What's new

Android Help sa mga master or android tech

Dark016

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 7, 2015
Posts
1,490
Reaction
1,284
Points
606
May way po bang macopy ang mga files sa phone ko na sira lcd total black screen lang po.
Naka off po ang usb debugging
 
Pwede iback up yung data ng phone mo via recovery. Kaso dapat sakto yung maseselect mo using volume up/down or home button naman.
 
Sira na po yung lcd. Tyaka walang custom recovery stock lang meron bang back up option?
 
Pwede iback up yung data ng phone mo via recovery. Kaso dapat sakto yung maseselect mo using volume up/down or home button naman.
tama ganito din naisip ko pero dapat may isa ka pang phone na same model at brand para malaman mo kung ano pinagagawa mo dun sa sirang phone.
 
para sure, anong unit yan? hanap ka ng lcd na sira pero may display pa sa mga tech.. para ma off mo pass mo at ma on usb debugging..
 
Xiaomi sir. Wala na sana kong balak ipaayos kunin ko lang files ko. Kung may way pa sana
 
Pwede din kung meron sa google na steps para sa device nya. Sayang oras pag naghintay ka ng matagal na nagbaback up sya pero hindi naman pala 😂😂
 
[XX='Dark016, c: 1111513, m: 356876'][/XX] Pwede SIGURO sir kung may pc or laptop kayo. Baka maback up pa using miracle box/thunder.
 
[XX='eugxx, c: 1111545, m: 426669'][/XX] ano po yung miracle box/thunder software for pc??.
 
Meron naman akong same na phone sa pinsan ko same unit. Kaso no display na talaga yung unit ko . At di ko sure kung touchable pa ba ang screen.
 
[XX='Dark016, c: 1111675, m: 356876'][/XX] Yes po software po sya. Yung mediatek kasi na cherrymobile ko naback up ko sya gamit yang tool na yan. Pwede din siguro kung sa xiaomi. Qualcomm ba yan?
 
[XX='Dark016, c: 1111675, m: 356876'][/XX] Anong model pala ng xiaomi yan? Tignan ko later kung supported sya sa miracle box.
 
[XX='Dark016, c: 1111682, m: 356876'][/XX] Di naman po need yung touch nya sa recovery. Bale inanavigate mo lang yung mga selection using volume up/down.
 
Wala ka bang backup sa Google Drive/Google Photos? Hindi mo ba nai-setup yun diyan sa phone mo before nangyari yang lcd screen problem mo?

May sinubukan ka na bang Android Data Recovery software/program?

-MwNN 🤠
 
Wala pong back up. Di ko sya maaccess gawa ng naka off yung usb debugging. Di ko alam kung makukuha kung naka off yun. Madalas kasi sa google or yt mga naka on ang usb debugging kaya nila nakukuha yung files
 
natry mo na ba isaksak sa PC? kung ang default USB settings mo is with File Transfer,eh makukuha mo laman sa internal memry ng phone mo.
 
Back
Top