What's new

Help Laptop under 20k

PH-ICON

Forum Veteran
Elite
Joined
Jul 8, 2018
Posts
1,050
Solutions
1
Reaction
2,674
Points
691
mga paps help po suggest kayo yung maganda or pwede na yung pinaka sulit na laptop under 20k, grade 12 ako ngayon mag college na.. ang strand ko ngayong senior high is ABM. tas yung pwede pang gaming kunwari League of Legends tas yung bluestock? (not sure kung yun yung tawag dun) basta yung pang call of duty mobile na laptop. Sana may makasagot nag search na rin ako dito kaso wala ako masyado alam sa laptop. Salamat❤️
 
wla masyado pang gaming na laptop under 20k. kung pc meron. kung laptop tlga need mo next time ka nlng bumili pag malaki na budget mo.
 
ipon kpa kahit 15k more pa para maging 35k budget mo kung gusto mo ng gaming laptop. Pero kapos pa yan sa triple A games at ma lag pa yan, depende kc talaga sa budget yan kung di naman kaya ng gaming laptop wag mo ng ipilit paps. Bought mine last year at 80k, skl.
 
[XX='Arjien, c: 1149544, m: 1773652'][/XX] oo paps, pinag iponan ko talaga yun kc investment ko rin kc malaking tulong sa work ko.. My other colleagues nga 100k more or less yung unit nila ..
 
[XX='PHC-kuyhaa_ratiborus, c: 1149613, m: 541420'][/XX] paps kahit ba league of legends hindi kaya?
 
tingnan mo specs ng mabibili mong laptop kung sakali hindi kaya ng budget mo. Ito minimum requirements ng L of L paps.
IMG_20210501_101927.jpg

IMG_20210501_102101.jpg
 

Attachments

Brand new ba? Not sure pero mukhang kailangan mong babaan nang kaunti ang expectations mo para sa budget range mo kasi kung hindi ako nagkakamali kahit yung BlueStacks pa lang mabigat na eh bale how much more kung sasabakan pa ng gaming? Kung mas priority mo ang gaming, mas akma siguro kung phone or tablet ang kunin mo kasi paniguradong decent/mid-range specs ang makukuha mo para sa budget range na yan. Kung laptop kasi parang mas mataas na specs ang kailangan mo based sa hinahanap mo e higher specs would mean a higher price. Plus, hindi mo na kakailanganin ng Bluestacks kung Android na talaga yung device mo in the first place. Hahaha.

Opinion lang 'to bilang College student. Para sa akin ang gawin mo siguro muna ay ganito. Magtanong-tanong at mag-research ka kung ano-anong apps/software ba usually ang kakailanganin para sa course/program na kukunin mo para malaman mo kung laptop ba talaga ang kailangan mo. Halimbawa, kung Microsoft apps lang naman ang madalas gagamitin e pwede na ang phone or tablet. May Microsoft Office naman sa Android. Pwede rin namang mag-basic image/video editing sa phone or tablet kung hindi naman malalang editing tasks ang pinakaginagawa sa course/program mo. Kung ang course/program na kukunin mo naman ay mag-rerequire talaga na gumamit ka ng PC apps (halimbawa siguto IT or Com Sci), go for a laptop pero mukhang kailangan mo talagang babaan ang expectations mo para tumagal ang laptop mo in good condition.

Kung kaya mo namang gumawa ng schoolworks sa phone or tablet at hindi big deal sa'yo ang size, I highly suggest that you either go for a phone or a tablet instead since yung bagong models ngayon pwede namang bil'han ng bluetooth keyboard at mouse kaya parang laptop na rin naman.

College student ako pero tablet/phone ang pinili ko kasi hindi naman required sa course/program ko ang paggamit ng laptop. Una, mas mura. Pangalawa, Microsoft apps at video conferencing apps lang naman ang mga pinakaginagamit ko para sa school e lahat naman 'yon pwede sa phone or tablet (specifically, Android). Mas advantageous din kasi kahit saan nakakagawa ako ng activity (madalas sa byahe) at nakaka-attend ng meeting since mas "portable" nga compared sa laptop. Bukod do'n lahat ng apps na kailangan ko na unrelated sa school ay meron sa Android. Dati bago mag-pandemic madalas last minute ako kapag gumagawa ng activities. Madalas sa byahe (jeep/UV). Kaya mas pabor sa akin ang phone/tablet kasi kahit saan malalabas ko. Kahit nakahiga, nakatayo o naglalakad ako malalabas at magagamit ko. E yung laptop ko? Hindi. Kasi mabigat at malaki kaya nasa bahay lang nakatengga. Hahaha. Again, opinion ko lang naman 'to lahat. Baka may ma-suggest silang maganda. Good luck sa College! :)
 
[XX='PHC-kuyhaa_ratiborus, c: 1149613, m: 541420'][/XX] same din sa akin pang work ko. 100k+ ung ph price ng razer blade s†éálth sa ibang bansa mura lng. masakit sa bulsa pero need pra sa dev use.
 
kya nga if may relative ka sa ibang bansa dun ka nlng mag pabili mura mga laptop dun.
 
Opinion ko lang since i am also a college student:
20k medyo malabo yan try mo magbuild nalang ng pc makakamura ka pa and try to extend your budget 30k? i think and since nagmahal gpu ngayon dahil pandemic settle for APU muna like ryzen 3200g w/ vega graphics just prioritize lang kung ano importante SSD(120gb/512gb at ram 8gb/16gb) saktohan mo lang budget mo na makakabili ka pa ng keyboard, monitor, mouse at webcam.
at pwede rin to pang gaming since may apu si ryzen vega 8 kaya patakbuhin yan LOL timplahin mo lang settings sa graphics at since apu gamit mo try to do atleast dual channel para mamamize fps ng laro mo
yun lang sana makatulog goodluck sa online class TS.
 
Under 20k mahirap makahanap ng pang gaming talaga na laptop, pwera na lang kung bibili ka ng mga refurbished laptop makakahanap ka at mura lang.
 

Similar threads

Back
Top