What's new

Help Help yung girlfriend ko po pinagsasamantalahan ng pinsan niyang sundalo

Semgod

Eternal Poster
Humihingi po ako ng tulong matagal na kasi pinagsasamantalahan yung girlfriend ko ng pinsan niya since bata pa sabi niya saken halos 5years na and 18years old na girlfriend ko kaka-18 lang po and this april lang kakasabi niya lang saken yesterday na march to april ginagahasa na siya ng pinsan niya takot na takot siya magsalita sa pamilya niya lalo't na sundalo yung pinsan niya please po tulungan niyo ko and yung girlfriend ko wala po kaming proof katulad ng video na ginagalaw siya dahil natatakot siya, tuwing umuuwi pinsan niya galing mindanao dun siya ginagahasa mahigit isang buwan tulong po pakiusap, Sa Legazpi, Albay po location ng girlfriend ko please.
Natatakot siya magsalita sa pamilya niya dahil once na siya nagsumbong and sinabi ng mama niya na wag gumawa ng kwento dahil baka mawalan ng trabaho pinsan niya and ako rin sinubukan ko i-chat ate niya and hindi naniwala, pakiusap po kung may makakatulong sa ngayon po wala sa bahay nila yung pinsan niya nasa mindanao pa, meron po ako screen recordings ng conversation namin pero wala pong proof na ginagalaw siya ng pinsan niya, please help
 

Attachments

As you said, girlfriend mo siya so it means na normal lang na may mangyari sa inyo which is baka gamitin din yan laban sa inyo nung demonyo na iyon. Ang point ko lang po is, sana makahanap pa kayo ng mas matibay na ebidensya para mas mapadali yung kaso niyo.
 
Yung sugat gagaling pero yung parang peklat, iyon yung hindi mawawala agad at makikita sa medico-legal. May deadline ng ilang taon yung pagsasampa ng kaso kaya dapat kumbinsihin mo na girlfriend mo. Good luck at sana pansinin kayo ni Tulfo. Kung hindi kahit dun sa police station siya mag-file ng kaso. Babaeng pulis mag-assist sa kanya dun sa Women's Desk. Patulong ka sa PAO para sa kaso. Sila rin mag-payo sa iyo para makipag-coordinate sa AFP para walang magawang kalokohan pinsan niya.
 
masisi mo ba na kay tulfo sila tumatakbo eh mismong alagad nga ng batas gumagalaw sa kanya di naman sa nilalahat ko pero marami narin kasing naitulong si tulfo at naaksyonan din naman
 
Sumbong mo na lods sa police. Tapos kung walang mangyare sa reklamo nyo tska kayo mag pa tulfo. Para maiwasan na ang ganyang maling gawain ng pinsan nya. Kawawa naman lods girlfriend mo magkakatrauma Yan.
 
Sino nagsabing mahina ang kaso? Nag-konsulta ba kayo sa abogado? Kung hindi pa pakuhanin mo ng certificate of indigency sa barangay yung magulang ng GF mo tapos pumunta na sila sa PAO. Usually nasa mga hall of justice sa mga munisipyo yung opisina ng PAO. Yung abogado sa PAO yung magpapayo kung ano gagawin diyan.
 
Mas maganda i-gugel mo na rin yung pinakamalapit na PAO office sa kanila o maganda tumawag ka na rin dun at subukan mo magtanong.

I-try mo rin kung papatulan ng mga abogado ng CHR yung kaso ng girlfriend mo kasi may sundalong involved. Galit sa mga sundalo at pulis mga yun by default. Syempre ikaw na rin ang mag-gugel ng contact details nila at tumawag o mag-email ka na rin.
 
Back
Top