What's new

HELP (OILY FACE, ACNE PRONE, SKINCARE)

cardibug

Enthusiast
Joined
Sep 21, 2020
Posts
15
Reaction
1
Points
35
nagstart acne ko nung nag quarantine tinubuan ako ng maliliit na acne sa pisngi and pimples na nasa loob lang ng skin ko, pimples na hindi lumalabas (hindi sya halata pero masakit). 3 months ago, nakakita ako ng tiktok actually it was a trend na ishave daw ung whole face mo kase it can help with acne i saw a lot of reviews sa comment section na
"legit"
"it worked"
"been doing that for years it changed my life"
etc etc
ok so ako ang taas ng expectation ko na mag wowork saken SO TINRY KO shinave ko ung buo kong mukha with blade and aloe vera gel. after 3 months eto ako andami kong acne na mapula sa pisnge, mga maliliit na bilog sa noo, and blackheads. in conclusion, it didn't worked LALONG LUMALA ACNE KO. yung acne ko hindi sya mild hindi rin sya severe parang asa gitna lang ng dalawang yon. nakapagtry nako ng madaming products like safeguard, dr wongs sulfur soap, katialis, clean and clear, bioderm, bio oil, etc. im currently using the body shop tea tree facial wash pati ung the body shop tea tree oil pero wala paden ako napapansing nagbabago sa mukha ko except less oily nako pls help nakakahiya sa kapitbahay, pano kung magpapasukan na ano sasabihin saken ng mga kaklase ko na dati ang kinis ko tas ngayon puro nako acne.

Ano sa tingin nyo kung magtry ako ng isotretinoin/accutane?? sinabe ko kay mama pero di sya pumayag. Dami ko napapanood tsaka nababasa na maganda daw mag accutane

hindi po ako nagpupuyat, hindi ko ren kaya magpuyat, natutulog nako ng mga 8 pero ngayon 9pm inaantok nako, kailangan ko lang to ishare sainyo. bawas din ako sa sweets, di ako nagkakape, lagi ako nag ppray, naghihilamos ako twice a day, hindi ko hinahawakan mukha ko, hindi po ako umiinom (minor po ako), tinatry ko den po mag pahid ng ice sa mukha ko kapag naaalala ko. gn
 
Nako, wag ka sumubok ng kung anu ano na pinapahid sa mukha. Baka mas lalong ma-irritate yung skin mo. Mas maigi na mag stick ka na lang sa isang brand. Try mo po yung Ponds na kulay green na mga beads, yun po yung gawin mong panghilamos.
 
[XX='00-unknownymous-00, c: 339839, m: 1089124'][/XX] Kaya minsan lang ako sumubok nyan e. 🤣
 
Sakin eskinol tas hahaluan ng dalacin C.. epektib ung dalacinC.. napakalala ng mukha ko noon pero yan lang naging gamot.. kng mas maaga ko sana nalaman at nagamit yan.. di sana nagiwan ng bakas.. hays.. pag gumaling na itigil mo na din gamit.. mas maganda kng sa pimples mo lang ipapahid wag buong muka mo kasi antibiotic yun dalacinC eh..
 
cardibug Simple lang to. For all types of skin.

Dr. Wong's Sulfur Soap (pure yellow without moisturizer) - kapag nagka-pimple breakout ka. 1-2 washes a day with luke-warm water if possible. Morning and evening.

Pag nagstop na ang breakout at nawala na yong pamumula ng pimples kasi dry na sya, reduce it to Once a day only in the morning. You will ask me why? Kasi mag-ooily face ka ng subra in the long run kasi nakakadry sya ng mukha. Payo kulang huwag mong alisin yong oil sa mukha mo (if possible huwag talaga). Yan yong nagproprotect sa mukha mo from dirt.

Dr. Alvin's Kojic soap (pure orange)- Ito yong cleanser mo. Morning at evening. Unahin mo to bago ka mag wash with Sulfur soap. In one week, puputi agad mukha mo nito -yong subrang puti. Huwag kang magbibilad sa araw kapag gumamit ka nito kasi masasayang yong effect nya. Malakas ito nakakaitim kapag nagpabilad ka sa araw ng ilang minuto. In other words, puputi ng subra ka within 1 week pero iitim karin ng subra kung magpapabilad ka sa araw ng matagalan.

Eskinol (blue - pimple fighting). Para ito sa cystic pimple mo. Yong pimple na walang lumalabas. Use this directly sa may pimple mo lang. Huwag mong ipahid sa area na walang pimple or else magsynerge ang effect ni sulfur at eskinol. Ang mukha mo magiging kaha na puno ng cooking oil (hindi yong maitim na kaha ha baka matakot ka na maging charcoal mukha mo). Gamitin mo to 2-3 times a day.

Careful ka sa pimple na to. Magiging butas-butas ang mukha mo nito kapag pinisil po ito at ito ang pimple na matagal magheal at napakasakit pa at mabilis magspread kung kukuritin mo.

I use this remedy for almost 5 years already. Pero yong Sulfur soap alone 7 years na. Grabi ang trial and error ko nito kasi akala ko para mas mabilis magheal ang pimple ko, dapat 3 times a day, pero ang nangyari parang naging "kaha with cooking oil" ang mukha ko plus mabilis pa kumalat ang pimple kasi subrang oily. Hahah

P.S. Be careful with exfoliating products, yong may mga beads na facial wash, in just one day, especially the product you are using has strong perfume, your pimples will be doubled! First maliit na pimple, yong parang bungang araw pero later on, you will feel sorry for yourself.
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top