What's new

Help po apat na araw na ako nilalagnat

UnclePeco

Forum Veteran
Elite
Joined
Aug 20, 2017
Posts
1,881
Reaction
1,235
Points
808
Mga paps medyo mahaba to pero sana po mabasa nyo pa rin hehe

Mga lods ganito po kasi ang nangyari nag Wild rift po ako nung kinagabihan nung Wednesday bago ako matulog tapos pagkatapos ko po maglaro bigla pong sumama yung pakiramdam ko tapos sumakit din ulo ko tsaka binti ko kaso tinulog ko na lang kaso paggising ko nung mag oonline class sana ako ang taas ng lagnat ko tapos yung mata ko kapag niroroll ko sumasakit po sya tsaka sintido ko. Umokay naman po yung pakiramdam ko kaso kailangan ko po gumawa ng schoolworks ko bale babad po ako sa laptop non tapos mamaya maya, lalagnatin na naman ako hanggang sa paulit ulit pong nangyayari yon. Eto pong araw na to is pang apat na araw na po at gusto ko na pong gumaling andami ko pa pong kailangan tapusin. Hindi pa po kami nakakapag check up kasi sarado po mga clinic at nakailang take na ako ng gamot at sobrang dami ko naman pong iniinom na tubig. Ano pong maipapayo nyo mga lods? Salamat po sa pagbabasa. Godbless and stay safe po.
 
Pahinga ka muna lods, baka stress ka lang sa schoolwork mo. Bawasan din muna yung screentime habang nagpapahinga ka. Inom ka din ng maligamgam na tubig.
 
4 days? trangkaso na yan.. wag ka lang magpapacheckup dahil automatic covid yan..
pahinga ka lang.. pero wag ka matutulog. (why? tinutulungan mo lang ang virus sa katawan mo na paalalain. paano ko ito nalaman sa isang doktor. pero pag sa ospital ka natanong hindi nila sasabihin yan. syempre need nila kumita.) unless kung oras na ng tulog and papawis ka lang and tubig.. too much medicine nakakawala ng panlasa.
 
Pahinga ka, ganyan ako lately, masama ang pakiramdam, ininuman ko lang ng biogesic tapos sakto off ko ng kahapon, ngayon at bukas, kaya ngayon ok na. First week ko kasi ng work from home, kaya stressed at tutok lagi sa PC.
 
Try mo lods ang tawa tawa kung alam mo yan magpakuha ka ng tawa tawa tapos pakuluuan mo then syempre kuha ka ng isang baso tapos punuin mo yun then after inumin mo makadalawa ka makainom lods
 
Kung kaya naman ng gamutan sa bahay lods kayanin nalang, di na rin maaasahan mga health centers ngayon maski lagnat lang yan P.U.I ka agad (mama ko naadmit sa ospital kase may itim na bug na kumagat sa kanya tapos natrigger asthma niya dinirect sya kasama mga P.U.I)
 
Last edited:
Need mo ng rest. Humihina ang immune system mo kasi kulang sa pahinga ang katawan mo. Drink vitamin c + zinc to boost your immune system.
 
Back
Top