ayoko na po maalala ang lahat ma, kaya nga po mas pinili kong lumabas sa comfort zone ko para kahit papano makapaglibang ako at para na rin makalimutan ko yung nangyari”
“Alam mo anak masisiraan ka lang ng bait kapag hindi mo kinukwento sa iba, kung ako sayo magkwento ka, willing makinig si mama mo ano ka ba”

 
Napabuntong hininga si Fred saka nagkwento kung ano talaga ang nangyari.

“Ganito po kasi yun ma, nung nagbrowse ako sa facebook aksidente ko na click profile nung ex ko ang masama pa eh nasira araw ko ng mabasa ko latest status niya”
“Ano ba kasi ang nabasa mo na ikinasira ng araw mo anak? Masyado kang pa suspense” sabay ngisi

“Hahaha…hindi naman po ma, grabe hindi po ako pa sunspense”
“Hala sige! Magkwento ka pa”

“So ayun na nga po nung aksidente kong na click profile ni ex tapos po nabasa ko yung latest status niya na ganito ang nakalagay: Mahal niya talaga ko, ang hindi niya alam yung pera niya ang mas mahal ko.”

Napakunot ang noo ng mama ni fred pero pinilit niya maging kalmado para mapagaan ang loob ng kanyang anak.

“Hayaan mo na anak move on ka na, imbes na mag mukmok ka mag enjoy ka habang bata ka pa”
“Ganon nga po ginagawa ko ma, kaya nga po lumalabas ako para hindi ko po maisip yung ginawa sakin”

“Pero kulang”
“Alam ko po ma, kaya nga po lumalabas ako kapag wala akong klase imbes na matulog ako gumagala ako, kung hindi ako pumunta last time sa mall hindi ko po makikilala si Alexa”

“Inlove ka nga talaga sa kanya anak, Wow sign yun!” sabay ngisi.
“Ma talaga hahaha….getting to know stage pa lang po kami”

“Getting to know stage ka dyan, tigil tigilan mo nga ko fred, magaral ka muna bago relasyon”

Nagulat si Fred sa sinabi ng mama niya, ilang segundo biglang tumawa ng malakas mama niya.

 
“Joke lang anak hihihi….okay lang na pumasok ka sa isang relasyon basta huwag mo pabayaan pag aaral mo kasi yun ang hindi kayang nanakawin sayo tandaan mo yan lagi.”
“Opo ma, hindi ko po nakakalimutan yun, kailangan po balance lahat di ba po?”
“Oo naman anak, teka kamusta naman status niyong dalawa?”

“Umamin ka na ba sa feelings mo para sa kanya?”
“Nagpaalam ka na bang manligaw sa kanya?”

Mga tanong na ikinagulat ni Fred dahil hindi niya inaasahan na ganon pala ugali ng mama niya.

“Ma, isa isa lang po mahina kalaban”
“Joke lang anak hihihi…to naman hinuhuli lang kita” sabay ngisi

“Ma talaga oh, pero may doubt po ako”
“At ano naman yun aber?”

“Na baka I reject niya ko”
“Ano ka ba anak, paano mo malalaman na may chance ka kung hindi mo susubukan ika nga try lang ng try kesa yung hindi mo pa nga sinusubukan umaayaw ka na”

“Ma kasi……”
“Kasi ano?”

“Baka hindi niya ko po magustuhan”
“Bakit mo naman nasabing hindi anak?”

“Kasi po ma baka mataas ang qualification niya sa isang lalaki”
“Anak makinig ka sakin at ipapaliwanag ko.”

“Sige po ma, I’m listening”

“Alam mo anak, sa panahon ngayon hindi na uso ang pa torpe effect. Bakit ko nasabi? Kung babagal bagal ka sa panliligaw sa isang babae ikaw ang mag suffer kasi naunahan ka ng ibang karibal mo sa kanya”

“Kahit nga di nabiyayaan ng magandang mukha nagiging pogi sa paningin ng babae, bakit? Simple lang ang sagot, it’s either joker yung guy o kaya may sense of humor kaya nagustuhan siya ng babae kaya naging sila. Pero may iba na hindi ganon yung iba dinadaan lang sa yabang”

“Ano po ibig niyong sabihin ma”
“Ganito yan anak, ibig kong sabihin eh pa cool yung iba para magpa impress sa babae na gusto nila, may mga nabubulag sa ganon anak marami may iba hindi pinapatulan bakit ko nasabi? Kasi nagiging observant sila in the end hindi sila nabobola, tandaan mo anak sa panahon ngayon gwapo man o hindi marunong na mambola, pati mga babae ganon din yung first encounter niyo ni Alexa inoobserbahan ka na nun kaya tingin ko may chance ka sa kanya pero anak aware ka dapat sa paligid mo, alam kong maganda siya so panigurado marami kang karibal pero anak lagi mong iisipin na hindi ka nakikipag kompitensiya sa mga karibal mo, sa’yo alam mo ba kung ano iniisip nila?”

 
“Ano po ma?”
“Simple lang pero may laman: May the best man win!”

“Ganon po ba yun ma?”
“Oo anak ganon yun, alam mo naman ang mga lalaki ma pride yang mga yan. May iba gumaganti porket hindi sila ang pinili tapos ginagawa nilang miserable buhay, in short ayaw nila maging masaya ang tao”

“May iba pa nga eh gumagawa pa ng paraan para maging sila nung babae tapos yung mahal talaga ng babae eh bigla na lang nawawala” dagdag niya.

“Grabe naman po ma, ang sama naman”
“Ganon talaga anak, hindi patas ang mundo. Alam mo ba kung paano kami nagkatuluyan ng papa mo?”

“Sige po, paano?”
“Nung dalaga pa ko anak, marami talagang nanliligaw sakin pero naging observant ako kahit nung high school pa lang ako pero ang priority ko noon pag-aaral talaga kaya lahat ng nanliligaw sakin noon hindi ko pinansin kasi habang tumatagal unti-unti lumalabas pagkatao nilang pangit. May nanligaw pa sakin noon hindi kagwapuhan pero hindi ko pinansin kasi nga priority ko talaga noon pag-aaral muna, after ko tanggihan yung alok ng nanliligaw sakin doon lumabas totoong ugali niya, mayabang, feeling sikat saka namemersonal, ako nga nabiktima pero hinayaan ko na lang kasi wala naman akong mapapala sa kanya, sa huli tinigilan ako kasi tinanggap na niya na hindi magiging kami”

“Kasi napalaki ako ng magulang ko na maging humble kahit pangit ang ugali ng nasa paligid mo araw-araw, maraming insecure sakin bakit ko nasabi? Kasi sa tuwing makakasalubong ko sila sa isang lugar kilala ko man o hindi ang mata nila mapapansin mong nangungutya pero hinayaan ko lang kasi masasayang lang oras ko.”

“Yung iba nagbanta pa sakin na hahagisan ako ng muruatic sa mukha pero tinawanan ko lang yung sinabi sakin, imbes na ako yung na karma bumalik sa kanya. Yun ang tinatawag na Law of Karma”

“Ano po ibig sabihin ng Law of Karma ma?”
“Ganito yan anak, When you do good, good karma will come, when you do bad, bad karma will come” paliwanag niya.

“Okay po ma, get’s ko na po”
“Ang papa mo ganon din ang naranasan, mas malala pa nga eh”

“Hindi ko po get’s ma, paano pong malala?”
“Ganito yan anak, nung time na maraming nanliligaw sakin magkaiba yung school na pinapasukan namin ng papa mo kaya bihira niya ko makita, coincidence lang sa isang lugar sa tuwing nakakasabay ko siya pag sumasakay ako sa jeep kasi halos magkapit bahay lang kami, dalawang kanto ang pagitan. Alam niya kung ano nangyayari sakin sa school ko at kung sino yung mga suitors ko.”

 
“Nyak, ganon po ba? Para pa lang ninja si papa noon”
“Hindi lang ninja, isang alamat ang papa mo pagdating sa ganon hihihi…”

“Hahaha…mama talaga oh, tuloy niyo po kwento please” makaawa niya.
“Sige”

“Hindi ko siya nakakasabay sa pagpasok dati, sa paguwi lang tahimik papa mo. Observant din gaya ko kaya nagkaron agad ng mutual understanding, nung time na napansin ng isang nanliligaw sakin yung ginagawa ng papa mo noon pinagbantaan siya pero ang papa mo hindi natinag, nagpost pa sa social media yung isang manliligaw ko as in talagang galit sa papa mo” paliwanag niya.

“Ano po ibig niyong sabihin ma” pagtataka niya.

“Sige para maintindihan mong mabuti anak, in short pinahiya papa mo sa social media”
“Public humiliation” sabat niya.

“Oo anak, tama ka” dagdag niya.
“Alam mo ginawa ng papa mo nung nalaman niya ganon ang ginawa sa kanya ng isang nanliligaw sakin?”
“Ahmmmmm….ano po ma?”

“Wala anak, tahimik lang siya. Saka lang gumawa ng hakbang para matigil yung ginawa sa kanya, hindi kasi don nagtatapos ang kalbaryo ng papa mo noon, continues yun pero hindi kumibo papa mo, hindi siya nagpo post sa social media na galit siya o kung ano ginagawa niya araw araw kasi hindi naman siya kagaya ng ibang tao sa social media na magyayabang, magbabanta, yung pasikat effect at kung anu ano pa, humble ang papa mo kahit may banta sa buhay niya noon”

“Ma, may kulang po kayo sa explaination” reklamo niya.
“Ano ba kulang sa paliwanag ko anak?”

“Yung ano po ginawa ni papa don sa nagbanta sa kanya, sabi niyo po kanina wala siyang ginawa so paano po nahinto?” tanong niya.

“Ah yun ba? Simple lang anak, yung lolo mo nakapansin sa kinikilos ng papa mo noon. Napansin ng lolo mo na sobrang tahimik ng papa mo, yung iniisip eh nasa kawalan at wala sa realidad” paliwanag niya.

“Ano po ginawa ni lolo nung napansin po niya na ganon kinikilos ni papa?”
“Kinonpromta mismo ng lolo mo si papa mo anak”

“Ah direct to the point, tama po ba?”
“Tumpak anak! Pero hindi sumagot papa mo nung tinanong siya ng lolo mo, alam mo ginawa ng lolo mo?”

“Sige ano po ma”
“Nagisip maigi, maraming tanong na gumugulo sa isip ng lolo mo kung bakit sobrang tahimik ng papa mo dati, ang ginawa niya nagpatulong siya sa mga dati niyang kasama, ngayon ko lang sasabihin sayo to anak. Dating detective ang lolo mo pero bago siya humingi ng tulong sa mga dating kasama niya nagisip siya ng maraming beses bago kumilos, kasi ayaw niya magkamali dahil matindi ang balik sa kanya”

“Ay marami po akong kilalang detective lalo na po sa social media pero lahat po sila mga huwad na detective”
“Napansin mo rin pala yun anak hihihi…nagmana ka samin ng papa mo” pang aasar niya.

“Sige po ma, tuloy niyo na po kwento”
“Sigurado ka anak sa sinasabi mo?” dagdag niya.

“Opo ma” sabay ngisi

“Sige anak, tuloy ko, teka! Asan na ba ko sa kinukwento ko?”
“Yung tungkol po kay lolo”

“Ah okay, so ayun na nga anak. Nung nakaisip na lolo mo kung ano gagawin saka siya gumawa ng paraan. Hindi alam ng papa mo yun saka lang niya nalaman nung malapit na mag paalam lolo mo”


“Yung mga dating kasama ng lolo mo lahat ng school sa buong Pilipinas naghanap pati nga sa ibang bansa eh, malawak ang network ng lolo mo anak pero medyo nahirapan sila bago nila matunton yung gumawa ng ganon sa papa mo.”
“Inabot ng 2 buwan bago nila nalaman kung saan talaga matatagpuan yung taong nagbanta sa papa mo, nahanap ng mga kasama ng lolo mo yung kasabwat, hindi ko alam kung ano ginawa nila para mapaamin yung kasabwat, hindi naman nila sinaktan sa totoo lang, may paraan ang lolo mo para malaman ang isang bagay kahit hindi na daanin sa dahas, kung ano man yun sorry anak hindi ko masasagot ang tanong na yan.”

“Okay lang po ma, tuloy niyo po kwento” pangungulit niya.
“So ayun nga after nila malaman ang totoong kwento kung bakit ganon ang kinikilos ng papa mo, natawa na lang lolo mo pati mga kasama niya dati.”
“Insecure sa papa mo, napaka babaw na dahilan sa totoo lang.”

“Sobrang babaw nga po talaga ma, bakit ganon? Gumawa ka ng mabuti may magagalit, gumawa ka ng masama ganon parin hay…”
“Life is unfair anak ang mabuti mong gawin ay maging mapagkumbaba kahit kinukutya ka ng ibang tao, kilala mo man o hindi, hindi mo ikakamatay ang ginagawa nila tandaan mo yan anak.” Paliwanag niya.

“Opo ma, tatandaan ko po lagi, may times po talaga na gusto ko na patulan pero sabi ko na lang po sa sarili ko, ipagdadasal na lang kita”

“Marami na po akong na encounter na ganon lalo na sa social media, kahit po sa forum world, may nabasa nga po ko dati kaya nagbackfire yung pinagbantaan na isang tao kasi nakikielam daw sa relasyon ng bestfriend niya, kunwari lang po na wala siyang alam pero ang totoo ma insecure yung taong yun sa bestfriend nung babae, paano nalaman ng lalaki na insecure sa kanya? Naramdaman niya nung una pa lang saka lang po nag sink in kasi according sa nabasa ko busy sa totoong buhay yung bestfriend niyang lalaki kaya hindi siya naka focus sa ganon pero naging malinaw po sa kanya ang lahat, naka maskara pala yung dating boyfriend ng bestfriend niya ang nakakatawa pa po sa nabasa ko ma yung mga sumawsaw po sa issue, sinuhulan pa po yung lalaki na I live daw po sa social media, kakainin ng buhay, hindi na daw makakauwi ng kumpleto katawan.” Paliwanag niya.

“Ay ganon ba anak, iba na talaga panahon ngayon no, tuwang tuwa sila sa public humiliation, akala naman nila ikaka pogi nila yun, hindi tunay na lalaki yun anak maniwala ka sakin.” Dagdag niya
“Ma, may nakalimutan po kayo” sabat niya

“Ay oo nga pala, pasensiya na anak hihihi…”
“Tuloy niyo na po tungkol kay papa ma, mamaya ko po itutuloy yung karugtong ng nabanggit ko”

“Okay anak, inom lang ako ng tubig saglit. Nakakapagod din magkwento hahaha”

After one minute.

“okay, game na ulit” sabi ng mama niya
“okay po ma, game!” sambit ni fred

“Nung napaamin ng mga kasama ng lolo mo yung kasabwat sa ginawang pagbabanta sa papa mo pinatawad siya pero may iniwang salita yung mga kasama ng lolo mo na lolo mo mismo nagpasabi bago nila iwan ng mga kasama niya”

Medyo natuliro si Fred sa sinabi ng mama niya.

“Hindi ko po na gets ibig niyong sabihin ma, ano po ba sinabi ng mga kasama ni lolo doon sa kasabwat nung insecure kay papa” pagtakaka ng binata

“Simple pero malalim ang ibig sabihin” sabay ngisi
“I’m watching you” sambit niya

“I see” walang naisagot si Fred kaya napaka tipid ng kanyang sinabi

“Do not test me” dagdag ng mama niya

“Huh?” pagtataka ni Fred
“O bakit ka nagtaka anak?”

“Ano po ibig sabihin nung huling sinabi niyo ma” pagtataka niya
“Ah yun ba? Hahaha…ang ibig sabihin nun anak maliit na mundo mo, bawat kilos mo binabantayan namin, huwag mo subukang magsumbong kung ayaw mong gawin naming impyerno buhay mo” paliwanag ng mama nisaya.

“Ano po sumunod na nangyari ma?”
“Hindi na nagpakita yung kasabwat doon sa insecure sa papa mo anak”

“Medyo magulo pa rin po sakin ma, ano po ang totoong dahilan nung insecure kay papa” pagtakaka niya
“Marami anak, makakatulog ka pag inisa isa ko hahaha….” Pang aasar ng mama niya

“Okay lang po ma, linggo naman po bukas eh”
“Sabihin ko ang dahilan na maiintindihan mo agad anak” dagdag niya

“Sige po ma”
“Talented ang papa mo pero humble pa rin siya, maraming dumidikit sa kanya dahil sa attitude na meron siya pero marami pa ring inggit sa kanya isa na don yung nabanggit ko” paliwanag niya

“Kagaya nga ng sinabi ko very observant ang papa mo lalo na sa paligid niya, once na nalaman niyang gagamitin lang siya para makaangat sa tao eh iniiwasan na niya agad bago pa lumala”
“Isa pang dahilan kaya maraming insecure sa papa mo, kung ano yung dapat na meron sila nasa papa mo lahat kaya insecure sila sa papa mo” dagdag niya

“Ano po ibig niyong sabihin ma” pagtataka niya
“Halimbawa sa school academics, papa ang stand out sa lahat pero hindi niya pinagyayabang yun kahit sinasabihan siyang magaling siya pero ngiti lang pinapakita niya, maraming nagsasabi na mayabang siya pero maraming naniniwala na kaya ganon ang sinasabi sa kanya dahil sinisiraan lang siya, ano ginawa ng papa mo? Wala hinayaan niya lang, focus lang siya sa pag aaral wala siya pakialam sa paligid niya kung natutuwa o nagagalit, ang nangyari tinanggap na nila na hindi kaya maging katulad ng papa mo” paliwanag ng mama niya

Biglang may pumasok sa isip ni Fred na isang salita na talagang napakaganda ng meaning

“Boastful people are people” sambit niya
“Sinabi mo pa anak, kaya iniiwasan ng papa mo ang mga ganong tao” dagdag niya

“Unfair nga po talaga ang mundo no ma, maganda ang panlabas na anyo mayabang pala, hindi na nga maganda ang panlabas na anyo mayabang pa rin sigh”
“Ganon talaga anak, ang mabuting gawin mo hayaan mo lang sila dahil masasayang lang oras mo sa mga ganong klasing tao, huwag ka magpaapekto sa kanila. Hayaan mo silang ma stress hihihi…” sambit niya

“Oo nga po hahaha…alam ko na maraming insecure sakin lalo na po sa school ma pero hindi ko na lang po pinapansin kasi naka focus ako sa pagaaral ko para sa future ko” paliwanag niya
“Bakit ngayon mo lang sinabi sakin yan anak? Hala magkwento ka” pangungulit ni mama niya

“Bago po ako magkwento ma, ituloy niyo yung kwento tungkol kay papa” sabay ngisi
“Hahaha…loko kang bata ka”



Itutuloy....
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top