What's new

Help naman Combination of SSD and HDD for System Unit

kaliyuga

Eternal Poster
Joined
Jan 20, 2018
Posts
361
Reaction
2,647
Points
435
Hi, nais ko sanang malaman kung maganda bang maginstall ng games sa HDD ko, tapos ung Windows OS ko naman at mga software apllication like, chrome, photoshop, microsoft office at iba pa, sa SSD nalang. Bale ganito kase yan, ang napupusuan kong SSD size is 250GB lamang (mag-uupgrade ako), eh gusto ko sanang maglaro ng maraming games na naka-installed nalamang sa HDD sana.

Tanong, meron bang epekto sa performance yun or bababa ba ang buhay ng dalawang drive?

Newbie lang po mga sir!

Salamat,
 
ang pag kaka alam ko po, kung gusto nyo makapag games ng maayos, need nasa SSD po yung game. wala naman po problem sa hdd+ssd na combination, sa laro lang babawas performance po
 
natural po na sa ssd dapat ang os dahil ssd eh mas mabilis magreboot unlike hdd, gaya sa laptop ko sa ssd os and hdd games pero mas madalas sa external hdd ako naginstall ng games

kung gusto mo mas better yung paglalaro mo at smooth upgrade ka ram yung 16gb smooth na yan
 
Kung casual gamer ka lang, di mo alintana yung mga loading screen sa mga laro at gusto mo maka save sa pera, ok na ang hdd. Ang processor, ram at gc nmn ang nagdadala dyan. Pero kung ma-highblood ka nmn mag-ssd na baka ma2loyan ka pa. Sa hdd, normal lang tlga na may wear and tear dyan depende sa usage. Monitor lang tlga sa kabuuang temperature nang pc mo pagnaglalaro ka.
 
Ganito lang yan ts, Hindi nakakaganda at bilis nang fps at performance ang ssd sa games, ang epekto lang nang ssd sa games mo bibilis lang sya mag load nang game kapag bubuksan mo yun lang difference nyaa sa ssd, ang setup ko yung os lang nasa ssd saken tapos yung games ko lahat nasa hdd na 2tb tapos yung isang game kolang na dota 2 yung nasa ssd kasi yun yung madalas kong ginagamit at mabilis sya mag startup kumpara nuong nasa hdd palang sya.


kung gusto mo gumanda ang performance habang naglalaro ka mag upgrade ka nalang ngram if maliit lang capacity nang pc mo, dahil yung gpu may kamahalan sya pero sureball tataas fps mo depende sa gpu na bibilhin mo.
 
Mas advisable ko sayo kung yung OS which is Windows ay nasa SSD. Kasama na rin ang mga apps like edge, chrome, ms office, photoshop etc. Tapos yung games sa HDD.

Ang tanging advantage lang ng games sa SSD is reduced loading times. Same thing lang ng pag boot sa OS on SSD. Walang epekto parin iyan sa FPS. Need mo parin ng malakas lakas na CPU or GPU.

Ako I installed my GTAV sa SSD kung saan nanduon din ang OS ko. Medyo nababagalan ako sa loading times pag nasa HDD yung GTAV. Pero bihira na lang ako mag laro ngayon..
 
Since mahal ang ssd kung limited lang ang budget ang os nasa ssd at mga games at ibang app ay nasa hdd.

Pero kung yayamanin ka naman na may pang 500gb o 1tb na ssd ka. Kahit hindi ka na mag hdd.
 
salamat po sa lahat ng suggestions at comments, ngayon ay may insight na ako pagdating sa pagsama ng ssd at hdd sa aking system unit!
 

Similar threads

Back
Top